Chapter 22

5.5K 101 2
                                    


KAAGAD AKONG UMUPO sa harapan ni Jackie. I am so confuse yet so happy dahil maaliwalas ang mukha niya, good mood ata.

"So... what are we doing here?"


"Kakain?" He smiled, napa irap ako rito. Well, he has a point pero pointless. Nakakapanibago lang. I am nervous for some reason, hindi ko mawari kung bakit, oo nga, bakit nga ba? Wala naman atang mangyayaring masama...


"Are you sure you're fine now? Baka mahimatay ka bigla niyan."


"Sino ba nag aya sa'kin lumabas?" Usal ko habang naka taas ang isang kilay. "Tsaka, what's with those girls? Bakit nakuha pa nila akong ihatid? May kailangan ba tayong i celebrate right now?"

Mabilis itong umiwas ng tingin saakin dahil para manliit ang mga mata ko habang tinitignan siya. He looks different right now, I mean... He's wearing a formal attire which is unusual niya lang gawin.


Hindi na lamang ako sumubok na mag tanong dahil mukhang wala pa siyang planong mag salita. I enjoyed the food we ate, maganda rin ang restaurant.


Ilang minuto ang nakalipas ay dessert na ang inorder ni Jackie. Mas lalong naging mariin ang pagtitig ko sa kaniya. He's really wierd, so wierd!


"Umamin ka nga. Ano ba talagang nangyayari beside sa kumakain tayo ngayon ay may okasyon bang nakalimutan ko?" Hindi na ako makatiis.


Napahinto naman siya sa pagsubo bago ako tinignan ngunit mas lalo lang akong nairita dahil umiwas kaagad siya.

"Okay, fine! Kung wala kang balak na mag salita then aalis na ako." Umakto akong tatayo kaya kaagad ako nitong pinigilan.


"'To naman, saglit lang kinakabahan pa nga ako eh. Upo ka muna, okay?" Napangiwi ito bago kumamot sa batok.


Ewan ko ba sa lalaking ito, he's been acting so wierd, kahapon pa 'tong lalaking 'to.

I flinched when a soft music played. Someone's playing a violin. Lahat ng inis ko kay Jackie ay nawala, kaagad akong napangiti, even though I am not familiar with that music ay napapakalma kaagad ako nito.

Nakita kong tumayo si Jackie, hindi kaagad ako nangialam kung saan siya pupunta dahil masyado akong focus sa dessert habang inenjoy ang music.


I frowned when everyone clapped their hands. Nakatingin sila sa likod ko, I can see how excited they are. Mabilis akong lumingon at napatayo, and to my shock, I saw Jackie.


He's kneeling while holding a small long box. My heart beat so fast, not because of what I am seeing right now, kung hindi dahil sa naiisip ko palang na nasaamin ang lahat ng atensiyon ng lahat. My anxiety... Nanginig ang aking mga kamay, it's uncomfortable.


"Calista Jane... I know this is sudden but I am happy seeing you with me right now. Unang kita ko palang sayo noon, doon palang alam ko na na ikaw ang gusto kong makasama sa pang araw araw kong buhay. I am glad God gave you to me, I am just glad I found you." I can see he's also shaking. Kinakabahan ito. Nakikita ko sa peripheral vision ko ang mga cellphone ng mga tao, naka flash ito at nakatutok saamin. They are recording us.


"Pasensya, alam kong gulat na gulat ka pa rin but believe me. I am being honest right now. I like you, Calista, I like you so much that my heart can't take it. Please... be my girlfriend, araw araw kitang liligawan."


Malakas ang aking paghinga. Hindi ko alam anong gagawin, just like what I said, I never like or love Jackie romantically. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya ngunit paano, ayukong mapahiya siya, o kami. Madaming tao.


 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon