Chapter 9

6.5K 120 2
                                    

MASAKIT MAN ang katawan ay bumangon pa rin ako, nakaya kong makatayo at pumunta sa banyo.

Trade and I made love all night. Hindi pa ako sanay tawagin siya sa totoo niyang pangalan since iyon ang nakasanayan ko but I am trying, sinabi ko nga iyon sa kaniya and he said he understand, palayaw din naman daw niya iyong 'Trade', kahit malayo iyon sa name niya.

Pagkatapos kong maligo ay tulog pa rin si Devoungh. Nagluto na muna ako, mamaya nalang siguro kami mag swimming, kahapon sana kaso nawalan ako sa mood kaya ngayon nalang namin gagawin. We both agreed to continue our relationship, hindi niya mahal ang fiancé niya at natitiyak din siyang hindi rin siya mahal nito. Naka uwi na ito kahapon.

Pagkatapos kong maayos ang kakainin namin ay pinuntahan ko na kaagad siya sa kwarto and as expected, tulog pa rin ito.

"Trade-- Devoungh pala, gising na. Nakapagluto na ako ng breakfast natin." Sinundot sundot ko ang tagiliran niya, he just whimpered at kinuha ang isang unan, tinabon niya ito sa ulo niya. Para bang nagtatago.

I sighed before getting up. Kinuha ko ang spray sa bed side table. Sinilip ko ang mukha niya bago itinutok ang spray.

"Target locked," I laughed bago binasa ang mukha niya, I am thankful tubig lang iyon kaya hindi hahapdi ang mata niya kapag didilat siya.

"Fuck..." he whispered before getting the blanket, iyon naman ang ginamit niya para mag tago.

"Gotcha!" Usal ko nu'ng mahagilap ng mata ko ang ilong niya, ini-spray ko ito dahilan para mapaungot siya.

"Baby... Stop playing around," Umupo ito, akmang tatakbuhan ko na sana ito ngunit mataas ang mga braso niya kaya agad niya akong nahuli. Shit!

"I got you!" He chuckled, inihiga ako nito sa kama at pinugpog ng halik ang mukha ko. I laughed when he start tickling me.

"You're a naughty, my naughty baby." He stop when he saw I am catching my breath. Hinalikan niya nalang ang mukha ko.

"Ikaw kasi, tagal mo magising." Paninisi ko. He just chuckled, nagulat ako sa pagsubsob niya sa leeg ko, I bite my lips when I felt him sucking my neck.

"D-Devoungh..."

"That's right... That's my name," He whispered. Mahina ko itong tinulak.

"Mag umagahan muna tayo, baka lalamig iyon." Nakasimangot ito kaya tinawanan ko lamang.

Naligo ulit kami sa dagat, marami rami ang tao ngayon pero ang iba ay nandu'n lang sa may buhangin. Nakasuot ako ngayon ng swimming outfit, malamang mag s-swimming eh. Kaso itong suot ko ay natatakpan ang leeg ko, talagang ito ang pinabili ko sa kaniya dahil nilagyan niya ako ng hickey kaninang umaga!

Nakaupo lang si Devoungh sa may buhangin, dahil atat ako at deadma lang ang init ay mas nauna na akong naligo, pinapanood niya lang ako since na sa malapitan lang din naman ako naligo kaya nanunood lamang siya saakin.

I smiled before running towards him, pinuno ko ang dalawang kamay ng tubig bago ibinuhos sa kaniya. I laughed when I saw his reaction, gulat na gulat ito at sumimangot, agad akong tumakbo nang makita ang inis sa mukha niya, pero kaagad itong napalitan ng ngisi. Wala rin namang pake alam ang mga tao dito dahil parang may sarili silang mundo kaya free na free kaming naghahabulan ni Devoungh. Jusko! 'Di naman ako na aware, mabilis pala 'tong tumakbo.

Napatili ako nang bigla ako nitong buhatin. "Such a naughty," I smiled when he run towards the wave.

Ngunit kaagad nawala ang ngiti ko nu'ng hindi siya tumigil sa paglalakad. Shit! Napaka lalim na nitong tubig.

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon