Chapter 2

10.2K 193 26
                                    


CALISTA's POV

AGAD KO namang binawi ang kamay ko at nag iwas ng tingin. Subrang bilis ng tibok ng puso ko na parang hinhabol ako ng kabayo. Putamother.

"O-Okay na po ba kayo?" Nauutal kong tanong, nanginginig pa talaga boses.

"Yeah," he just said, wow mukhang ang ganda niya kausap.

"Pinacheck na po kita sa pinsan kong doctor, hindi naman malala ang mga sugat mo," mas lalo pa akong umiwas nu'ng titig na titig ito saakin, "Y-Yung sa gilid ng tyan lang 'yong na puruhan." Ngumiti ako ng hindi siya tinitignan.

Doon na ako napatingin sa kaniya nang pilit siyang bumangon kaya naalerto agad ako at pinahiga siya ulit. Ewan ko ba, may parte saakin na concern na concern talaga sa kaniya, kahit hindi ko pa ito kilala.

"'Wag kang masyadong gumalaw. " I said but he just gave me a smile. Nakakalaglag panty naman ata ng ngiti nito.

"I'm fine." Pag eenglish nito, mukhang mahihirapan ata ako nito, putamother na'yan, marunong naman akong mag english pero 'di lang sanay. Wow ha.

"A-Ahh... Nakita ko po 'to sa bulsa ng jacket n'yo po, I'm sorry, sinubukan kong buksan." kinuha ko iyong cellphone galing sa bulsa ng jacket niya.

"Are you okay lang po ba? You look pale." Pag eenglish ko. Kala mo ikaw lang marunong mag english, huh!

"No, I'm okay, hindi akin 'yan, na pulot ko lang 'yan sa k-kalye..." pinaningkitan ko ito ng mata, mas lalo tuloy akong na curious kung nag sasabi ba talaga siya ng totoo.

"Wala po ba talaga kayong kakilala o kaibigan man lang para matawagan natin, baka nag aalala na po 'yung mga kakilala niyo, " kunot nuong tanong ko sakaniya, umiling naman siya. "Kahit girlfriend? wala?"

"No I don't have any." Ilang minuto kaming natahimik, nag iisip ako ng kung ano ano para matulungan siya. Hindi naman ata pwedeng dito nalang siya mag stay, lalaki siya at babae ako. Maria Clara kaya ako.

"A-ahh... Siya nga po pala hindi ko pa alam ang name niyo at 'di kasi ako nag papasok ng 'di ko kakilala dito kaya kahit name man lang at iba sa naalala mong tungkol sayo. I'm Calista by the way, " nakataas pa ang dalawa kong kilay habang nag sasalita, ngumiwi naman siya bago ako sagutin.

"I'm.." Mukhang nag iisip pa ito. Nakalimutan niya ba name niya? "I'm Trade... yeah.... Trade.. T-That's my name. I am homeless." Kung kanina man ay ako ang umiiwas, siya naman ngayon.

Mag sasalita na sana ako para tanungin siya kung totoo ba sinasabi niya ay inunahan na niya ako.

"I'm hungry,"

"A-Ayy.. Oo nga pala. It's already night. Mag luluto lang ako saglit---"

"N-No, I'll help you." Patayo na sana siya pero pinahiga ko ulit.

"H-hindi na, just take a rest, okay?" inabot ko sakaniya ang luma kong cellphone, "Marunong ka naman sigurong gumamit nito? mag games lang kayo. May ano ako dyan.... Ahmm... My talking tom? a-ah 'yan lang kasi kinaaaliwan ko kapag bored." Napakamot ako sa aking leeg, tiyak na namumula na ngayon ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

ay nahihiya kapa pala?ang kapal pa nga nang mukha mong kumain sa ibang bahay.

Hindi ko na inantay ang sasabihin niya baka mag talo pa kami, agad akong pumunta sa kusina at nag simulang mag luto. Hindi naman 'to kalakihan ang condo ko, may second floor lang kung saan tanging nag iisang kwarto ko lang ang nandu'n.

Nasakaligatnaan ako ng pag luluto ay naramdaman kong may mga matang nakatitig saakin. Dati ko pa ito nararamdaman, like someone is literally stalking me. It's creepy.

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon