Chapter 8

6.6K 127 1
                                    

GULONG GULO ang isip ko habang nag lalakad pabalik sa hotel na tinutuluyan, hindi ako bumili ng ice cream dahil nawalan na ako ng gana.

Agad kong nilock ang pinto pagkadating ko. Hindi ko alam anong gagawin ko ngayon, gulomg gulo na ako sa mga nalalaman.

I can't stop asking myself, paano kung katawan lang ang habol niya sa'kin? Paano kung ginagamit niya lang ako, 'yong katawan ko at kuhanin gusto niyang kunin ang anak namin at ipalabas na anak nila 'yon ng fiancé niya?! Bullshit.

Tangina, ba't kasi ang tanga ko at nag pauto pa ako sa kaniya ke't 'di ko pa siya ganu'n kakilala.

Kaka isip ay hindi ko na malayang naka tulog na pala ako.

Nagising ako bandang mga alas otso na ng gabi. Madilim na sa labas pero ni anino man lang ng lalaki ay 'di ko nakita. Wala akong magawa kaya nanood na muna ako ng tv, palipat lipat lang ako ng channel dahil wala akong matipuhan, hanggang sa mapadpad ako sa isang channel na naka agaw kaagad ng aking pansin.

My eyes widen when I saw a very familiar face. Si Trade! Or should I say Devoungh!

Seryuso ang mukha niyang nagsasalita. Pre-views news iyon, may nakalagay na petsa sa baba kaya sa pag kakatanda ko ito 'yong araw kung kailan gabing gabi na siyang umuwi. Siya nga talaga ito.

Gusto kong maiyak dahil napaka tanga ko. Kasalan ko bang hindi ako mahilig manood ng mga news kaya hindi ko agad siya nakilala. He's a freaking billionaire, kilalang kilala ito sa buong mundo pero ako lang itong tanga na hindi kaagad nakakilala sa kaniya.

He's Devoungh Ark Zargoza a young billionaire, 28 years of age, only child.

Kasunod na pinakita ang nakangiting babae, ito iyong babaeng kumausap sa kaniya kanina. His fiancé, Charmain Samboanga, 25 years old.

She look so happy while everyone keep asking her about her marriage with Devoungh.

Mapait akong na pangiti, now everything is on my mind. I get it now, Devoungh lied to me, anong laban ko doon, they are billionaire, kung sa ibang panahon ko siguro 'to nalaman at kung wala sana siyang fiancé ay matutuwa pa ako pero hindi. He's getting married.

Nakatunganga pa rin ako nang marinig ang pag tunog ng pinto, I heard his heavy step. Pumunta kaagad siya sa harapan ko, pinatay niya ang tv at humarap saakin.

"You're here, kanina pa kita hinahanap."

Hindi ko ito sinagot, tinitigan ko lamang ang mukha niya. Napakagwapo niya talaga kahit kailan, pero bakit kailangan niya pang magsinungaling saakin, kung titignan ay na pa ka inosente ng mukha niya, siguro kung wala pa rin akong alam ay iisipin kong wala siyang tinatagong masama.

When he was about to touch me ay tumayo kaagad ako at nag lakad paalis, I heard him calling me but I didn't bother looking back. Ayukong makita niya akong umiiyak.

Dinala ako ng mga paa ko sa tabing dagat, walang masyadong tao kaya tahimik lamang ito, tanging alon lamang ng dagat ang naririnig ko.

Napaupo ako sa may buhangin, hinarap ko ang dagat. Doon na tuluyang nag sipatakan ang mga luha ko na kanina pa pinipigilan. Subrang sikip ng dibdib ko, ang sakit sakit.

Pa'no nalang kaya kung ikinasal na sila bago palang ako nakilala ni Trade at hindi niya sinabi kagaya ng nangyayari ngayon. Magiging kabit ako, tiyak na kakamuhian ako ng lahat, lalo na't sikat sila.

Natigilan ako nu'ng may malalaking braso na yumakap saakin, kahit hindi ko ito tignan ay kilalang kilala ko na kung sino ito.

"I'm sorry," he whispered, hinalikan nito ang batok ko bago sumubsob sa aking leeg dahilan para mas lalo akong maiyak. Why is he still so sweet? Dapat hindi niya ito ginagawa saakin, mas mahihirapan pa ako sa sitwasyon kung ipagpapatuloy niya ito.

 My Obsessed Billionaire [Rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon