Chapter Six: The Crook's Trail

887 89 20
                                    

-chapter six-
____________________

'Kaya kung gusto niyo siyang makita, doon kayo dumiretso. Doon niyo siya mahahanap.'

YUMUKO AKO at kinuha ang panibagong kahon. This is the third last box that was delivered to Miss Zippel's store. Kung kanina ay patatas, ngayon naman ay kamatis ang dumating. Hindi ko alam kung kailan dadating ang tinapay para naman may manakaw ako't makain. 

The market was noisy. Nginingitian ko ang bawat taong madaanan, dahil popular ako at kilala namin ang isa't-isa. Most of the greetings are simple and quick since everyone is busy with their own businesses. May mga bumibili ng pang-almusal, mayro'n ding ang ginagawa sa buhay ay tumambay lang, at ang iba'y nag-aayos ng paninda. There are also the noble and rich men who are keeping themselves amused by watching the commoners go about. Sobrang boring na siguro sa kanila at nagpapa-inggit sila sa spiciness ng life namin.

It's easy to spot the rich nobles. Either they're wearing expensive, sparkly clothes or if they're just standing around, gawking at the busy market life. Gano'n din kasi ang ginagawa ng apat na unggoy. Tumatayo lang at nanonood kaya naman alam na bobo sila sa ganitong buhay.

Although, mukhang may naligaw na unggoy at nandito siya sa harap ko. I let out a heavy exhale, iyong ramdam na ramdam ang sama ng loob, at blankong tiningnan si Augustus na nakaharang sa daraanan ko.

Naghahanap ata ito ng aksidente at gusto magpabundol.

"Nagtatrabaho ka dito, Vash?" tukoy niya sa stall ni Miss Zippel.

"Hindi. Sa kabilang kanto pa." itinaas ko ang kilay. "Dito ko lang nilalagay ang karton kasi trip ko. Obvious ba?"

Humalukipkip si Gus at kumunot ang noo niya.

"Why can't you just answer the question without being sarcastic?"

I rolled my eyes. "Well, I wouldn't if you're not asking stupid questions. Isa pa, umalis ka nga diyan. Nasa daan ka."

Napataas ng kilay si Augustus. Dinouble-check pa ng bulag kung nakaharang nga ba talaga siya bago tumabi. I sighed, again, and passed him. Pagkalapit sa likod ng stall ay malapit ko nang itapon ang kahon kay Zorran na abala sa hinahasang espada. Pero dahil hindi ko pinalaki ang sarili na masama, ibinagsak ko na lang ang kahon para mapatalon siya sa gulat.

I smirked. "Ginagawa mo dito, unggoy?"

"Ikaw lang pala 'yan, Vash." hinimas niya ang dibdib. "Akala ko kung sino nang mamamatay tao."

"Hm. Parang gusto ko 'yan kasi mapapatay kita." I ignored his scandalized face and peeked inside the stall. "Ang kamatis nandito na!"

"Alright." Miss Zippel smiled gratefully. "Can you get the delivery of bread for me? Hanggang sa Crook's Trail na lang sila dahil sinarado ni Sir Parkinson ang daanan."

Sinasabi ko na nga ba! Tinapay din, sa wakas!

Pero... Sarado na ang daanan ni Parkinson? Umismid ako at tahimik na nagmura. "That damn old man."

"He wouldn't have closed off the road if a certain thief didn't visit him."

Inikot ko ang mata. "He wouldn't lose anything if he did his business without fraud and crimes."

Umiling-iling na lamang si Miss Zippel at bumalik sa pagaayos ng paninda. Sumulyap ako kay Pheme na tutok na tutok sa librong binabasa. This girl... Maaga niya akong ginising para daw matulungan namin si Miss Zippel, pero ako lang naman ang nagta-trabaho.

I burned her back with my stare. Sarap sigurong tumambay-tambay lang 'no, Pheme? Wala kang pinagka-iba sa tatlong lalaking naging display ng tindahan.

Speaking of... Sinulyapan ko ang tatlong estatwa ni Miss Zippel. The amount of young ladies that gathered in front of the stall made me grimace. Sa halip na tingnan ang pinamili, nakaglue ang mata ng mga babae para tumitig sa tatlo. Super yuck lang. Nasa impyerno ba ang standards ng mga babaeng 'to?

The Steal GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon