Chapter Twenty-Four: Dinner With The Witch

392 59 112
                                    

-chapter twenty-four-

"Hello there, Vash. Hindi mo man lang ba ako papansinin?"

SIGURO KUNG ibang tao ang nasa upuan ko ngayon, they would feel honored na inimbita sila ng witch. Ayon ay kung criminal ka pala. Kung si Lucian ka naman ay siguradong nagpuputok na siya sa galit. Kung isa ako sa mga babaeng may gusto kay Lukas, kinikilig na ako sa kinauupuan.

Sadly, I am Vashtianna, the one and only honorable thief of Casimir. Mabait, magalang, maganda, matalino, magaling makipaglaban, magaling magnakaw, magaling umarte, at higit sa lahat, isa akong dukha.

Kaya imbes na maglaway sa gwapong katabi ay para akong leon na nakatitig sa nasugatang kambing, although the goat would be the foods presented in the table.

"Vashtianna, my old friend!" masayang bati ni witch na tinugonan ko ng ngiti. "It's been a long time since we last saw each other. Bakit hindi ka na nagpakita sa'kin?"

Ano akala niya sa presensiya ko dito ngayon? Apparition?

"Wala. Hindi ko lang trip."

Shaun pinched me on the side at my answer pero sinamaan ko lang din siya ng tingin. Aba't makakurot ang isang 'to para namang ang close-close namin! E hindi nga niya ako pinahiram ng isang libo noong nakaraan!

"Bakit naman? Ayaw mo kong bisitahin?" tila may lungkot sa boses ni Ariadna.

"Ano naman gagawin ko do'n? Makikipaglaruan ng green soldiers sa'yo. Isa pa, I'm busy. Nililinis ko mga kalat mo."

Umangat ang isang kilay ni Cosimo. Kanina pa siya nakatitig sa'kin na konti na lang ay aakalain kong inlove na siya. I mean, hindi ko naman siya masisisi, ito lang ako, maganda at mabilis makabighani ng lalaki.

"You're the Midnight Burglar?" tanong niya.

Sinagot ko ang titig niya pero hindi ko ibinuka ang bibig. Bahala siya sa buhay niya mag-isip kung ako nga ba ang burger na 'yon o hindi. I don't want to be in the same room as him, nor speak to him. Isa lang ang gusto kong mangyari kapag magkaharap kami at iyon ay ang pugot niyang ulo sa semento.

"I told you that already, Cosimo. Isa siya sa sumira sa pagbabantay natin kay Parkinson kaya alam kong siya ang Midnight Thief." sagot ni Lukas.

"Ah, the midnight thief." Ariadna said, her face a little dreamy. "Ang ganda ng nakuha mong pangalan para sa'yo, Vash, at proud din ako sa ginagawa mo. But I should say, I am irritated at the criminals who brings forth the same complaints. Surely, Vash is that easy to catch."

Aba, aba. Mali ata ang narinig ko na nagmula kay Ariadna. Kung mabilis akong mahuli, e bakit nandito pa rin ako, 'di ba?! At saka ano ba, kailan kami kakain?!

"She's like you, Ariadna. Almost everyone who works in the underground like us knows her identity but no one can chain her." nakangiting saad ni Shaun at sinulyapan ako.

"Oh, but I am trying to." nakangising dagdag ni Lukas. He reached out to play with my hair. "I'm pretty sure I can tame this midnight thief of yours."

Nabitawan ni Lukas ang buhok ko nang hinila ako ni Shaun papunta sa kaniya. "I hardly think so."

May tensiyong namuo sa dalawang katabi ko at parang nakuryente ang puso ko nang magtama ang mata namin... ng baboy. I drooled at the lechon that was presented at the center of the table. Kailan ba ako huling nakakain nito? Noong nagfiesta sa Eastern District at ninakawan ko ng pagkain ang mayor?

The Steal GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon