Chapter Forty-Five: The Visitor

486 69 139
                                    

-chapter forty-five-

HALOS PATAYIN ako ni Murphy nang makonpirma nga nilang buntis ako. Ang karma kasi na 'yon, nagbigay pa ng panibago.

"So while we were all fighting down there, ibang fight din pala ginawa mo?" supladong tanong niya, ang magkabilang kamay ay nasa bewang. "Talagang nagpalandi ka pa."

We were on my chambers. Umalis na iyong doktor na tumingin sa'kin at halos mahimatay naman si Tanda nang malamang may panibagong Vashtianna. Naiisip niya siguro ang dosenang demonyo na pwedeng tumakbo-takbo dito.

"E kasi sabi ko last na 'yon!"

"Oo, at dahil diyan maglalast na kayo ni Augustus forever."

Nang tumangka siyang umalis ay agad akong bumangon at hinila siya pabalik. The dumb fool lost his anger at my harsh movements, holding both my shoulders to firm me on the bed.

"Huwag ka ngang magpadalos-dalos! Baka ano pang mangyari sa'yo!"

Umirap ako. "Anong maglalast na kami forever? Dahil may anak, automatic kasal na gano'n?"

"Well, hindi ko naman hahayaan na lumaki ang anak mo na ang kinikilala niyang ama ay hindi mo asawa." he countered, arms crossed. "Hindi din papayag si Augustus doon."

"How sure are you? Baka nga naturn-off na 'yon nang makitang demonyo ako."

"That's not possible, Vash." ani Lukas na ngayon ay nilalantakan ang paboritong pagkain ko. "Kinausap nga ako no'n back then. Huwag na daw ako magtangka sa'yo kasi sa kaniya ka na tapos may gana pang utusan ako na alagaan ka dito sa Arxes."

Kahit na gusto kong mainis at sumimangot ay napanguso na lang ako para pigilan ang ngiti. Enebe.

"Kaya magdesisyon ka na kung kailan mo balak bumaba sa Casimir."

I glanced at Murphy, terror reawakening in my chest. I can still hear Ariadna's last words after I lost control. She told me to leave and never come back again. I wanted to honor that order of her, para man lang bayad sa ibang nagawa ko. At least, in that aspect I can be true to her.

"Hindi ba pwedeng siya na lang umakyat dito? Siya naman nakabuntis!"

"Kahit na umakyat siya dito, bababa pa rin kayo kasi siyempre sasabihin niya sa kuya at  kaibigan niya do'n." when I tried to say something, he cut me off. "Huwag mo 'kong simulan, Vash. Alam ko paano kami gumalaw."

I pursed my lips, fighting the urge to throw a vase on Lukas who was eating my food, unbothered. Gagong 'to, bakit ba kasi siya nandito pa? Wala naman siyang ibang sinabi kun'di lumamon lang. Sana doon na lang siya sa kusina kumain, hindi naman dining room itong kwarto ko, tangina.

"Idiretso mo na lang ang mensahe kay Lucian. Malay mo at nakikipaglandian pala 'yon sa iba..." nandoon pa rin si Leannta na mabait at 'di sinungaling like me. Mas maganda nga lang ako. "Si Lucian una tanungin mo kung may nobya or something 'yang si Gus! Ayokong makasira ng relasyon 'no!"

Murphy rolled his eyes but nodded. Siyempre wala siyang magagawa kasi nagpapasipsip siya sa'kin.

Pinadala niya iyong mensahe, at kung nakatanggap man siya ng sagot ay hindi niya sinabi sa'kin. Though I know that something bad, for me, is going to happen. Kapag kasi nadadaanan niya ako, ay ngingisi siya ng malaki at parang nagyayabang. I retaliated with showing him how bad my morning sickness is, making him worry to the death. Wala naman pala ang angas niya kapag nakikita akong nagsusuka.

The Steal GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon