-chapter twenty-two-
'I leaned closer to Augustus' warmth, the crown of my head touching his chest as I closed my eyes. And breathed.'
"SINO 'YAN? Ano 'yan?"
Murphy's demanding tone immediately entered my precious ears the moment we stepped into the room. Parang nanay ko siya na naiwan sa nag-aaral na tingin niya sa'min ni Augustus at sa batang sumama sa'min.
Arpheus raised a brow while Pheme smiled. Lucian had the same kind smile plastered on his face. Si Zorann lang ang dramatic enough para masamid sa iniinom at mabilaukan. Karma sa pagiging chismoso.
Augustus grunted when I tightened my arms that locked around his neck. I grinned, almost predatory at them.
"Anak namin." tukoy ko sa bata.
At this point, hinahampas na ni Zorann ang dibdib dahil nabilaukan na naman ulit sa kinain na manok.
"Seryoso ako, Vash."
"Sino ba nagsabing nagjo-joke ako." I rolled my eyes. "Hindi ko kilala ang batang 'yan. Sumunod lang siya sa'kin. At para bayad sa pagtulong ko sa inyo, Gus needs to carry me on his back."
I'm too pretty to tell them the real reason. Nang itulak ko palayo si Augustus para umalis na kami, bigla na lang nawalan ng lakas ang paa ko. Siguro nag-expire na ang pagiging superhuman ko for the day. Kaya bago pa maaliw si Gus sa pagtawa sa'kin, inutusan ko na siyang dalhin ako. Surprisingly, he didn't object. Binisita ata ng anghel.
"Ibaba mo nga siya kasi naiinis na ako sa mukha niya." reklamo ni Murphy.
I stuck a tongue out at him. Aba, sino naman ba kasi may paki kung naiinis sila sa'kin? Iyon naman ang goal ko sa buhay.
Augustus nodded. "Doon sa kwarto niya."
At least this knight knows that I can't walk. At mabuti rin na hindi niya sinabi ang nangyari sa kanila. I would die before I'll let Murphy hear another story to mock me.
Nanlaki ang mata nilang lahat at agad-agad na tumayo si Zorann para harangan si Augustus. The rest looked scandalized na para bang pinatay ko ang pinakamamahal nila sa kanilang harapan. Konting-konti na lang talaga ipapasok ko na sa teatro ang mga 'to para naman may pagkakitaan din kami.
"Bakit mo siya kailangang ihatid sa kwarto niya, Gus? Pwede lang naman na dito ah! May hindi ba kayo sinasabi sa'min?"
I stared Zorann up and down before saying, "Sigurado namang nasabi na namin sa'yong tanga ka, hindi pa ba?"
Sinamaan niya ako ng tingin pero kinontra ko lang iyon. He had no choice but to avert his gaze and stare at his friend. Parang bato naman 'tong isa at hindi sumagot. Hindi ko nga alam kung humihinga pa 'to eh.
I jumped down, grinning as I fought the terrible ache in my legs. I confidently walked to the nearest couch, ignoring the throbbing pain. I could feel his stare behind me. Watching my every movement, every step. Hanggang sa makaupo ako.
"Were you hurt?" may concern na sa boses ni Murphy.
At that, Pheme was immediately on my side. Napangiwi ako nang hawakan niya ang tuhod. She only offered an apologetic smile and started her healing magic. I leaned on her, smiling.
"Anong gagawin ko kung wala ka dito, Pheme? Siguradong makikipagbangayan lang ako kay Murphy na hahayaan lang akong mamatay." nagpapaawa kong sambit.
"Hoy, Vash! Tinulungan kaya kita noon! I was the one who patched you up!"
![](https://img.wattpad.com/cover/256931778-288-k582703.jpg)
BINABASA MO ANG
The Steal Game
Phiêu lưuThree royal knights and a prince has to ask the help of a famous thief to get back their palace. In return for her help, they found themselves helping her in the Steal Game - a dangerous event filled with criminals and bounded by no rules. They expe...