Chapter Twenty-Five: The Auction

467 58 42
                                    

-chapter twenty-five-

BAGOT ANG mukha ni Murphy habang pinanonood ang lobby ng Lilac hotel. Medyo magulo na ito dahil maraming participants na ang nagpapakita na may hawak na golden card. Pero ang manok niya sa larong 'to ay hindi pa rin nakikita.

"May mga anim na Crow's Nest ata sa paligid. Tapos may nakikita din akong tao na may berdeng mata." report ni Zorann sa tabi niya.

Murphy held back a shiver at the mention of glowing, green eyes. Nakakatakot pala ang maging under ka sa control no'n. Conscious ka sa sarili mong katawan pero hindi na ikaw ang may-ari nito. At kahit labag sa loob ay may nasasabi kang hindi dapat. Mabuti na lang at nakahanap agad ng lusot si Vash para hindi sila mabulgar.

Napailing siya sa acting skills nito. Well, at least totoo naman ang mga pinagyayabang ni Vash. Napakabilis magbago ng emosyong pinapakita nito kahit na hindi iyon ang nararamdaman niya. Midnight Thief ang tawag ng lahat pero para kay Murphy, isa siyang deceiver.

Deceiver na walang preno ang bibig. Sa lahat ng good points ni Vashtianna, iyon lang talaga ang nakakainis.

"Si Vash?" tanong ni Pheme.

Umiling si Murphy. "Wala pa."

Nagkatinginan silang dalawa at agad na naisip kung bakit nga wala pa si Vash dito. Siguradong naghihintay lang 'yon sa gilid at naghahanda ng grand entrance niya.

They're at the lobby of the hotel. Dito magaganap ang transition para sa second phase ng game, ang Auction kung saan pupunta ang pinakamayamang tao sa South District at uutusan silang magnakaw ng kung ano man. Sa conference room ng gusali magaganap ang meeting at tanging participants lang ang makakapasok, so for the supporting members of the group, kailangan nilang maghintay.

Unang pumasok ang mga sasali sa Crow's Nest. Naningkit ang mata ni Murphy nang makita ang lider ng grupo na si Cosimo. Sa magkabilang tabi niya ay ang masungit na mukha ni Callum at ang ngumingising si Lukas. Their presence made the other thieves stop. Napakaintimidating ng bawat hakbang nila, na napapalunok na nga si Zorann sa sobrang kaba.

Bago pa makapasok sa conference hall ay pumasok na si Ariadna, ang witch queen ng Casimir. Malakas na binuksan ng mga tauhan niya ang pintuan para mas maging pasabog ang entrance niya. Sumasayaw rin ang buhok niya dahil sa fan na pinapaypay ng ibang sundalo. Her heels clicked on the floor, head held high, as she approached the three other thieves at the reception desk.

"Well, if it isn't my favorite rival. Fancy meeting you here." she drawled, passing her golden card to the lady manning the reception.

"Akala ko ba ako ang favorite rival mo?"

Nagulat ang lahat nang marinig ang malamig na boses, lalo na nang makita si Vashtianna na nakahilig sa malaking pintuan ng conference hall. It's quite strange for them to see the giggling child a few days ago look intimidating and scary.

Ang problema naman ng mga manlalaro na nasa tabi ni Vashtianna ay hindi sila makapasok dahil prenteng nakasandal ito sa pintuan.

"Why does she always need to do that?" kunot-noong tanong ni Augustus.

Pheme smiled. "Kasi kapag daw hindi grand ang entrance niya, bawas 'yon sa angas."

"Ang tanong e may angas ba siya." kontra naman ni Murphy.

"Sinasabi ko na nga ba! Mas lumalakas kutob ko sa relasyon nila ng witch!" bulong ni Zorann. "Nakita niyo 'yong entrance ng witch? Super grand din. Siya? Gusto din na grand! Hindi ba't parang nagmana lang siya sa nanay niya?"

The Steal GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon