sorry po talaga in advance, read with caution
-chapter thirty-nine-
THERE'S MORE to me than meets the eye.
Iyan ang motto ng magandang ako sa aking buhay. Simple lang naman ang way of living ko. Ngiti dito, tawa doon, at magsinungaling sa bawat taong nakakasalamuha ko. Gano'n lang ang life.
Sila na ang bahala kung alin ang paniniwalaan nila. Basta ako dito, chill lang sa objectives.
Pinanood ko ang pagdating ng Arxes sa ibabaw ng Capitol. I smirked, aware that Cosimo used the magic of the kingdom to pull it back here. Ang unang pagpapakita nito noon ay ang pagbaba nina Cosimo para sumali sa Steal Game, ang pagbalik nito ay sa kadahilanang malapit nang matapos ang Steal Game at handa na siyang atakehin ang Casimir.
Ariadna, who once was stressed over the disappearence of her prisoners, now stood in alert at the presence of an enemy above her. Hindi pa naman gagalaw sina Cosimo. They will just be there as a threat.
Lucian will gather his forces in just enough time. Sa pagsimula o kalagitnaan ng Third Phase, magsisimula na ang atake sa bawat panig.
I hummed, kicking my feet on the air as I observed the city. The song I was humming came from the roots of my dangerous clan. It sang the terrors and deaths that the red eyes gifted to their enemies. It told the myths and tales of the demons that once roamed the land to eat the sinners. The tune sounds lovely to my ears, but I know they were almost haunting to others.
The cold eastern wind hugged me as I sat at the edge of the rooftop. Kagat-kagat ko ang mansanas na ninakaw kanina mula sa isang stall. Feeling ko nga sa sobrang tensiyon na nangyayari ngayon dito sa Casimir e ako na lang talaga ang natitirang maganda.
I briefly wondered about the four monkeys. Kamusta na kaya ang mga 'yon? Nabasa na ba nila ang libro? Did they believe that I was Maevash?
I mean, I did lie to Augustus about Maevash being my real name! I laughed to myself, thinking how they are coping with all those confusing information right now. Grabe talaga ang kamandag ko. Sa sobrang misteryoso ko, hindi na sila mapakali. Gosh, ako lang ang maingay na misteryoso.
But, hmm... If I didn't live as her? Would I also be this noisy?
Tinapos ko ang pagkain sa mansanas at itinapon sa kalye sa ilalim. Isa tuloy sa mga tambay, na hindi nagsuot ng damit pangitaas at pinapakita sa lahat ang pangit nitong tattoo, ang nahulugan. I smirked, watching as the gross criminal stood up and started looking upwards. Parang gago 'yong itsura, 'yong 'di naligo ng isang buwan pero galit pang natamaan ng kinain na mansanas.
"Mukha ka kasing basura!" sigaw ko sa kaniya sabay takbo nang ambaan niya ako ng kutsilyo.
I made sure the door to the rooftop was locked, dahil siyempre baka bigla akong i-ambush no'n. Kaya ko naman siya, of course, ako pa ba. Pero hindi kaya ng napakakinis kong kamay na lumapat sa kaniyang balat 'no.
Dalawang gabi ang inilagi ko doon sa rooftop at malapit na akong mabored dahil wala pa sa kanila ang gumagalaw. Malapit ko nang maubos ang isang bag ng mansanas at tinapay ko. Humalumbaba ako sa may railing at nakangusong pinanood ang pagikot-ikot ng Arxes sa kastilyo ng Casimir.
For the past twenty years, I have only seen it pass by. Hindi ko siya nakikita mula sa ilalim ng ganito katagal, but my description for it still lives. It is the most gallant and beautiful thing on the sky, boasting its jewels to the land dwellers, showing them an unreachable treasure never to be stolen. But a greedy man will always be greedy... and so, Cosimo found a way to slither into our country, befriending the royals and studying how our castle functions, so he could perform his greatest steal after.
BINABASA MO ANG
The Steal Game
AventuraThree royal knights and a prince has to ask the help of a famous thief to get back their palace. In return for her help, they found themselves helping her in the Steal Game - a dangerous event filled with criminals and bounded by no rules. They expe...