-chapter thirteen-
____________________"It was the Crow's Nest. Sila ang nagnakaw sa nakalutang na kaharian, twenty years ago."
HUMIKAB AKO at pinalis ang sanga na humaharang. Ilang oras na lang ay tuluyan nang bababa ang araw. Medyo malapit na rin kami sa Trading City, kung bibilisan lang ng mga kasama ko ang paglalakad nila.
Nilagay ko ang kamay sa bewang para magmukhang galit. Ah, hindi para magmukha, kasi talaga namang naiinis ako. Bakit ba parang mga dalaga 'to kung maglakad? Laki-laki ng mga katawan pero dinaig pa ang pagong. Akala mo hawak nila ang oras e.
"Aabutin pa ata kayo ng next na pagpapakita ng Arxes, 'no?!" sigaw ko.
They hustled on a large tree trunk na natumba. Bumuntong-hininga ako't umupo. This part of the forest is the trickiest dahil sa dami ng roots na out of place, mga vines at mga pitfalls. They have to be extra careful kasi minsan ay may mga quicksand din na nakatago. Parang bumaba ang God of Destruction sa gubat at pinakita ang kapangyarihan niya.
"Look, hindi kami kagaya mo na unggoy, okay?" akusa ni Murphy. "Walanghiya! Bakit ba ang hirap makalusot dito?!"
"Lagi kang nasa gubat pero bobo ka dito. Ayan kasi't hindi mo hinahasa ang forest skills mo."
Sinamaan niya ako ng tingin. I shrugged upon receiving it. I admit I do have an advantage. After all, sa gubat naman kasi talaga ako lumaki. Ito ang naging tahanan ko sa mahigit sampung taon, kaya natural na expert na ako dito.
Pero sila? Naiiyak na lang talaga ako kapag naiisip. Para silang mga bagong-anak na usa na nag-aaral pa lang kung paano maglakad!
"Ang tagal mo pang umalis do'n." dagdag ng hari ng mga reklamador, Augustus. "Ang hirap pala ng kailangan nating daanan."
"Mahirap para sa'yo."
"Ayoko na!"
Blanko kong tiningnan si Pheme na sumigaw. She snapped her fingers and immediately, the forest was restored. Naging maayos ang tayo ng mga punong kahoy at naayos ang mga ugat nito. The vines disappeared the pitfalls were filled. Sigurado akong kung sino man ang nagwasak sa gubat na 'to ay nagmumura na sa galit.
Napangiti ako sa ginawa ni Pheme. This witch is really out of this world. The child of the forest.
"Woah! What just happened?" manghang tanong ni Zorann.
Itong si Zorann talaga walang mata. Kailangan ko ba talagang i-explain lahat ng nangyayari sa mundo?
"Gawa mo ba 'yon, Vash?" tanong ni Lucius.
Itinaas ko ang kilay. "Ako? Bakit ko naman papadaliin ang buhay niyo?"
Kung may kapangyarihan lang ako, dinagdagan ko pa ang mga ugat na kailangan nilang daanan. I would even call lions to come eat them. Mabuti na lang at pinanganak akong mabait kaya ito at tinutulungan ko sila. Sigurado akong isang milyon na ang puntos ko kay God of Life.
"Kung gano'n, sino may gawa?" kunot-noong tanong ni Augustus.
I rolled my eyes. "Siyempre si Pheme."
Napatingin silang lahat sa babaeng inaasikaso ang kuko niya. Magulo ang pale-gold niyang buhok, lips in a frown and eyebrows furrowed. Nang itaas niya ang tingin ay nagulat siya sa atensiyong nakuha.
"Bakit?" tanong ni Pheme.
"Paano mo nagawa 'yon? Do you know magic?" Arpheus asked in a careful manner.
![](https://img.wattpad.com/cover/256931778-288-k582703.jpg)
BINABASA MO ANG
The Steal Game
AdventureThree royal knights and a prince has to ask the help of a famous thief to get back their palace. In return for her help, they found themselves helping her in the Steal Game - a dangerous event filled with criminals and bounded by no rules. They expe...