Chapter Twenty-Seven: Western District

473 56 37
                                    

-chapter twenty-seven-

"I used your firelight on a boy. We'll track him dahil nasa kaniya ang coordinates ng item na gusto ko. Nasa Western District naman makikita 'yon kaya doon tayo didiretso."

GUSTO KONG ipinta ang mga tangang mukha nila ngayon para maging source of happiness ko sa susunod na mga buwan.

Kaya naman sa sobrang saya ay hindi ko na napigilan ang mabubuting salita mula sa bibig ko.

"Para kayong tanga." I honestly said.

Kasi totoo naman. Nakanganga silang lahat habang pinagmamasdan ang mga fireflies na umiikot-ikot sa'min. Sinubukan ko pa ngang ilagay ang isang firefly sa bukas na bunganga ni Zorann, at 'di niya man lang mapansin na malapit niya na 'tong makain. Thankfully, gumana ang napaka-effective na conscience ko kaya naman binawi ko kaagad.

Nasa kagubatan kami sa labas ng Trading City. We're on the move to steal that giant's head, pero dahil hindi namin alam ang tamang direction, kailangan naming itrack ang bata. Ang firelight na nilagay ko sa kaniyang katawan ang magiging guide namin. Pheme can sense it in the morning at malalaman rin namin ang tao dahil liliwanag ang firelight, but in the evening, we can use the fireflies to create a map. At 'yon ang kinamamanghaan ng mga kasama namin.

"Para kayong tanga." ulit ko kasi 'di nila ako narinig.

Murphy sent me a glare. "Kailangan ulitin?!"

"Ayokong ini-ignore ako e." kibit-balikat kong sagot at nilingon si Gus. "Ikaw tanga na gwapo."

Humiyaw ang ever-noisy na Zorann, habang ang lalaking sinabihan ko no'n ay natigilan lang. His lips slowly curled up but he pursed his lip, as if attempting to stifle his smile.

"If you want to compliment me, just say so. Nahihiya ka ba, Vashtianna?" tanong niya.

Luh, pangalan ko pa talaga ang isinama niya sa salitang 'yan. Nakakaoffend naman na masabihan akong mahiyain.

"Tanga ka naman kasi. Pero siyempre mas tanga si Zorann."

"Nanahimik ako dito!" sigaw ng biktima ko. "Tsaka ano ba, kanina ka pa tanga ng tanga diyan, nakita mo na ba kung saan ang bata?"

Finally, tinanong nila 'yon! Akala ko plano lang nilang ngumanga buong magdamag.

"Siyempre naman, 'Lo." sagot ko sa kaniya. He was about to argue back again if not only for Arpheus covering his mouth. "'Yong nagre-red na firefly ang posisyon niya ngayon. Malapit na siya sa Western District. For sure, uunahin niyang magtanong sa taverns kasi doon parati ang mga chismis. Kung hindi, dadaan siya sa weapon shops dahil siguradong may mga hunters na naghahanap ng giant. As long as makaabot tayo sa West bukas, walang problema."

They all blinked at me as the fireflies that gathered scattered away. Lumipad-lipad ang mga ito paikot-ikot sa'min na parang naglalaro. Malalim na ang gabi sa labas at sumasama ang bituin sa pagkinang ng langit. We've camped in a clearing inside the forest to eat dinner and sleep.

"You're very smart, Vash. You've already thought of this ahead of time." Lucius complimented.

I only gave them a smug smirk in return. Aba, siyempre, ako pa! Nakakahiya naman kung wala akong plano gayong may lima akong binubuhat!

"Hindi nasabi kung patay na ang higante, ano? So there's a high chance that we might be fighting it." Augustus noted.

"Kayo ang lalaban." nakangiting saad ko na kinagulat nila. "I mean, fail 'yong una niyong pagpapakita ng skills so dito na lang kayo. It's just a giant, surely, you've faced more dangerous..."

The Steal GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon