Kabanata (2) → Marvin

670 17 0
                                    

@FEM.POV

2 Kilo – Sapsap

Sapsap!! Yan nalang yung natitira sa listahan. Grabe tong nanay ko ang dame ng pinapabili, Sobrang nakak-inis. Sinuong ko talaga yung wet market para mabili ang mga karneng yun!! So Eww ng paligid, parang kulungan ng baboy.

Basta ang baho!!

Tapos ang dulas pa ng daan. Yung mga suot pa ng mga nagtitinda grabe , ang dudungis din. Di rin papatalo sa mga bata diyan sa kalsadang tambay.

Dun din sa bilihan ng mga rekados!! Sik-sikan ..

KaBadTrip!! Ngayon naman babalik ulit ako dun sa bilihan ng mga isda. Pisti naman kaseng listahan na ito, hindi na pinaghalo yung mga type ng bilihin. Si Mader talaga !!

Grrrrr!! Naiinis lang ako!!

Ang ganda pa naman ng suot ko, tapos nandito ako sa palengke .. Goshh!! nakakahiya baka may makakilala sa akin dito. Shockk!! anong sasabihin ko?

Napadaan lang?

Eh bat naman ako mapapadaan dito?!!

Ayyyyyyyyyyyyyy!!! ayoko na nga mag-isip makapunta na nga sa may bilihan nitong sapsap. Ang alam ko sa sapsap ito yung .. manipis na isda.

Duhh!! Nakikita ko lang .. pero di ako kumakain..

"Psssssssssssssssst"

Bigla kong naringig habang naglalakad ako..

Di ako tumingin. Baka kase hindi naman ako ang tinatawag, marami kayang tao dito sa palengke. Pero ako lang yung nag-iisang maganda ..

O((o^_____^o))O

"Hi ganda!", kasabay nun ang pagsitsit.

Shittt!! Ayaw ko pa naman sa lahat ng ginaganun ako. Nakakabastos ahh!! Tumingin ako sa bandang likuran ko at nakita ko yung tatlong lalaki sa may bigasan.

Mga Adik !!!

Nakatitig at parang naglalaway ang mga yun. Siniringan ko sila !! Matakam sila sa ganda ko. Bwahahahahahahahahahahahahahaha...

Pero Gwapo yung isa sa tatlo. Siya yung nakatodong ngiti sa akin o-((^___^))-o

Di ko na sila pinansin at tumungo nalang ako sa malansang bilihan ng isda.

Andito na ko sa Tapat ni Manang ..Gamit ang daliri ko ay pinisil ko yung isda. "Yan po ba yung sapsap?", tanong ko sa matandang .. super haggard ang itsura.

"Ay hindi Tilapya yan neng .. Nakikita mo naman sapsap diba?"

Aba !! Aba !!

Ang taray nitong tinderang tohh, wala na ngang nabili sa paninda niya ganito pa ang asal niya sa akin?! Aba hindi ako makakapayag sa inasal niya.

HAMPASIN KO SIYA NITONG SAPSAP ehh!!

Relax Femma Rose .. Relax..

Kaylangan ko paring maging magalang. "Ah sensiya na po ahh akala ko kase bangus, sige dalawang kilo nga diyan"

Tumingin ako sa malayo.

Ayoko makita Haggard na Face ni manang !!

"Eto ohh!", padabog nitong binagsak yung plastik na may lamang sapsap sa may bangketa niya.

"Magkano po ?", tanong ko naman.

"150 lang"

Ay Sobrang mahal naman nitong paninda niya!! Hmmmmm 500 nalang tong pera kong dala, tapos wala pa iniwang pera sina mama sa akin.

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon