Kabanata (14) → Goes Viral!

323 10 0
                                    

@DENMARK.POV

"Femma Rose!", sigaw pa ni mama ng patakbong lumabas si ate sa bahay. "Anong nangyari sa babaeng yun?", dugtong pa ni mama.

Inaayos ko na yung uniporme ko nun habang nakaharap sa salaming nakadikit sa pader ng sala.

"Baka, maaga ang pasok at nang makita yang oras sa telebisyon ay napagtanto na niyang late na siya", si Papa naman. Pero iba ang kutob ko..

Iba..

Alas siyete palang at kadalasan alas otso kung umalis si ate sa bahay. Isa lang ang naiisip ko. Pinuntahan niya yung lalake, muli akong napasulyap sa balita sa telebisyon.

Yung pagsira sa mga ilegal na tahanang nakatayo sa gilid ng riles..

"Ma .. Pa.. alis na rin po ako", paalam ko kina mama. "Sige nak.. ayusin mo ang pag-aaral aaa.. magreview ng mabuti", bilin ni mama. Ngumiti nalang ako at humakbang na palabas ng pinto, papunta sa may gate.

Si Ate..

Nagulat talaga ako sa ikinilos niya kanina. Ngayon lang kame nagkapansinin at nagkakwentuhan ng ganun. Minsan kase puro gimik at kalokohan yang si Ate Fem.

Pero nagulat talaga ako at lalong ginanahang ipanalo yung contest ng sabihin niyang.. Proud siya sa akin. Buong akala ko kase galit sa akin si Ate dahil na rin sa mas pabor sa akin ang kabaitan at paglalambing ng aming mga magulang.

Kaya naman nahihiya akong pansinin si ate, kase minsan di rin niya ako kinaka-usap. Lalo na pag badtrip yun..

Kaya naman ang saya ko dahil si Ate Femma pinansin niya ako at nilambing pa..

Yung mga mata niya kanina ay halatang kinakabahan, alam kong nag-aalala siya. Nag-aalala siya dun sa lalaki

Sa lalaking nakatira sa riles..

Sa lalaking kasama niya sa bidyo na ngayon ay Viral na sa internet..

Nakikita ko na minsan ang lalaking yun sa kalsada, malapit sa waiting shed kung saan ako naghihintay ng Dyip. Pero ang pinagtataka ko ngayon.. Anong kaugnayan ni Ate sa kanya? Bat dun sa Video ay parang may kakaiba sa kanila?

FLASHBACK..

"Saan ka nanaman galing Femma Rose!", ringig kong pangaral ni Mama kay Ate. Gabi na kase, alas onse na ata ng naka-uwe si ate.

"Ma may research ngang inasikaso diba?", sagot naman ni ate.

"Baka naman Femma Rose yang Research na yan ayyy.. nagreresearch ka ng lalaking bubuntis sayo!", Si mama talaga ohh. Palihim akong napangiti.

O((^____^))O

Nagtuloy-tuloy yung bangayan kaya naman, kinuha ko yung headset ko at sinalpak ko yun sa aking mga tainga. Tumayo ako at sinara na ng tuluyan ang naka-awang na pinto.

Pinatay ko na rin yung ilaw..

Pero bago matulog ay muli kong kinalikot ang cellphone at nagcheck ng facebook. Baka nireplayan na ako ng Prinsesa ng buhay ko..

Hi Chanel..

My Princess Gud Eve.

Walang reply at ang masakit..

Seen 10:30 pm

Halos trenta minuto's na pala ng makita niya ang message ko sa kanya. Di niya man lang pinansin. Tulad ng panliligaw ko sa kanya..

Di niya pinahahalagahan..

Di niya talaga pinapansin..

Tuwing nagkikita naman kame sa eskwelahan, ayos naman. Nag-uusap naman kame. Pinayagan niya naman akong manligaw. Pero hangangang ngayon, wala parin. Parang magbarkada lang kame..

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon