PROLOGUE

2K 42 8
                                    

Heto nanaman sila !!

Yung mga best singer dito sa kalsada. Ayan na talaga sila !! Naiinis ako tuwing lumalapit ang mga batang yun.

Habang hawak yung mga malalaking lata na tinatakpan ng mga matitibay na materyales na nagbibigay tunog at ginagawa nilang tambol.

Araw-araw nalang tuwing papunta ako sa eskwela ganto ang nararamdaman ko simula pagsakay ko sa jeep.

Parang laging nasa ritwal ako ..

Wee eh eh eh Ah ah alamu kame ratu na ja

bjhfeeeeeeeeruiet ihicccvgtnhjh jkkcbnjhkt

hbchrevtjbij &^&#@&*(^&*T#^&F#%^R$#CTE%^j

Ay!! basta di ko maintindihan yung sinasabi nila. Tila mga mangkukulam o di naman mga arbularyong nanggagamot ng taong may malubhang sakit.

Madungis..

Medyo may kakaibang amoy..

Nakakatakot..

May dalang sobre..

Yan ang mga BadJao!!

Kulang nalang magdala sila ng dalawang kawayan at mag-tinikling sa gitna, sa loob ng jeep. Kabadtrip tuwing sasabit na sila at mag-uumpisa ng kumanta ng kanilang mahiwagang ritwal sobra talaga yung simangot sa mukha ko.

Maya-maya may lalapit na sayo.

Tapos may iaabot na sobre..

Hala ano toh?!

Pakyu Them!! kulang na nga ang perang binibigay ng nanay ko, tapos makikihati pa sila? Duhh!!!

Pinabayaan ko nalang yung sobreng pinatong nung basurang dumaan. Pramis basura po talaga kase super bantot nung bata !! Amoy garbage.. So Ewwwwwwwwwwww..

Nasa may bandang hita ko yung sobre na parang ang dami naring pinagdaanan , tila sumuong na ito sa isang gyera, bagyo, tag-gutom at tag-tapon sa basurahan.

Ang dungis mana sa mga amo !!

Nakataas lang yung mukha ko at nilakasan ko pa yung sound sa aking cellphone. Nagheadset ako para naman di ko maringig ang ritwal na nangyayari.

Nagulat nalang ako ng biglang napatingin ako sa harap!!

My God !! Muntikan na akong mapasigaw.

Nakakatakot yung bata..

"Ano ba!"

Masungit kong sabi sabay siring dito. Pero di parin natinag ang mabahong batang yun. Hawak nito yung sobre at tila inaabot-abot uli ito sa akin kasabay ng paghayag ng isa niyang kamay at humihingi ng pera!!

"Ano ba!! Wala akong pera sabe!!"

Di ko na mapigilang mapasigaw sa sobrang inis sa bata. Parang napahinto yung buong loob ng jeepney.

Sa tingin ko nakasentro ang tingin sa akin ng mga tao..

"Titingin'tingin niyo?!", pagsusungit ko.

Balik sa kanya-kanyang gawa yung mga madla. Mga Chismosa..!! Pakialamera!! Hmmmmmm wala akong pake sa kung anong sasabihin nila.

Bastos na kung Bastos!!

Basta ang mahalaga..

MAGANDA AKO!!

Bigla akong nakaramdam sa may braso ko na tila may likidong dumapo. Agad akong napalunok !!

Kasabay nun ang pandidiri !!

Letse ano toh??!! Di ko pa man nakikita ay alam kong nakakarimarim ang naganap sa aking braso..

Dahan-dahan ko ngang tinungo ang aking tingin sa aking kanang braso at nakita ko ang nakakadiring Laway!!!!!!!!!!

Shit!!

At sa harap ko nga ay nadun pa ang nakangiting BadJao!!!

"Behhhh!! Panget !! Damot !!"

Mabilis itong tumakbo at bumaba kasabay ang iba pa niyang kasamahan na halatang pinagtatawanan pa ako at binebelatan habang umaandar yung Jeep papalayo sa kanila.

Naiinis talaga ako !!

Yung mga kapwa ko pasahero yung iba natatawa.. Hindi na sila naawa sa akin. Isang magandang babae gaganunin lang ng mga badJao na yun!!..

Agad akong kumuha ng tissue sa bag at pinahid ang nakakdiring bagay.

Hmmmmmmmmmmmmmmmmmp !!!

Tinapon ko yun sa Bintana. Tskk !! >.<

Isinusumpa ko ang mga nilalang na yun. I hate those kind of people !! Ayoko ng mga taong tambay sa kalsada !!

I HATE THEM A BILLION TIMES !!

~ ITUTULOY ~

A/N: Please wag niyo po kalimutang BUMUTO at MAGKOMENTO. Maraming Thank You Po!

- Green Shadow (TheSecretGreenWriter)

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon