Kabanata (10) → Jeepney Rumble!

258 7 0
                                    

@FEM.POV

Hapon na at pahinga muna si Jao sa pag-gigitara, kung itutuloy tuloy niya kase ang sideline niya ay mapapaos naman siya. Baka mawalan pa siya ng boses, kaya naman advice ko sa kanya may quota nalang araw araw.

Di naman sa lahat ng pagkakataon may nagbibigay, minsan yung iba enjoy lang kapapanood. Minsan naman may nagbibigay, pero piso nga lang.

Pero malaking bagay na yun dahil every coins counts.

Nakaka-antok rin yung ganito, yung naka-upo ka sa jeep at pinagmamasdan ang ibat ibang uri ng pasahero. Pag wala namang mga pasahero ay magkatabi kameng naka-upo sa may upuan mismo ng Jeep.

Nakaraming ikot narin yung Jeep na pinapasada ni Tay Rik. And then here we go again, andito na kame pabalik sa alabang. Hapong na nun at di gaano karami ang pasahero.

Papunta na kame sa may Bonifacio nang biglang makita ni Jao yung mga kaibigan niya. Napasilip rin ako nun sa may bintana, siguro napansin rin ni Tay Rik kaya naman hininto niya rin yung dyipni.

Naka-upo ang mga ito dun sa gilid ng kalsada, sa medyo up-hill na area dun sa may bonifacio malapit sa nichol's station ng PNR. Tila may pinagkaka-abalahan silang binibilang..

"Huy gawa niyo diyan?", nakasilip si Jao sa may bintana. Yung mga natitirang pasahero naman ay bumaba na, bonifacio na rin naman kase yung ruta nila. Agad na nagtakbuhan yung mga badjao..

Hehehe di ko pa kabisado name nila ehh.

"Tay pwede ba pasabay sila .. pauwe lang?", tanong ni Jao kay Tay Rik. "Sige sakay na kayo..", Pagkasabi palang nun ni Tay Rik ay agad na pumanhik papasok yung mga badjao.

Sige na nga para di naman panget pakinggan, mga bata nalang.

((6^____^9))

Dun sila sa pinakagilid sa unahan at ito'y mga pawisan na pawisan. Hehehehehe may naamoy nanaman ako, pero ichichecret ko nalang yo'on. "Kala ko ba sa Tenement lang kayo?", biglang tanong sa kanila ni Jao.

"To kasi , si Alih. Punta daw kame dito kuya", sabi nung isa na parang puno ang bibig pag nagsasalita. At yun nga parang nagdedebate na ang apat. "Laki.. siguro gutom yang mga yan. Bigay mo nalang kaya ito", Inabot ko sa kanya yung tira dun sa donut na binili namin. Yung maliliit na bilog, smidget kung tawagin.

Agad nila itong kinuha at yun nga excited nila itong kinain. Huminto naman si Tay Rik dun sa bandang intersection galing sa Villamor, papuntang Global, at pabalik ng Alabang.

Dun yun mismo sa babaan at sakayan sa may Bonifacio--- Naghihintay siguro ng mga pasahero. While waiting ay naggitara na muna si Jao at kanta kanta rin gamit ang mahinang boses..

May sumakay na dalawa, napatingin sila dun sa mga kaibigan ni Jao. Pareho silang babae parang mga nagtatrabaho sa mga maliliit na restaurant. May sumunod naman na mag-iina, tatlo lahat sila.

Aalis na sana yung Jeep nang biglang...

"Huyyyyyyyy Hintay lang manong!", sabay tawanan ng mga lalaking tila adik kung umasta. Pinupukpuk pa ng mga ito yung Jeep sa may bungad. Bigla kameng napatingin sa grupo ng kalalakihan.

Nagulat ako ng makita ko siya.

Anong ginagawa niya rito?!

BIGLA AKONG KINABAHAN..

!!((0_____O))!!

"Tang ina nuh ginagawa ng mga badjao dito?! Alis nga kayo! Puta UUpo kame!", Bigla nitong itinulak pababa ng Jeep yung mga kaibigan ni Jao! Kasama yung dalawa niyang kasama ay ginawa nila yun.

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon