Kabanata (13) → Demolition!

307 7 0
                                    

@FEM.POV

Good Moring Monday!

Ang saya saya ko ngayon, kase naman magkasama kame halos buong weekend ng Laki ko..

Kahit nasermunan ako ng mga magulang ko, binabalewala ko nalang. Pasok sa kabilang tenga, like a missile namang palabasin sa kabila. Ganun kasimple..

Para wala ng rumble with them, magpa-api nalang me. Ako parin naman bida dito ehhhh.

xx((^_____^))xx

Pagkatapos kong mag make-up ng simple ay agad kong kinuha yung body bag ko at masayang lumabas sa aking kwarto.

Nagulat naman ako ng biglang bumungad sa akin si Denmark, kapatid ko. Pangalawa sa akin, fourth year student narin sa isang public school sa taguig. Gwapo ang kapatid ko, siyempre mana sa akin.

"Uhmm bakit?", tanong ko. Nakakapagtaka lang kase ngayon lang ito lumapit sa akin ng ganito. Ang alam ko kase may pagkamasungit attitude siya..

Yung bang pagdating dito sa bahay ay kakain lang siya, then diretso pasok at aral. Kaya naman love na love siya nila mama..

Alam mo na..

Laging Top 1 sa klase..

Pero di naman ako bitter sa kapatid kong yan, proud pa nga ako ehhh. Ang kinakainis ko lang madalang niya lang ako pansinin. Parang masungit na stranger ba.

Hawak nito yung cellphone at nakatingin sa akin na parang kinakabahan. "Panget ba si ate?", nakangiti kong tanong sa kanya.

Pero di parin siya naimik.

"Ano, may sasabihin ka ba sa akin?", tanong ko ulit sabay patong ko sa buhok niya at ginulo gulo ko yun. "Sige, mukhang nahihiya kang magsabi kay ate..", naglakad na ako pababa sa di naman kataasang hagdan.

"Aaaaa ate Femma..", malumanay niyang tawag sa akin.

"Oh bakit?", lumingon ulit ako.

"Aaaa sabay sabay na daw tayong mag-almusal sabi ni Papa", ewan ko ba kung nagsasabi siya ng totoo pero napangiti nalang din ako.

"Halika nga dito..", sabay akbay ko sa kanya na parang kina-ilang niya.

"Musta ang school?"

"Okay naman pu ate.."

Hanggang sa makarating na kame sa kusina, kung nasan andun rin ang dining namin.

"Good Morning Ma.. Pa..", masayang sabi ko."Good Morning manang..", ako ulit. "Good morning sa Two baby namin", Tinutukoy ko ay ang kamabal na bunso kong kapatid na si Denger at Denzon. Grade 4 naman sila sa isang private school.

Sa buong family ako at si mama lang naman talaga ang babae, Pero di nila ako loves ahhh kahit ako ang nag-iisang unica Ija! Tsk!

oo((--____--))oo

Sabay kameng naupo ni Denmark sa dalawang blankong upuan. "Ang saya mo ata ngayon?", tanong ni mama.

"Ayaw mo nun ma? Pinansin kita.. si manang.. (Sabay tingin ko kay tandang, naglalagay ng pagkain sa mesa).. and kayong lahat", nasa Good Mood talaga ako ngayon.

"Baka may boypren na ulit yan ma'am..", Nagulat ako ng nagsalita si Manang. Shittt parang may nalalaman itong si Tanda!

Tinginan sa akin lahat...

"Ha?.. Porket masaya may Boypren na?"--- Sorry laki ko dineny kita. Now lang to my jao.. di pa ko ready umamin sa family ko with our relationship.

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon