Kabanata (9) → MOAh! MOAh! Sweetness ♥♥♥

286 10 0
                                    

@FEM.POV

Kanina bago kami iniwan ng mga masasayang pasahero ay kinantahan sila ni Jao ng aming love song... Island In The Stream.

Maraming natuwa lalo na yung mga matatandang paborito rin ang klasikong awitin.

Nakatanggap si Jao ng maraming Tip Hehehehehehe. Pakipot pa ang laki ko tinanggap niya rin naman..

O((^______^))C

Tuwing bumabalik sa terminal yung Jeep ni Tay Rik, dun naman kame nagkakaroon ng oras ni Jao para gumala ng bahagya at masolo ang isat-isa.

Alabang to MOA (via pasay) ang biyahe ni Tay Rik kaya naman dalawang mall ang pede namin galaan, pag pahinga time..

Star Mall sa Alabang at SM MOA sa may MOA..

Hindi naman kame magasto, sapat na sa akin yung isang burger, drinks at siyempre kasama ang laki ko. Super Busog na ako, pati sa kilig at pagmamahal.

Habang nakapila pa yung Jeep ay gala lang kame ng gala kung saan, pag nakahanap ng magandang pwesto. Tatamabayan namin yun, basta may magandang tanawin kameng nakikita dun kame nagtatagal ni Jao...

Pero sabi niya nga sa akin..

"Para sa akin bae, ikaw lang ang pinakamagandang tanawin sa aking mga mata"

Ohh diba? Ehh di kilegzzz nanaman ako.

((♥^____^♥))♥♥♥

Ewan ko ba medyo naging korni narin siya, naging confident narin sa sarili. Yun din naman kase ang gusto ko, na dapat di siya mahiya sa ibang tao kung anu man siya ngayon..

Tsaka kung ano-ano kase pinagtuturo sa kanya ni Jhanno, buti nalang hindi kabaklaan hehehehehe..

Speaking kay Jhanno nagtext sa akin ang loka! Kagrupo kase namin sa Project Study ang super crush ni Jhanno sa aming Room na si Froilan, ayun super inspired daw siya dun sa bahay nila.

Apat silang nandun. Si Froilan, siya, isa pa naming kagrupo at Sheree. Pero wala nanaman daw sa mood si Sheree..

Mainit nanaman daw ang ulo..

Di daw ata bet ang nawawatch niyang kalandian hahahaha!

Muli ay nabaling ang paningin ko sa lalaking katabi kong naka-upo dito sa sementadong bench sa mga mini Park nitong MOA. Nakasanday ako sa kanya habang nakataas ang mga paa, siya naman ay kinakalikot ang gitara. Kung ano ano nalang na tunog ang ginagawa niya.

Tunog na masarap sa tenga..

Kasing sarap niya.. Charot lang Hahahahahaha!

oo((X^_____^X))oo

"Laki ko, tingin ka sakin..", mabilis naman itong tumingin sa akin. "Bakit Bae?", tanong niya sa akin. Muli ay napatingin nanaman ako sa kulot niyang bang's..

Lagi ko yung pinaglalaruan pag trip ko hehehe..

"Bat ba kulot yang bang's mo?", tanong ko. "Di ko nga alam ehh.. Bakit naasiwa ka na bang makita?", sumimangot siya sa akin.

((--____--)) – Siya.

"Di naman nacucutan nga ako ehh..", muli kong hinila yun. "Aray.. Aray.. Huy Bae, dahan dahan lang. Yan ka nanaman ehh"..

Hilig ko talagang pagtripan yung buhok niyang yun pinipilipit ko pa yun sa daliri ko hehehehe. Para tuloy siyang alaga na isinusunod ang ulo kung saan ko igagawi yung daliri ko.

Peroow kawawa naman siya kaya binitawan ko na, sabay ngiti ako sa kanya Like a Girl with a Curly Hair Hehehehehe..

"Lagi mo nalang pinagdidiskitahan tong buhok ko.. bahala ka ipapa straight ko na tohh..", Bigla akong nainis.

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon