Kabanata (11) → Rumbles END, Sweetness START again!

273 10 0
                                    

"Ang kamatayan parang pagmamahal, hindi maiiwasang dumating sa buhay ng isang tao. Kaya naman kapit lang ng mahigpit.."

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

@FEM.POV

((X_____X))

Hindi ko alam kung titingin pa ba ako.

Ang huling nakita ko'y natamaan si Jao, hindi ko mawari sa dibdib niya ba o sa tiyan. Basta naroon sa parteng iyon.

"Ahhh!", pag-inda ng isang sakit na naramdaman. Batid ko kung sino yun, kilala ko na boses yun ng Laki ko. Anong gagawin ko? Parang takot ang puso kong makita ang nangyari.

"Ahhhhh putcha ang tibay mo talaga!", Boses yun ni Marvin. Tila nabuhayan ako ng loob. "Matibay pa sa bakal to!", boses ng Laki ko! Agad kong minulat ang napapikit ng mga mata.

At aking nakita ang magiting niyang pakikipaglaban sa tatlo. Isang malakas na suntok ang muli niyang iniwan sa mayabang na demonyo!

Yes! Buti nga sa kanya!

Tumalsik si Marvin pabagsak sa labas ng Jeep! "Arrray puta!", sigaw nito. Agad na inalalayan siya ng dalawa mayabang na tinulak pa ang Laki ko. Bigla kong napansin ang paghawak ni Laki sa kanyang braso. Napa-upo ito na tila may iniindang sakit.

Mula sa kamay na nakatakip sa braso ay agad kong nakita yung dugo.

Umaagos na dugo!! Agad akong tumakbo papalapit sa kanya. "Jao o—okay ka lang? Anong nangyare?", di ako mapakali. Pansin kong napapapikit na siya sa kirot.

"Yung lalaki na may kutsilyo, natamaan siya sa braso", sabi nung ale habang yakap-yakap ang dalawang anak. Muli akong tumingin sa kanya. "Ano masakit ba?!", Kausap ko sa lalaking parang nawawalan na ng malay.

PATULOY PARIN SA PAGTULO NG DUGO..

"Neng gamitin mo ito, (Pagtingin ko ay inaabutan ako nung matanda ng puting bimpo).. malinis yan. Itakip mo na muna diyan sa sugat niya", Sabi ng matanda. Agad ko naman yun kinuha.

"Asan na ba yung Driver? Kaylangan na madala yan sa Hospital", sabi ng isang dalaga naman.

"Laki ko.. Okay ka lang ba? Ito ohhh takip mo muna diyan sa sugat mo", Bigla itong namulat. Parang mamatay na tumitig sa akin..

"Mahal na mahal kita.. Yun ang aalahanin mo.."

PUTRADIYES NAMAN OHHH TINATAKOT AKO NG WALA!

"Anong bang pinagsasabi mo?! Hoy Braso lang yan tinamaan sayo! (Sabay hampas ko sa brasong may sugat niya)"

"Uyyyy aray ang sakit!", Bigla itong napapikit siguro sa kirot...

"Sorry Sorry.. (Agad kong lambing dito), kaw naman kase ehhh. Di ko gusto yang biro mo ehh. Kung mamatay ka.. puso mo ang tatargetin. Sasaktan yan! Ganun yun! Pero hinding hindi mangyayare yun!", Inis kong sabi..

"Bakit naman?"

"Kase ako lang pwede manakit diyan. Pero hindi ko yun magagawa, dahil ayoko mamatay kung sino man ang laman niyang puso mo"

"Hindi hindi ko ito ipapagalaw, hindi hindi ko ipapasaksak sa kutsilyo.. dahil ikaw ang laman nito Bae.. Hindi ko kayang mawala ka. Ikaw ang nagpapatibok ng puso ko"

Ayhiiiiiiiieeeeeee....KILIG
((♥^____^♥))♥♥♥

Pati yung mga pasaherong, siguro naiinip narin ay napapangiti sa usapan namin. "Ewan ko sayo.. lagay mo na yang bimpo.", Sumunod naman ito. Pero habang inaayos niya yun ay muling nabuhay ang boses ng mga demonyo!

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon