Kabanata (3) → My Dirty Hero!

542 15 3
                                    

@FEM.POV

Natapos ang date namin ng napakasaya. Hindi lang pala siya gwapo. Sweet, galante at napakamaginoo rin nitong gwapong nilalang na katabi ko.

Nasa labas na kame sa may gilid ng mall , naka-upo dun sa sementadong harang ng mga halaman na di naman gaano kalago. Habang hawak yung Cofee Float na inuubos pa namin.

"Anong oras na?", biglang tanong ko sa kanya. Medyo nakakaramdam na rin kase ako na masyadong matagal na ang oras na nandito kame sa mall.

Tumingin siya sa akin , sabay tingin sa kanyang relos.

"Alas Dyes na"

Gabi na pala. Oh My!! kaylangan ko ng Umuwe. Talamak ang magnanakaw sa Street namin kaya baka looban yung bahay.

Wala pa naman kaming aso sa bahay..

Tsaka bukas pa uwi nila mader, kaya kaylangan kong ayusin yung bahay. Baka maabutan ko wala na ang mga Properties namin dun.

Properties talaga?!

Walang Kokontra

oo((^____,,^))oo

"Uwe na tayo", nakangiti kong sabi.

"Bilis naman.. dito na muna tayo", nagulat ako ng bigla siyang umakbay sa akin. Agad ko naman yun sanang pinigilan , pero naging mahigpit ang kamay nito. Kaya ang ginawa ko nalang ay tumalon pababa kaya nakakalas ako sa kanya.

"May kaylangan kase akong asikasuhin, ano kase ahhhh padating na sila daddy. Baka mapagalitan ako, at baka pagbawalan na rin tayong magkita kung ganun", Pagsisinungaling ko sa kanya.

Napansin ko naman yung mukha niya ay parang napilitan lang siyang tumayo na rin. "Sige tara na", tapos ngumiti ito. Pero matamlay yun at parang may pagkainis.

Pagkatapos naming matapon ang lalagyan ng Cofee Float ay mabilis naming pinuntahan yung motor sa kanyang pinag-parkan.

"Dahan-dahan lang ahh, baka masuka na ako pag mabilis parin ang patakbo mo", Biro ko sa kanya. Di siya sumagot bagkus ay pina-andar na niya ang motor.

Pabiro man yung pagkasabi ko, pero natuwa ako ng tinupad niya ito. Katamtaman lang ang bilis ng patakbo niya sa kanyang Motor.

Konti nalang yung mga pumapasada sa daan. Nakakatakot yung bandang madidilim na parte, yung iba kase walang ilaw.

Anong klaseng siyudad to?!

Anyway..

Biglang huminto yung motor. Hala anyare? Parang kinikilabutan tuloy ako. Inangat ko yung takip ng helmet na nakaharang sa aking mukha.

"May problema ba marvin?"

"Wala naman babe, parang naiihi lang ata ako"

"Babe?" Kinabahan na talaga ako, medyo may pagkapilyo yung pagkasabi niya ng mga katagang yun.

"Sige park ko muna toh, jingle lang ako", pagkasabi niya nun ay mabilis akong bumaba at tumayo sa gilid ng kalsada. Siya naman ay ginilid muna yung motor.

"Bat ba dito sa madilim? tsaka damuhan na diyan Oh", Sabay turo ko sa may direksyon kung saan naroroon ang riles ng tren.

"Bakit gusto mo dun ako sa maliwanag umihi? Bakit gusto mo bang makita tong alaga ko?", Medyo kaka-iba na siya habang sinabi niya iyon. Parang umiiba ang mukha at ngiti niya na kay pilyo. Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Kinakabahan akooooo..

Agad akong tumalikod para umiwas sa ginawa niyang iyon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, tapos parang nanginginig ang buong kalamnan ko. Naramdaman ko naman yung paghakbang niya at tiyak palayo sa akin.

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon