EPILOGUE

560 19 7
                                    

@FEM.POV

DECEMBER 18, 2015

"Time Past.. People Change.. Memories Fade.."

Napapangiti nalang ako tuwing naalala ang linyang yan mula sa isang sikat na teleserye.

Time past?

Oo tumatakbo talaga ang oras, hindi mo namamalayan mamaya, bukas, at sa makalawa nasa 30th Centuy na tayo. Buhay pa kaya ako that time? *Sigh*

Mabilis na tumatakbo yung mga daliri ng orasan, mabilis bumuklat naman ang pahina ng mga kalendaryo sa pader ng ating bahay. Mamamalayan mo nalang pagtingin mo sa salamin.

Puti na ang buhok mo't kulubot na ang mga balat mo. Pero nakakalungkot isipin yung inaasahan mong nasa tabi mo hangang sa maubos ang pahina ng kalendaryo ng buhay mo at hangang sa pumuti ang buhok niyo ay di mo kasama sa iyong pagtanda.

FOREVER?

Pakshett hindi na ako naniniwala diyan. Sorry Buchay.. the cute Buko Girl in our street. Hindi ko mapapatunayang totoo ang forever..

People Change?

Lahat ng tao nagbabago, pero depende sayo kung anong klaseng pagbabago. May kilala kase ako nagbago siya.. Sobrang nagbago, kung magpaparetoke nga siya siguro ng mukha ehhh di ko na siya makikilala. Sana iniwan niya nalang ako.. Sana yun nalang ang dulot ng pagbabago niya.

(>____>)

Ako kase hindi ako iniwan..

Pinagtabuyan niya ako, sobrang sakit kung iisipin na sa sobrang taas niya ay nawala na ang atensyon niya sa akin. Na ang tingin niya sa akin ay isang hamak na babaeng tagasunod nalang sa kanya, tagasilbi at mababang uring taga hanga niya na lamang..

Ang sobrang kasikatan at pag-angat pala kayang patayin kahit may letseng pangako pa kayong iniwan sa isat isa. At kahit may Putang inang True Love kayong pinagsasabi sa simula ng inyong pagmamahalan.

Ano nga bang magagawa ko? Artista na siya ehh.. Mayaman na siya. Unti unti siyang nilamon ng kasikatan.

Sobrang sakit.. ang sakit.. dO'__Oib

TAMA ANG GINAWA KONG BUMALIK NALANG SA AKING MGA MAGULANG! ANG PAGMAMAHAL KASE NG MGA MAGULANG NATIN AT NG PANGINOONG DIYOS YAN ANG MATATAWAG NA FOREVER!

Forever is not enough to describe pa nga ehh!

Memories Fade?

Tumambay sa kalye?

Mag-gitara habang kinakanta ang Island in The Stream na duet kayo?

Pagligtas sa akin sa pahamak?

The riles Accident Kiss?

Time Machine sa Riles habang nakasakay ng Kariton?

Sweet na kantahan sa Jeep habang gumaganap bilang mga tagasingil?

Island in the Street?

Tapos yung kalokohan namin sa Gitna ng Lansangan kasama yung mga pasaherong kinikilig?

Munting ala-ala na lang iyon para sa akin, isang masamang memories!. Yung galit ko sa kanya ang nag-udyok to fade it away!

Ehhhh siya nga porket sumikat na, akala mo kung sinong nagka AMNESIA?! Grabe no super tindi niya!

Nakakapangigil lang...

"Huy tulala kana diyan!", inalis ko ang tingin sa bintana ng apartment na tinutuluyan ko dito sa Canada.

My Love from the Street (COMPLETED) #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon