Chapter 5

6 3 0
                                    

Heaven Sui.

Ang Bilis ng araw Lunes nanaman ngayon, May pasok nanaman, Naglalakad ako papasok sa Room late na ako pero wala akong pakialam.

Napatingin ang mga kaklase ko sakin ng Pumasok ako pero hindi ko sila binigyan ng pansin at Umupo sa Upoan ko ng walang tingin tingin.

"Your Late Villega!" Sigaw ng Terror naming Guro, Pero Imbis na pansinin siya ay Humikab ako at nagpangalumbaba.

"What a fucking rude nerd" rinig kong may nagsabi sa Harapan ko, Pero Sigurado akong Ako ang Pinapatamaan niya, Tinignan ko ng Masama si Eli Giovanni, Syaka ko lang naalala ang Ginawa ko nong Wed sa Gulong ng Kotse niya, I rolled my eyes at Nakinig nalang sa Pinagsasabi ng Guro.

"Because You're Late, What is the definition of body composition in sport?" Tanong ng Terror naming kaklase, Umirap ako, Alam naman niya yong sagot bakit ako pa ang Tatanongin?Stupid.

"Sir, Hindi niya yan masasagot, She's not here ealier remember?" Maarteng sabi nong Kaklase naming, Lyka siguro ang pangalan, I'm not good remembering a name.

"Shut Up!I'm not talking to you, Heminez!" Gusto kong matawa dahil napahiya siya, Oh ano ka ngayon? "Answer the Question, Villega if you don't want to face your punishment" He Said, Nakatingin lahat ng Kaklase ko sakin.

"What if I could answer your question? Are you ready to face hell?" Nakangisi kong sabi sa Kaniya, Pero hindi nagpatinag ang Terror na'to, Nagbulongan ang mga kaklase ko at Ang iba ay Natahimik, Nang merong bumasag.

"Ang sabihin mo hindi mo lang talaga alam ang sagot kaya binabantaan mo si Sir" Kuntra ni Eli Giovanni, Binalingan ko siya ng Tingin at Nginisihan.

"What if I know the answer, You're willing to be my  5 Weeks Slave?And by the way it's not Dare, It's Deal,So?" Naghihintay ako ng Sagot niya natahimik naman ang Mga kaklase ko kahit na ang Terror na Guro at ang mga tropa niya naghihintay sa Isasagot niya, Hindi niya inaasahan ang Sinabi ko kaya napataas ang Gilid ng Labi niya.

"Deal!" Siguradong sabi niya "I know your stupid nerd so you can't—" Hindi ko siya pinatapos magsalita at Hinarap si Mr.Jose.

"The Sports Definition refers primarily to the distribution of muscle and fat in the body. Body size includes parameters such as height, lengths and girths, Body composition, such as the amount of body fat and muscle mass, can also significantly affect sporting performance, It is the Answer Right sir?" Nakangisi kong sabi at Napanganga ang mga kaklase ko at Napahiya yong Lyka, Tinignan ko si Eli Giovanni, At halos malukot na ang Mukha niya, Tinawanan naman siya ng Dalawa niyang kaibigan at sinamaan ng Tingin.

"How did you—Whatever, Excellent Villega!" Puri ng Terror naming Guro na si Mr.Jose, Inirapan ko siya.

"Ang yabang porke nasagot lang" rinig kong maarteng angal ni Lyka.

"Balita ko sakit daw ang Insecureties, So Hmmm..Get well soon Lyka" Nakangisi kong sabi, Sumama ang Mukha niya at Nagmartsa palabas kahit na hindi pa tapos ang Klase, Tinawag pa siya ni Mr.Jose pero Tuloy tuloy lang siya, Natawa naman ang mga kaklase namin.

Pero napatingin ako sa Dereksyon Nina Eli Giovanni ng mapansin kong nakatingin silang tatlo sakin, Tinaasan ko sila ng Isang Kilay.

"Nerd!" Mahinang asik ni Eli Giovanni at Umiwas ng Tingin, Umiwas rin ng Tingin ang Dalawa niyang kaibigan kaya Ngumisi ako.

Tumayo ako para mag cr kaya naagaw ko ang Atensyon ng mga kaklase ko, Pati narin ng Terror Teacher na nagsusulat, Naglakad nako papunta ng Pinto ng Magtaka dahil tawa ng Tawa ang mga kaklase ko, Kumunot ang noo ko.

Ano ang Pinagtatawanan nila?Napatingin ako sa Likoran ng Palda ko at Biglang Uminit ang Mukha ko hindi dahil sa Hiya kundi dahil sa Inis, Merong Pula sa Puti kong Jeans, Tumingin ako sa Upoan ko at Merong Pulang Pintura doon na hindi ko manlang napansin kanina.

That Mysterious GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon