• C H A P T E R 4

2.5K 36 4
                                    

Inspired by true events.

•JAKE•

Ako si Jake Aquino, Isang Graduating senior high student sa isang university na sikat sa QC. May sikreto akong tinatago sa pamilya at mga kaibigan ko. May napatay kaming tao ng minsang magkayayaan kaming magshort cut sa Balete Drive. Nakokonsensya ako sa nagawa namin pero hindi namin pwedeng sabihin ang nangyari ng gabing yun dahil kapag nalaman nila ang totoo ay katapusan na ng mga pangarap namin.

Birthday ng isa sa mga katropa namin ni bogs at pareho kaming ininvite na pumunta sa party nito na ginanap sa isang bar sa timog.

Nauna akong pumunta kay bogs sa venue. Maraming tao sa loob ng bar pagpasok ko. Kinapkapan ako ng bouncer ng bar bago tuluyang pinapasok sa loob. Agad kong nakita ang birthday celebrant na kausap ang iba nyang kaibigan sa isang table ng lumapit ako sa kanya.

"Happy birthday pre" sabi ko.
"Thank you Jake, Si bogs? Pupunta ba yun?" Tanong nito.

"Oo. Parating na yun. Nauna lang ako sa kanya." Sabi ko.

Nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha na mag isang nakaupo sa table bandand likuran ng birthday celebrant. Nguniti ito sa akin kaya gumanti ako ng ngiti.

"Pre, Dun muna ako. Happy Birthday ulet." Sabi ko.

"Sige. Thank you pre." Sabi nya.

Agad akong pumunta at tumabi sa babaeng nakaupo sa likuran ng birthday celebrant habang abala ito sa pakikipag usap sa mga kasama nya.

"Hi." Sabi ko.
"Hi." Sabi nya.

Pumunta kaming dalawa sa isang sulok ng bar na walang tao. Sumandal sya sa pader sabay lumapit ako sa kanya at hinalikan ito ng ilang saglit.

Nagulat ako matapos maghiwalay ang aming mga labi sa nakita. Ibang babae ang nasa harap ko. Bigla itong nagsalita.

"Bakit hindi nyo ako tinulungan"
Sabi nya.

Natakot ako sa sinabi nya at napalayo agad sa kanya.

"Jake? Okay ka lang ba?" Sabi ng babaeng kasama ko kanina.

"S-sorry." Sabi ko.

Nagmadali akong umalis doon at iniwan sya ng mag isa.

"Hoy jake! Bumalik ka dito." Pasigaw na sabi nito sa akin.

Derederecho ako palabas ng bar at hindi pinansin ang pagtawag sa akin ng birthday celebrant. Tuliro ako at takot ng sandaling iyon at ang tanging nais ko lang ay makaalis sa lugar na yun.

Hindi ko napansing nakasalubong ko si bogs na papasok sa bar.

"Jake, Saan ka pupunta?" Tanong nya
Wala akong imik at patuloy lang sa paglalakad.

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon