• C H A P T E R 5

2.3K 52 0
                                    

Inspired by true story

Dahil sa pagod at stress agad akong nakatulog pagdating ko sa bahay. Nahiga ako sa kama at pinikit ang mga mata ko para mabilis makatulog.

Ilang minuto lang at may narinig akong boses pero malabo sa paningin ko ang mga taong nagsasalita.

Anong gagawin nyo sa akin??

Sabi.

Pasensya na napagutusan lang kami.

Sabi pa.

Saan nyo ako dadalhin??

Sabi.

Sumakay kana kung ayaw mong pati ang anak mo mamatay!
Sabi.

Pinasakay nila ang babae sa loob ng kotse at tinakpan ng plastic ang mukha. Dahil nakatapik ng plastic ang mukha, wala syang masyadong maaninag kung anong lugar ang pinagdalhan sa kanya.

Alam nyo na ang gagawin nyo dyan.

Sabi ng lalaki.

Halos hindi sya makahinga habang nakatakip ang mukha ng biglang hinampas sya ng isang matigas na bagay na nagin dahilan kung bakit nawalan sya ng malay. Paggising nya nalang ay nakahiga na sya sa loob ng compartment ng kotse, nahihilo at nanghihina pa.

Tulungan nyo ako..

Sabi nya.

Habang nanghihina ang boses. Saka tinakpan muli ng plastic ang mukha nya bago sinara ang pinto ng compartment.

Naghihiwa ng sibuyas sa kusina ang lola ko nun. Malakas ang tugtog ng kanta sa radyo namikaya hindi nya narinig na biglang bumukas ang compartment ng kotse. Mula sa loob ay lumabas ang isang babae at dahan-dahang pumasok sa pinto ng bahay saka naglakad papunta sa hagdanan paakyat sa second floor ng bahay namin.

Nang mapansin ng lola ko na may umakyat sa hagdan, bigla syang lumingon sa likod pero wala na ito, kaya bumalik sa ginagawa at pansamantalang hininto muna nya ang ito. Pumunta sya sa may bandang hagdanan para tingnan kung may tao sa taas.

Gail ikaw ba yan??

Sabi nya.

Pero ng walang sumasagot, binalewala na lang nya ito at bumalik nalang sa ginagawa nya.

Hindi ko napansin na may tao pala sa taas biglang bumukas ng dahan-dahan ang pinto ng kwarto ko at nandun sa tapat ang babae.

Bigla akong nagising at napabangon sa higaan dahil sa takot at gulat ng makita ang isang babaing nakatayo sa tabi ng kama. Bigla itong nawala pagkabangon ko habang naghahabol ng hininga.

Akala ko totoo ang nangyayari sa panaginip ko, at ang akala ako yung nasa compartment ng kotse na yun, panaginip lang pala yun.

Dahan-dahan akong lumapit sa may kurtina at tinali ito dahil tinatanggay ng hangin ng may maaninag akong may nakatayong babae na nakabestidang puti sa tabi ng kotse. Tinitigan ko ito para makasiguradong hindi ako namamalik mata lang. Unti-unting namumuo ang takot sa dibdib ko, halos mangilabot ako ng oras na yun. Nang sigurado na ako sa aking nakita ay agad kong kinuha ang susi sa bag at madaling bumaba ng hagdan papunta sa kinalalagyan ng kotse.

Nang makita ng lola ko ay agad nya akong inayang kumain ng almusal.

"Gail, gising ka na pala. Tara na at mag almusal tayo." Sabi nya

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon