• C H A P T E R 8

1.3K 23 0
                                    

Inspired by true events.

Agad sinabi ni gela sa mga police ang nangyari sa babae kaya nagpunta ang mga ito sa balete drive upang hanapin ang bangkay ng babaeng tinapon doon.

Nang umagang iyon ay nahanap nila ang bangkay at isinilip sa cadaver bag at pinasok sa ambulansya upang dalhin sa morgue upang isailalim sa autopsy.

Dinasalan at binindesyunan narin ng pari ng simbahang nakakasakop sa lugar ang balete tree kung saan natagpuan ang bangkay ng babae.

Matapos maipa sketch ni gela ang mukha ng suspek na nangrape at pumatay sa babae ay nahuli agad ito at sinampahan na ng kaso upang makulong.

"Maraming salamat sa tulong mo. Kundi dahil sayo ay hindi namin malulutas ang kasong ito." Sabi sa kanya ng police sa women's desk ng police station.

"Wala po yun " sabi ni gela habang naglalakad sila papalabas ng station.

"O sige, maiwan na kita marami pa akong aasikasuhin sa loob." Sabi nito sabay bumalik sa loob.

"Sige po." Sabi ni gela.
Tutuloy na sanang lumabas si gela ng mapansin ang isang picture ng babae sa missing board na pamilyar sa kanya. Agad nya itong nilapitan upang tingnan.

"Teresa Fajardo" basa niya sa pangalan ng babae sa picture.
"Sana manahimik kana." Sabi nya dito. Sabay bumuntong hininga at maglalakad na sana ng may humawak sa balikat nya. Agad lumingon si gela sa likuran ngunit walang tao doon kundi sya lamang.

Napangiti nalamang sya at tuluyan ng lumabas at umalis sa police station.


Matapos ang dalawang linggong pagpapractice ng graduation ay dumating narin ang araw na hinihintay ng lahat. Matapos ang graduation ceremony ay hinagis ng lahat ng mga graduates ang sumbrerong suot ng mga ito.

"Congratulations anak, sa wakas magcocollege ka na. Sobrang proud ako sayo." Sabi ng nanay nya habang nakahawak sa magkabilang pisngi.

"Salamat po nay." Sabi nya.

"Congratulations, Gela!" Sabay yakap sa kanya ng kaklase.

"Finally, magcocollege na tayo." Sabi nya.

"Oo nga, excited na ako." Sabi nya ng nakangiti dito.

Nang matuon ang pansin nya sa itaas ng stage at napansin ang isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng puting bistida ngunit hindi nya maaninag ang mukha nito.

"Uy, Gela picture tayo." Sabi ng kalkase nya

"Sige." Sabi ni gela ng nakangiti habang nagpapapicture silang magkaklase. Muli nya itong tiningnan ngunit nawala na ito sa kinatatayuan.
Agad lumabas ng auditorium sina gela kasama ng nanay at mga kaklase nya upang magcelebrate pagkatapos ng ceremony.

Hindi naman nakadalo sa graduation ceremony si bogs dahil hanggang ngayon ay nasa coma parin ito dahil sa pagkakabagsak mula sa rooftop ng tenement. Nasa ospital sya habang inaalagaan ng nanay nya.

Samantalang si jake naman ay kasalukuyang sumasailalim sa therapy upang tuluyan ng makalakad. Palaging nandoon sa bawat sessions niya ang ina upang gabayan ito pa paglalakad habang nakahawak sa handrails.

Matapos ang mga nangyari sa kanya, nagpasyang umuwi muna sa probinsya si faith upang doon mamalagi kasama ng kanyang pamilya.

Habang si gela naman ay nakapasa sa entrance exam ng isang sikat na university bilang full school at magsisimula ng pumasok bilang freshmen sa kursong political science.






K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon