• C H A P T E R 6

65 4 0
                                    

Inspired by true events

•Angela•

Nasa labas lamang ako ng police station ng oras na yun ng tawagan ko si bogs sa cellphone nya.

Naghintay ako ng lagpas 30 minutes ngunit hindi dumating si bogs kaya nagpasya na akong pumunta sa police station kahit mag isa lang.

Pinaupo nila ako sa waiting area dahil wala pa ang police na naka assit sa women's desk ng gabing yun.

"Dyan ka nalang muna maghintay miss habang wala pa yung sa women's desk. Pabalik na yun galing break." Sabi ng police.

"Salamat po." Sabi ko.

Sabay umalis ito at iniwan akong mag isa doon at naghihintay.

Sa aking paghihintay ng sandaling yun ay nakasabay ko ang isang babae na nirereklamo ang lalaking snatcher habang nasa complaint desk. Galit na galit ang babae at pinipilit na saktan ang lalaki para makaganti sa ginawa nito habang namamagitan ang mga police sa kanila.

"Miss, Ano bang paitutulong ko sayo?" Sabi ng police sa women's desk.

Napatuon ang atensyon ko sa police at namalayang nandoon na pala ako at nakaupo sa harapan nya.

"Miss, Ayos ka lang ba? Parang namumulta ka? Ano ba ang nangyari sayo?" Sabi nya sa akin.

Hinahabol ko ang hininga ko ng sandaling yun. Magsisimula na akong magsalaysay sa kanya ng biglang nagring ang telepono na nakalagay sa mesa nya.

"Sandali lang ha, Sagutin ko lang ito baka importante" sabi nya agad kinuha ang telepono.

"Hello, Police station. How can I help you." Sabi nya saka tumagilid sa akin.

Hindi ko na hinintay na matapos sa pakikipag usap sa telepono. Umalis na agad ako sa police station dahil sa takot na baka arestuhin ako matapos kong maisalaysay ang nangyari at hindi na paalisin sa presinto.

Nagulat din ang police ng hindi na ako makita doon. Agad nitong binaba ang telepono at niligid ang mga mata upang hanapin ako ngunit hindi na nya ako nakita sa police station.

"Matias, Nakita mo yung babaeng kausap ko dito?" Tanong ng police sa kapwa police na nakita nyang naglalakad pasalubong sa kanya

"Hindi." Sabi nito sabay nagpatuloy sa paglalakad at iniwan syang mag isa doon.

"Saan na kaya nagpunta yun?" Tanong nya sa sarili.

Gulong-gulo na ang isip ko ng mga sandaling yun dahil marahil sa nagyari kina faith at jake. Nagpasya akong pumunta sa simbahan upang humingi ng gabay sa diyos. Ngayon, sya lang ang alam kong makakatulong sa akin.

Nagsign of the cross ako pagpasok sa loob ng simbahan at naupo malapit sa confession room. Lima lang kaming nandoon at pare-parehong nagdarasal.

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon