• C H A P T E R 9

2K 40 0
                                    

Inspired by true events

Pagkatapos ng araw na yun, pinabendisyunan ko ang kotse sa isang pari para matapos na ang paghihirap nila.

Pumunta ako sa autoshop para isauli ang kotseng nabili ko. Pagpasok ko palang sa loob ng auto shop agad akong sinalubong ni Stanley.

Gail !?

Sabi nya.

Lumingon ako sa kanya bago nagsalita.

Stanley, wag mo akong pipiligan sa gagawin ko. Ayoko nang mabuhay sa takot dahil sa kotseng yan! Ito lang ang alam kong tamang gawin.

Sabi ko.

Alam kong gagawin mo ito. May gusto lang sana akong sabihin sayo tungkol sa kotse. Nalaman kong hot vehicles o nakaw ang mga second hand na kotseng binibenta namin dito. Baka lang gusto mong malaman.

Sabi nya.

Salamat at sorry narin sa gagawin ko. Sana maintindihan mo ako.

Sabi ko.

Wag kang mag alala sa akin.

Sabi nya sabay ngumiti sa akin.

Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa office ng may ari ng auto shop. Habang may kausap sya sa telepono, pumasok ako sa loob.

Sige, mamaya nalang tayong mag-usap.

Sabi nya bago binaba ang telepono.

Pagkababa nya ng telepono ngumiti sya sa akin bago nya ako kinausap.

"Good morning ma'am. What can I do for you?"

Sabi nya.

Ibabalik ko na ang kotseng binili ko.

Sabi ko.

P-pero ma'am. May No return, No exchange policy po tayo dito. Kahit na po ibalik nyo ang kotse hindi na namin pwedeng ibalik ang partial payment na binigay nyo.

Sabi nya.

I don't care!? All I want is that car out of my house, out of my sight and out of my life. Bahala kayo kung anong gusto nyong gawin sa kotseng yan! Basta sa inyo na yan!

Sabi ko.

Sabay nag walk out ako sa office nya at lumabas sa auto shop saka sumakay sa taxi na dumaan. Hindi ko narin pinansin ang mga taong nakatingin sa akin mula sa loob ng auto shop. Basta ang concern ko lang ay mawala na sa amin ang kotseng yun.

Sinubukan pa akong habulin ng may ari pero hindi na nya ako naabutan paglabas nya ng autoshop. Agad syang tumingin sa mga sales agent nya na nandun.

Ayoko ng maulit ito. Isa pang kotse ang ibalik sa atin, Sisante na kayong lahat. Balik sa trabaho!

Sabi nya bago pumasok sa loob ng office nya.

Tumagal ang ilang buwan at wala na akong nabalitaan tungkol sa kotse. Nagresign narin si faye sa trabaho namin matapos maapprove ang working visa nya sa abroad. Nagliligpit na sya ng gamit sa table nya ng lumapit ako sa kanya.

So its final na pala. Aalis kana.

Sabi ko.

Oo E. Kailangan alam mo na para sa pamilya. But don't worry mag uusap pa naman tayo sa skype© diba?? At kapag may bakante dun sa trabaho ko irerecommend kita para magkasama ulit tayo.

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon