• C H A P T E R 3

2.9K 67 0
                                    

Inspired by true events.

Nang mga sumunod na mga araw, mas tumindi ang pagparamdam nya. Kung dati kay lola lang sya nagparamdam, ngayon pati sa kapatid ko nagpakita narin sya.

Gabi nun, kararating ko lang sa bahay. Agad kong pinasok ang kotse sa garahe bago bumaba. Naabutan kong naglalaro parin ng bola ng basketball ang kapatid ko. Kaya sinaway ko sya bago pumasok sa loob ng bahay.

Kurt, gabing-gabi na naglalaro ka pa. Nagawa mo na ba ang mga assignments mo?? Ikaw talaga puro ka nalang laro. Tama na yan pumasok kana sa loob.

Sabi ko.

Opo ate.

Sabi nya.

Iniwan ko na sya sa labas at pumunta sa kusina para hanapin si lola. Hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari.

Sa paglalaro ng bola ng kapatid ko aksidenteng tumalbog ang bola sa may kinaroroonan ng kotse at gumulong iyon sa tapat ng compartment. Pinuntahan nya ito at nang kukunin nya na ang bola, nakita nyang hawak ito ng isang babae na nakatayo sa harap ng compartment. Dahil sa madilim ang parte ng bahay naming yun at takot sa dilim ang kapatid ko hindi sya naglakas-loob na puntahan yun.

Ale pwede mo po bang ibigay aa akin ang bola ko??

Sabi nya.

Naglakad daw ang babae papalapit sa kanya hanggang sa makita nya raw ang mukha nito. Nakita nya ang mukha nitong duguan at maraming sugat. Nanlilisik ang mga mata nito. Maging ang suot nitong bestida ay puno ng natuyong dugo. Sumigaw ang kapatid ko sa takot papunta ng pinto. Takot na takot nyang kinalampag ang pinto.

Ate! Ate! Tulungan mo ako! Ate!

Sabi nya.

Nang lingunin nya daw sa likuran nya ang babae bigla itong nawala pero ng pagtingin nya ay nasa tabi na pala sya ito nakatayo at nakatingin sa kanya.

Binuksan ko ang pinto dahil sa katok ni kurt, bigla nya akong niyakap.

Kurt anong nangyari sayo??

Sabi ko.

Umiiyak sya habang mahigpit na nakayakap sa akin. Pumunta sa amin si lola para magtanong.

Ano ba yan kurt! Ikaw talagang bata ka. Ano na naman ba ang ginawa mo. Sige na ipasok mo na yan kapatid mo sa loob Gail.

Sabi nya.

Hali kana kurt.

Sabi ko.

Uminom ako ng tubig pagkakuha ko sa refrigerator ng pitchel saka nagsalin sa baso.

Habang nagliligpit naman sa kusina si lola ng mga pinagkainan namin.

Kumusta na si kurt?

sabi nya.

Ayun nakatulog na po sa kakaiyak nya.

Sabi ko.

Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko kotse yan. Simula ng dumating yan sa atin hindi na ako natahimik. Para bang may taong nakasakay sa loob ng kotseng yan.

Sabi nya.

Lola, nung wala tayong kotse kinukulit nyo akong bumili para may magamit tayo tapos ngayon may kotse na tayo ang gusto nyo naman gawin ko ay isauli ko nalang yan kung saan ko man binili. Ano po ba talaga??

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon