Pangalawa.
Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko na ang matandang ito ang sagot sa mga tanong namin.
Tama ba na magtiwala kami sa kanya? Mukha siyang baliw sa totoo lang. Marumi ang puting polo na suot niya, yung pantalon niyang brown parang papunta na sa itim may mga bahid pa ng dugo, at mukhang ilang araw na siyang hindi naliligo.
"Ako nga pala si Matias." Biglang sabi nito. Akala ko hindi na siya magsasalita. Tumingin ako sa mga kasama ko mga nakikinig lang sa mga sasabihin niya mga walang balak na magpakilala. They're faces says wala-tayo-sa-school-para-sa-pakilala-portion-magsalita-ka-na. Mukha namang nagets niya at bumuntong hininga na lang.
"Mga kabataan talaga, hindi ko alam kung bakit nagpabaril pa sa bagumbayan si Rizal kung ganto lang din ang mangyayari sa mga kabataan na inaasahan niyang magiging pag-asa ng bayan." Monologue nito, ang dami niya pang pasakalye di na lang kami i-istraight to the point.
"Pag nalutas niyo ang nangyayari sa bansa natin maniniwala na ako na kayo ang pag-asa ng bayan." Dagdag pa nito. Mahabang katahimikan ang lumipas bago siya nagsalita ulit.
"Pinasabog ang MOA limang araw na ang nakararaan, may ginaganap na bloodletting nang mga panahong iyon kaya maraming tao ang nasa loob ng arena para makilahok. Pero nagkagulo ang mga tao ng biglang sumabog ang entrance ng arena, nagkagulo at nagkasunog." Sabi nito. Tumigil ito sa pagsasalita dumukot ng sigarilyo at lighter sa bulsa at tsaka sinindihan.
"Dumating ang mga rescuers, bumbero at pulis. Inapula ang sunog, niligtas ang mga tao at hinanap ang nagpasabog ng lugar. Hindi na kita ang suspek. May suspetsa na kasama ito sa mga namatay." Huminto ito magsalita para humithit buga sa sigarilyo niya.
"May nakaligtas ba?" Tanong ko. Tumingin sa akin si Mang Matias. Ngumisi ito bago tumango.
"Kayo. Ang mga tao na wala sa MOA. Tayo ang mga nakaligtas. We are the left ones. Considered yourselves lucky." Sabi nito. What? Hindi ko maintindihan. Walang nakaligtas sa pagsabog?
"They all died?" Tanong ni Ana. Tumango ulit si Mang Matias na nagpasinghap sa aming lahat.
"Oh my god!" Rinig ko pang sabi ni Robeelyn. He can't be serious! Should we believe him? After all he's a complete stranger.
"Paano nagkaroon ng mga walkers?" Tanong ni Logan. Yeah paano.
"Lefters not walkers. Saan niyo ba nalaman na walkers ang tawag sa kanila?" Pagtatama at the same time pagtatanong nito.
"Yun ang tawag sa mga zombie sa TV show na pinapanuod namin." Explain ni Logan. Tumango naman si Mang Matias. At nagpatuloy sa kanyang kuwento.
"Nang maapula ang apoy pumasok na ang unang batch ng mga rescuers para i-retrieve ang mga patay na katawan. Pero nagtaka sila ng sampung minuto na ang lumipas wala pa ring naglalabasan kaya sumunod na ang pangalawang batch ng rescuers para lang tumakbo palabas kasunod ang kumpol ng mga lefters."
"Bakit lefters ang tawag sa kanila? Tayo dapat ang tinatawag na lefters." Tanong ni Sasha.
"Ang unang tawag sa kanila ay human biters. Nang nalaman nila na yung mga namatay sa loob ng MOA ay na turned into zombies at kumakain ng tao they called it human biters. Nang araw ding iyon nagplano ang gobyerno na patayin lahat ng biters at sunugin. At nagawa naman nila. Pero lingid sa kaalaman nila may daang daan pa palang natira sa fire escape na nalocked out kaya hindi nakalabas. Nang nagumpisa na silang maglinis at buksan ang fire escape doon nila nalaman na may natira pa. May isang janitor na nakatakbo palayo sa fire escape at pinaalam na may naiwan pang mga biters sa loob. At dahil janitor lang ang nandoon ng mga oras na yun hindi sila nakalaban. The others got turned yung iba naging pagkain ng mga lefters." He paused for a while, parang sumasagap ng hangin. Parang kinakalma ang sarili.
BINABASA MO ANG
Left.
HororKakauwi lang ni Kathleen mula sa isang buwang bakasyon mula sa america nang malaman niyang ang bansang kinalakihan niya ay hindi na katulad ng dati. Mula sa malinis na daanan ngayon ay punungpuno na nang mga patay na katawan. Mula sa mga tao ay mist...
