Panglabing-walo.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang nakatitig kanila Mang Makoy at Aling Rosanna. Nahuli nila kami sa akto.
"Huwag niyong bubuksan yan kung ayaw niyong mapahamak." Sabi ni Mang Makoy. Naglakad ito hanggang sa makatapat si Blake at binawi ang susi sa huli.
"I'm sorry Mang Makoy pero kasi gusto lang namin malaman ang totoo, may lefters ba sa likod ng pinto?" Tanong ni Louie. Nakita ko ng sulyapan ni Mang Makoy ng makahulugan si Aling Rosanna na nangingilid na ang luha sa mga mata. Bakit? Ano bang meron sa likod ng pintong yan?
"Kailan niyo pa pinaghihinilaan ang nasa likod ng pintong yan?"
"Noong isang araw lang Mang Makoy, nakarinig kasi ako ng mga kakaibang tunog." Sagot ni Louie. Napabuntong hininga lang si Mang Makoy.
"We should tell them what's behind the door Makoy." Nanginginig na sabi ni Aling Rosanna. Bakit? Bakit ganito ang inaakto niya?
"Rosanna mahal ko..."
"Mahal ko kailangan na natin sila pakawalan? Kailangan na nilang matahimik." At tuluyan ng umiyak si aling Rosanna. Ano ba ang ibig niyang sabihin?
"Lola?" Napalingon kami sa tumawag kay aling Rosanna, si Sam. "Bakit ka umiiyak? Lo?" Tiningnan niya kami isa-isa at para bang nainitindihan agad nito ang nangyayari. Nagulat kami ng sumigaw ito ng malakas. "Ate RIIIAAAA!"
Nakita kong tumatakbo paakyat sila Jeremy at Rona na buhat pa rin ang kapatid ko. Nagtataka sila.
"Guys?" Tanong ni Jeremy pero walang sumagot sa kanya. Mayamaya nakita kong humahangos na paakyat ng hagdan si Ria na gulo gulo ang buhok kasunod si Alex na malaki ang ngisi habang nagsusuot ng T-shirt.
"Lola? Lolo? Sam? Anong nangyayari?" Tanong ni Ria nakita ko namang nabura na ang ngisi ni Alex marahil naiintindihan na ang nangyayari.
"Alam na nila Ate!" Si Sam na tumutulo na ang luha. Ano bang meron sa pinto na iyan?
"Mang Makoy pwede po bang sabihin niyo na ang dapat naming malaman, hindi po namin kayo maiintindihan kung iiyak lang po kayo. Ano po ba ang nasa likod ng pinto?" Di na makatiis na tanong ko at itinuro pa ang nakalock na pinto.
"Ah! So this was all about that door!" Sigaw ni Ria habang dinuduro ang pinto. "Wow! So Alex did you just used me to know the truth from me?" Baling ni Ria kay Alex. Pero tinitigan lang ito ni Alex. "Silence means yes! Wow! Putangina! I just made myself a whore! Wow tangina. Akala ko totoo na. Akala ko talaga may gusto ka na sakin iyon pala part lang ng plano niyo! Wow! Wala talagang forever! Bakit kasi naniwala ako? Eh wala pa nga kayong isang linggo dito tapos gusto mo na agad ako at tingin mo mas malalim pa sa pagkagusto ang nararamdan mo sa akin. Wow yun pala gusto mo lang alisin ang atensiyon ko sa kanila, you made me busy so I will never know about your agenda at gusto mo lang malaman ang totoo mula sa akin! Fine! You all wants the truth!!! This is the truth! May lefters sa loob dalawa ang that is my mom and dad who got turned!" Sigaw nito ng tuloy tuloy habang umiiyak. Lalapitan ko sana siya pero lumapit ito kay Alex at sinampal ang lalaki sa magkabilang pisngi.
"That's for making me a fool out of me." After those words Ria walked out.
"Babe!" Tawag ni Alex.
"Putangina mo babe!" Sigaw ni Ria at ang sunod ay ang malakas na pagsarado ng pinto.
"Putangina Alex! Bakit kung ano ano ang sinabi mo?" Nagulat ako ng kwelyuhan ito ni Louie. Agad kong hinila si Louie palayo bago niya pa masapak si Alex.
"Di ba ito ang gusto mo Louie?! Ayan nalaman mo na ang katotohanan! Anong kinagagalit mo?" Galit na sabi ni Alex.
"Alex what you did is wrong! Hindi mo dapat sinabi iyon! You like her and its more than that?! Alex! We just want to know the truth and you just said a lie!" I said.
BINABASA MO ANG
Left.
KorkuKakauwi lang ni Kathleen mula sa isang buwang bakasyon mula sa america nang malaman niyang ang bansang kinalakihan niya ay hindi na katulad ng dati. Mula sa malinis na daanan ngayon ay punungpuno na nang mga patay na katawan. Mula sa mga tao ay mist...
