Pangtatlumpu't-siyam.
Nakaupo na kami ngayon sa gitna ng talahiban. Malayo na rin kami sa village.
Ginagamot ni Ulysses si Alex buti na lang at nabitbit ni Louie ang medical bag ni Blake. Yung medical bag kasi ni Ulysses iniwan niya at mas inuna niya alalayan si Alex. That's stupid cause Alex needs it but then mahihirapan siya kung bitbit niya pa yun at alalay niya si Alex. Buti na lang talaga Louie got Blake's medical bag.
"We need to find a safe place." Ulysses said. "Then antibiotics for Alex. Baka mainfect tong sugat niya."
"Okay. So let's go?" Tanong ko.
Tapos na kasi i-bandage ang balikat ni Alex. Nilagyan na rin ng sling na gawa lang sa t-shirt para hindi magalaw masyado.
"Tara!" Michael said.
Kanya-kanya na kaming dampot ng bag. Nangunguna sa paglalakad si Ulysses at Alex. Na sinusundan ni Ria at baby KL. Kasunod nila si Sam at Louie. Kasunod si Rona at Jayjay. Kasunod ako at nasa likuran ko si Michael. Ganito ang naisip na formation sa paglalakad para macover kami ng boys sa posibleng pagatake mula sa harap at likod.
"Ayun bahay!" Alex said mula sa unahan. "Pero kailangan nating lumusot sa butas ng karayom."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito kaya agad akong naglakad papunta sa unahan para malaman kung anong tinutukoy nito.
Napanganga na lang ako sa nakita. Sobrang daming lefters bago makapunta sa bahay. Palakad-lakad sila pero walang patutunguhan.
"So what to do? What to do?" Tanong ni Michael na nasa tabi ko na pala.
"Bumalik ka sa likod baka may lefters." Tulak ko rito.
"Ok--" Pero hindi natapos ang sasabihin nito ng makarinig kami ng tili.
"Lefters!" Rona shouted kasabay ng isa pa ulit na makabasag eardrums na tili.
"Shit Ron! Wag kang maingay naaalarma yung mga lefters!" Sigaw ni Louie.
Nakita kong may papalakad na mga lefters sa direksyon ni Rona kaya pala sumisigaw ito.
Binunot ko ang baril at pinaputukan ang mga lefters. Thanks for the silencer hindi nakakaagaw ng atensyon.
"Tara! Keep moving!" Ulysses said. Nakahanda na ang baril nito even Alex.
"Ano ready na ba kayo?" Tanong ko. Hinanda ko na rin ang baril ko.
"Mahirap tumakbo maraming dala." Ria said. Napatingin ako sa mga bitbit namin marami nga.
"Ganito. Iwan niyo yung mga bag dito babalikan namin mamaya. Ang importante makapunta tayo sa bahay na yun." Sabi ko. Kaya ganun nga ang ginawa namin. Iniwan ang ibang bag at nagumpisa ng maglakad habang bumabaril.
"Just keep shooting!" Michael said.
Baril lang ako ng baril. Pinapatamaan ang mga lefters na gustong makalapit sa amin. Nang maubos ang bala ng baril ko imbes maglagay ng panibago isinuksok ko na lang sa likuran ko at binunot ang espada ko.
Ang lakas ko maka Abu sayaf sa pamumugot ng ulo ng mga lefters.
Nang makarating sa tapat ng bahay. Na nagiisa lang dito sa malawak na damuhan na ito. Ulysses and Alex check the inside. Habang kami nila Michael at Louie ay patuloy sa pagpatay sa mga lefters na lumalapit sa direksyon namin.
Narinig ko na namang tumili si Rona nang tingnan ko may lefters na papalapit sa kanila. Mula yata sa likuran ng bahay. Agad ko iyong pinuntahan at sinaksak. Sakto sa paglabas nila Ulysses at Alex.
BINABASA MO ANG
Left.
HorrorKakauwi lang ni Kathleen mula sa isang buwang bakasyon mula sa america nang malaman niyang ang bansang kinalakihan niya ay hindi na katulad ng dati. Mula sa malinis na daanan ngayon ay punungpuno na nang mga patay na katawan. Mula sa mga tao ay mist...