Panglabing-siyam.

3.2K 145 8
                                    

Panglabing-siyam.

Day twenty one.

Ang una kong nabasa pagmulat ng mata ko. Nakasulat ito sa isang papel at nakadikit sa pader. Si Louie ang gumawa nito dahil sulat kamay niya ito. Balik na naman siguro siya sa pagbibilang ng araw simula ng magka-apocalypse.

Bumangon ako. Napansin kong tulog pa halos lahat bukod kay Rona at Jeremy. Wala na sila sa mga pwesto nila. Mukhang maagang nagising ang dalawa.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Doon naabutan ko si Jeremy at Rona na nagkakape habang naguusap.

"Good morning guys!" I greeted them, ngumiti naman sila at bumati rin ng magandang umaga. "Ang aga niyo nagising." I said habang nagtitimpla ng kape.

"Umiyak kasi kanina si Jayjay tinimplahan ko ng gatas nagising si Jeremy at sinamahan ako." Paliwanag ni Rona.

"Ganon ba. Ako ang ate pero hindi ko na siya napagtutuunan ng pansin."

"Hey! Okay lang. I'm here I can take care of him! Tyaka andito rin si Jeremy and the others. Marami tayong pwedeng magalaga sa kanya. Tyaka naiinitindihan naman kita. You're busy saving our asses." Nakangiting sabi ni Rona.

"Aww. Thank you Ron! You're really the best!" And I hug her so tight to make her feel na I'm very please to her taking care of Jayjay.

"Girls and their dramas!" Jeremy jokingly said. Natawa na lang kami. Tahimik naming ininom ang aming mga kape.

"By the way girls. Aalis kami mamaya. Anong gusto niyong ipagpabilin?" Tanong ni Jeremy.

"Gatas ni Jayjay para hindi tayo maubusan ng stock. Bakit nga pala kayo aalis?" I ask.

"Paubos na ang bala. Maghahanap kami mamaya ng malapit na presinto. Tyaka kotse na rin." Yeah. We really need a car.

"Sama ako. Sino bang mga kasama mo?"

"Logan and Blake. I'll ask them first kung pwede ka bang sumama."

"Okay. Ikaw Ron sama ka?"

"Hindi na. Ayoko maging pabigat. I can't fight." I pat her shoulder.

"You're never a burden to us. Incase you forgot you fight for us noong naka encounter natin sila Blake." Sabi ko pinapaalala sa kanya ang katapangan niya noong mga panahong iyon. Ngumiti ito mukhang natandaan niya naman. "You were so brave back then."

"I need to. Kayo na lang ang meron ako." Napangiti ako. Yes. Ang isat-isa na lang ang meron kami.

Inubos namin ang mga kape namin habang nagkukwentuhan. Mayamaya pumasok na si Aling Rosanna kasama si Mang Makoy sa kusina.

Naririnig ko na rin ang mga yabag na pababa ng hagdan. Mukhang isa isa ng nagigising ang mga kasama namin.

Lumabas ako ng kusina sakto namang pababa si Logan.

"Hey Kat good morning!" Nakangiting bati niya sa akin.

"Good morning Logan!" I said smiling too.

"Aga aga pagibig agad makakakain ba kayo ng breakfast niyan?" Singit ni Louie na buhat si Jayjay at nasa sala na pala.

"Bitter!" Sabi ni Blake na bumababa sa hagdan ng walang suot na pangitaas. Hindi ko tuloy mapigilang mapanganga. Grabe yung abs eh. Tapos yung chest ang lapad yung biceps pa. Wow.

"Logan your girl is drooling because of me." Nakangising sabi ni Blake. I look at Logan mukhang inis ito.

"Don't look at him!" He snap at winalkoutan ako. Kaya napabalik ang tingin ko kay Blake na pine-flex yung braso niya sa harapan ni Louie na parang walang pakialam. Sabagay Louie is still not over with--.

Left.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon