Panglabing-tatlo.

3.5K 171 0
                                        

Panglabing-tatlo.

Tuluyan ng huminto ang van sa pagandar makalipas ang ilang minuto. Wala ng gas.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa paligid ko. Puro matataas na damo at malalaking puno pa rin. This is a scary place to walk by.

Nakita kong bumaba na si Alex mula sa drivers seat ganun din si Jeremy.

Sinuot ko naman ang bag ko bago bumaba at sinabit sa kaliwang balikat ko ang strap ng bag ni Louie, na hanggang ngayon eh tulog pa.

Bumaba na ako at nagsunuran na rin sila nagpunta ang boys sa likurang bahagi ng van para kuhain at bitbitin ang mga pagkain na kaya naming bitbitin. Kahit ayaw namin maiiwan ang ibang pagkain dahil hindi namin kakayanin magbitbit.

"Should we wake up sleeping beauty or iwan siya?" Tumatawang sabi ni Michael.

"Bakit hindi ikaw ang iiwan tutal pilantod ka hindi ka makakatakbo kapag may lefters." Tumatawang sabi ni Luke.

"Ulol!"

"I'll just carry her." Blake said habang buhat nito ang bag nito na may lamang kagamitang pang medikal.

"N-no need I'm already awake." Louie said in her sleepy voice. Gising na ito at umuupo. "Where's my bag?"

"Here." I said at inalog ang kaliwang balikat na sinabitan ko ng bag niya. "I'll carry it for you."

"Thanks Kat." Nginitian ko siya.

"Fuck shit lefters." Alex cursed. I look to where his looking. On our right side may tatlong lefters na papalapit sa amin at doon ko lang napansin na may mga nagkalat na lefters na naglalakad papunta sa gawi namin. Inumpisahang barilin ni Logan isa isa yun pero parang hindi sila nababawasan. Parang mas lalong dumami tingin ko sinusundan ng mga lefters ang tunog na nililikha ng baril sa bawat pagputok nito kaya nakapunta sila dito.

"Let's go! We'll start walking now." Anunsyo ni Jeremy.

Hinawakan ko sa kamay si Rona para magumpisa ng maglakad ng marinig kong umaray si Louie. Tiningnan ko siya. Kasalukuyan itong tumatayo at nakahawak sa balikat niya baka sumakit.

Lumapit ako sa kanya para matulungan siya bumaba ng van, pero nakababa na ito. Nang maglakad nga lang siya eh bigla siyang napaluhod, nanghina ata ang mga tuhod niya.

Buti na lang to the rescue agad si Blake at itinayo siya at pinagpagan ang mga tuhod na nadumihan mula sa pagkakaluhod. Nanlaki ang mga mata ni Louie ng bigla siyang pangkuin ni Blake at buhatin.

"Hey, you don't have to carry me. I can walk alalayan mo lang ako." Sabi nito.

"No, matatagalan lang tayo at baka maabutan na tayo ng lefters." Sabi ni Blake at nagumpisa na itong maglakad papunta sa mga puno at damuhan kesa sa kalsada na kasalukuyang may zombie party sa dami ng lefters na papunta na sa amin.

Agad sumunod si Jeremy kay Blake na hawak na pala si Rona sa kamay para alalayang maglakad. Kasunod nila si Alex at Logan na inaalalayan si Michael na maglakad.

Napatingin naman ako sa left side ko ng may humawak sa braso ko, si Luke at hinila na ako nito pasunod sa kanila.

Panaka nakang bumabaril sila pag may malapit na lefters.

Tuluyan na kaming nakapasok sa gubat. This is really a gubat.

"Run! Sa right side." Sigaw bigla ni Blake. Napatingin ako sa left side at nangilabot na lang ako ng makitang maraming lefters sa side ng gubat na yun at naguumpisa ng sumunod sa amin.

Agad agad kaming tumakbo ni Luke kasunod sila. Sinusundan namin si Blake na umiiwas kapag may masasalubong na lefters hindi kasi ito makabaril dahil buhat nito si Louie, hindi rin makabaril si Louie dahil mukhang nanghihina pa ito. Kasunod lang nito si Rona na buhat buhat si Jayjay na gising na at tumatawa imbes matakot sa tuwing nahahagip ng paningin ang mga lefters na sumusunod sa amin. Hindi na ito hawak ni Jeremy dahil nasa likod na namin ito at bumabaril sa mga lefters na nakasunod sa amin.

Left.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon