Unforgettable Night

27 1 0
                                    

"I'll be here for you."

Throwback from Christmas Eve

Bigla siyang nilapitan ni Joshua at saglit sila nag-usap at konti-konting naglapit mga mukha nila..... Bigla na lang akong umalis ng hindi nila nakikita.

END OF FLASHBACK

Beatriz's Pov

After nung Christmas Eve nagpack-up na rin kami para wala na kami aayusin kinabukasan. Pero bago yun nung lumabas kaming dalawa ni Joshua bigla niya na lang akong niyakap at nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at sinabi "Nagseselos ako sainyo ni Andre." Nagulat ako sa sinabi ni Joshua at natulala sa harap niya. May bigla kaming narinig ni Josh na nahulog. Pagkatingin namin nahulog yung mga nakasabit na plants.

Joshua: May sumunod sa atin...
Beatriz: Nasa loob silang lahat ah.
Joshua: Paano mo naman nasigurado?
Beatriz: Nandyan sina Aeriel, John, James, Sophia, Kath... teka nasaan ni Andre?
Joshua: Tara samahan mo ako...
Beatriz: Saan naman tayo pupunta?
Joshua: Basta...

Joshua's POV

Di ko alam kung bakit ganito nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang malungkot. Nung nakita ko sila na magkasama ni Andre gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa dahil may nagsasabi sa isip ko na baka layuan niya ako pag nalaman na niya ang totoo kong nararamdaman sa kanya baka layuan niya ako . Sinundan ko siya sa labas at bigla ko na lang siya niyakap at binulong na nagseselos sa kanila ni Andre. Nakita ko si Andre na napalayo ng makita na lumapit mukha ko kay Beatriz dahil akala niya hahalikan ko si Bea. Dinala ko siya sa isang park kaso wala ng tao. Umupo kami sa pinakaharap ng park.

Beatriz: Ang ganda pala dito kapag gabi.
Joshua: Ngayon ka lang pala nakapunta dito ng gabi.
Beatriz: Tignan mo may shooting star oh!
Joshua: (closed his eyes)
Beatriz: Ano wish mo?
Joshua: Na sana maging masaya ung taong pinahahalagahan ko at matupad wish niya. Eh ikaw ano wish mo?
Beatriz: Wish ko na magkabati na kami at malaman niya ang totoo kong nararamdaman sa kanya.
Joshua: Bea paano kunyari nalaman mo may gusto yung kaibigan mo sayo lalayuan mo ba siya?
Beatriz: Rerespetuhin yung niya at depende kung may nararamdaman din ako sa kanya. Joshua: Ganun ba kung sa tropa natin kung bibigyan ka ng chance na magsama ng isang lalaking kaibigan sino isasama mo?
Beatriz: Kung kaibigan si James kung special friend si Andre bakit?
Joshua: Wala naman, bat ka nga pala lumabas kanina?
Beatriz: Wala yon....
Joshua: Ok lang naman na sabihin sa akin kaso kung ayaw mo ok lang.
Beatriz: Mahabang storya...
Joshua: Kaya ko makinig gaano man ka haba yang ikwento mo.
Beatriz: Sus sige na nga. Kasi ganto un nung birthday ni Sophia dadalhan ko siya ng cake ng pagpunta ko sa bahay niya narinig ko sila nag-uusap ni Kath tungkol sa pagiging sila no James. Ginamit lang daw niya ako para mapalapit siya kay James at maging sila. Ok lang sa akin kung ganun kaso pati pala pagkakaibigan namin hindi pala totoo ang pagkakaibigan namin. Yun na rin yung simula ng hindi naming pagpansin sa isa't isa.
Joshua: So yun pala yung nililihim mo sa amin pwede mo naman ikwento sa amin para matulungan naming kayong dalawa na magkabati or kundi man maging kaibigan ulit kayo nasasayo naman yun kung papatawarin mo pa siya. Bea may sasabihin ako sayo wag lang magugulat ah... Eh kasi may gusto na ata ako sayo eh... Bea?....
Beatriz: (snoring)
Joshua: Tinulugan ako nitong babaeng toh inamin ko sa taong tulog ano ka ba naman Joshua.... Nako pagkabihat naman nito.

Pagkadating nila sa bahay na tinutuluyan nila tulog na mga tao at nilapag na rin ni Joshua si Beatriz sa kama niya at pupunta na sana siya sa kwarto nila ng bigla may humarang sa kanya.

Andre: Bro aminin mo nga sa akin may gusto ka na kay Beatriz?
Joshua: Woah! Teka lang diyan kaibigan ko lang so Beatriz... Eh ikaw may gusto ka ba sa kanya?
Andre: Paano kung sabihin ko na meron?
Joshua: No problem kung may gusto ka sa kanya. Be happy.
Andre: Sorry ah kung inakala ko na may gusto ka sa kanya.
Joshua: Ok lang bro kaibigan naman kita naiintindihan naman kita.
Andre: Sige bro pasok na ako sa kwarto.
Joshua: Sige sunod na lang ako sayo.

Joshua's POV

Kung itigil ko na lang itong nararamdaman ko sa kanya dahil kapag tinuloy ko ito masisira ang friendship namin ni Andre. Ayoko naman mag take risk dahil kapag ginawa ko yon maraming mawawala.

Itutuloy pa nga na ni Joshua ang nararamdaman sa kaibigan niyang si Beatriz. O ihihinto nalang para magpaubaya sa kaibigan niya. Ano na nga ba mangyayari sa pagkakaibigan ni Sophia at Beatriz magkakabati pa nga ba sila o friendship over na amg patutunguhan nito. Sa mga nagtatanong kung ano na nangyayari kay James sila pa rin naman ni Sophia at getting stronger. Sina Aeriel at John yun matalino pa rin at sila pa rin. Habang si Katherine naman kasama pa rin si Joshua sa bahay nila.

Sophia's POV

Kath hindi na makayanan ng konsensya ko na itago kay James Ang lahat. Hindi ko na rin kaya na makita na nilalayuan ako ng bestfriend ko sa totoo nga gusto ko na humingi ng tawad sa kanya at sabihin ang totoo kung bakit ko yun nagawa sa kanya.

Kath: Sophia kung iyan ang magpapagaan ng kalooban mo sige gawin mo na nandito ako pwede kitang samahan kung ok lang sayo.
Sophia: Baka hindi niya ako kausapin?
Kath: Kaya nga pupuntahan natin siya para humingi ka ng tawad diba?
Sophia: Hindi ayoko wag na natin ituloy ayoko mawala sa akin si James ayoko. Kung kailan mas napapalapit ang loob namin sa isa't isa dun ko pa sisirain.
Kath: Seryoso bes madami pa naman lalaki diyan...
Sophia: Yun na nga eh marami ngang lalaki diyan kaso si James lang gusto ko eh..
Kath: Hay nako bes tigilan mo na yan ah masisira pagkakaibihan natin sa kanila kapag nalaman nila ito...
Sophia: Wag ka nga nega bes ako na bahala hindi nila malalaman ito ako pa.
Kath: Alam mo ba bes na alam ni Beatriz ang lahat na ito.
Sophia: Oo wala naman siyang guts na sabihin kay James ang lahat kaya may plano ako....

[A/N: Hello girls and guys napasarap sa summer vacation sorry. Don't worry bibilisan ko na lang mag-update para sa next chapter. Ano kaya ang balak ni Sophia stay tune for the next chapter. Thank you rin pala sa mga nagbabasa nito hope you like my story. Thank you rin sa mga active readers and silent readers. Sa mga nag add ng HSL sa library nila at reading list thank you po!! Share niyo rin po HSL sa friends niyo if you liked it. Favorite. Comment. Follow. ;) ]

High School LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon