CHAPTER 6

349 24 0
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

After Jom passed us by, I acted that  his presence  which disturbed us didn't affect me by totally ignoring him. Wala lang, basta gusto kong umakto na para bang hindi niya ako apektado, na para bang wala na siyang epekto sa akin,na para bang hangin na lamang siya dahil palagi naman ng ganito kami sa isa't isa simula ng magbago ang lahat.

I was about to speak again but I was cutted when I heard a voice of a woman  that can  destroy your eardrums or even eargasms as she shouted, "Joy!"

Tumingin ako sa kanya at hindi ko alam kung saan lupalop siya nanggaling dahil parang kabute na kung saan saan nagpapakita, ang presko pa ng mukha, parang nasa kanya ang grasya ngayong umaga.

Baka naki chismis na naman sa nga taga ibang majors or taga ibang course department? At may bagong sagap.

Pero anong bago?

"Ikaw ha, kay aga-aga nagdedate kayo ni pareng Jazzyne ah." Saad niya at tumingin pa kay Jazzyne. "At dito pa talaga sa hallway? Grabe naman Jazzyne pwede mo namang yayain sa ibang lugar, bakit dito pa?" Pangu usisa na naman ni Jeyzika na siyang tinawanan lang ni Jazzyne.

"Yang bunganga mo, nasa highest level na naman." Bulong ko sa kanya dahil nasa tabi ko siya.

Narinig namin ang munting pagtawa ni Jazzyne dahilan ng pagsulyap ko sa kaniya at akmang magsasalita pa sana si Jeyzika  ng narinig namin ang ringtone ng isang cellphone at ng hanapin ng mata namin ay nakita naming kay Jazzyne ang may ari  ng cellphone na iyon.

He looked at us before he got up his cell phone, and he gestured an excuse for himself to answer the phone which we let him too.

"Oh, Trezz?" Rinig naming tanong niya mula sa kabilang linya.

At halata naman siguro na si Trezz ang kinakausap niya base sa narinig naming sinabi niya habang nakatalikod siya at medyo may kalayuan mula sa amin.

"Ganun ba? Sige balik na ako." Pamamaalam niya bago binaba ang telepono at tumitig pabalik sa amin.

His color black eyes glistened, when it met my brown ones and he smiled habang kumakamot siya sa kanyang batok bago siya  nagsalita.

"Uh, pasensya ah. Kailangan daw kasi ako ngayon sa group namin sa isang major subject namin, so una na ako?" He asked and I smiled at him and nodded.

"Sige Preh," sagot ni Jeyzika. "Wag mahihiyang idate ang isang Delythe Joyce sa labas," pahabol niyang sabi kaya pinalo ko ang kanyang braso ngunit ngumiti lang siya na parang nangaasar.

Pagkatapos naming panoorin si Jazzyne na lumalakad papalayo at may pakaway kaway pa siya sa nga nadadaanan niya na para bang pulitiko ay napag desisyon na namin ni Jeyzika na pumunta na sa aming building.

Naglalakad na kami dito sa hallway habang ang braso niya ay nakayakap sa kaliwang braso ko ng maalala ko na may klase kami ngayon na agad  ko ding tinanong sa kaniya.

"Hoy Jeyzika, wala ba tayong klase at napakabagal mong maglakad at dinamay mo pa ako?" Patanong kong reklamo at nagumpisa ko na namang marinig ang nakakabinging halakhak niya.

Seriously? What's wrong with this girl? Paki paalalahanan  nga ako, kung bakit naging tropa ko ito?

"Friend, alaws us klase this hour oh, baka pati sa second class kung humaba pa ang meeting nila."  Sabi niya habang patuloy kaming naglalakad, so entire course department na meeting iyon kaya walang klase sa oras na ito?

"Grabe pinagpawisan pa naman ako sa pagmamadali kong maglakad dahil akala ko late na ako." Sabi ko sa nagrereklamong tono.

"Eh bakit ka ba kasi ang tanghali mong pumasok?" Tanong niya naman.

Across the CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon