🚸🚧🚥🚦🚏
WARNING: R-18
Some parts are not suitable for readers from 16 and below.
Pero curious pa rin yan, at babasahin pa rin. Ayieee ikaw ah, sumbong kita eh ahaha.🤣
"Oh, ito piso pambili mo kausap mo, leche!" Sigaw ni Trezz at kumuha pa ng piso mula sa kanyang bulsa at inabot kay Jeyzika habang ako, nakaupo malapit sa kanila pero hindi alintana ang sigawan nila ni Jeyzika.
Iniisip ko pa rin kung totoo ba ang sinabi nila ng nakaraang linggo pa, semestral break na namin pero hanggang ngayon, wala pa ring imik si Jom.
Walang nagbago, malambing pa rin siya at maalalahanin pero this fast few day, mas naging busy siya lalo at intern hours na next month ng halos lahat ng course.
Sinabi na rin na sa Sta. Teresita National High School ang pagpa practice teaching'n namin nina Jeyzika, Einanne at pati si Ydann. Malaki kasi ang school na iyon, duon rin kami nag aral ng high school.
Ang mga ibang student teacher gaya nina Paco at Erwin ay sa mga ibang School at may mga napunta pa sa isang Vocational High School at private institute gaya nina Sol at nina Monique last year.
Graduated na kasi sila, bali balitang nahired agad si Sol sa USTA, may crisis daw kasi ng populasyon ng mga Mathematics Teacher duon.
Napag isipan ko tuloy kung saang school ako magtuturo after ko magtake ng LET. At gasto rin daw pa pala ang review center before kami magtake ng LET although hindi naman required iyon pero iba pa rin kapag may reviewing para may mga ideas or brief knowledge kami kung paano at ano ang mga nasa exam.
"Alam mo kanina ka pa ha!" Sigaw ni Jeyzika at naghahabulan na naman sila ni Trezz na parang bata mula dito sa may pool area hanggang sa may dalampasigan.
Nag batuan pa sila ng mga bato at mga kung ano ano pa. Habang ako nakatunganga at hindi ineenjoy ang outing na ito dahil iniisip kung bakit kahit sembreak ay busy pa rin si Jom.
Napaisip ko tuloy na baka totoo nga talaga ang sinabi nina Ravi, after kasi nun natulala ako na hindi alam ang gagawin at ng malapit ng magtime para umuwi ay inalalayan lang nila akong bumaba. Nakita ko pa si Jom pero agad ko silang hinila patakbo papuntang gate at buti nga ay hindi niya kami nakita.
Paano nga kung totoo? May rason naman siya hindi ba? Paano kung wala? Paano kung nag checheat na talaga siya?
Hindi ko alam, wala akong ideya kung paano iyon haharapin, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari pagkatapos kong malaman na totoo iyon, pero ang sigurado ako ay basta handa akong parayain siya kung sakali, pipilitin kong maging handa akong makinig at pag usapan kung sakaling umamin siya atb kung ano ang gusto niyang mangyari.
"Iniisip mo pa rin yung sinabi namin sayo?" Bigla tanong ng pamilyar na boses at ng tignan ko iyo ay si Ravi na umupo na sa tabi ko at inulublob ang paa sa pool.
"Medyo..." sagot ko.
"Huwag mong masyadong problemahin iyon, hindi ko naman nakita ang whole angle nun at hindi ako sigurado, sakan hindi ko rin alam kung ano ang totoong nangyari at kung ano ang kwento sa likod ng pangyayaring iyon. Pero, hayst... iyon kasi ang nakita ko ehh..." Pambabawi niya pagkatapos niyang huminga ng malalim at sabihin ang mga nakakagaan na mga salita. "Sabi ng kasama kong taga USTA exchange student na kagroup ko, ex girlfriend niya daw iyon, ngunit hindi ko alam kung totoo." Sabi niya at parang nadurog muli ang puso ko sa nalaman.
"Bakit kayo nandun? Akala ko ba may group activity kayo?" Tanong ko ng may tonong nagdadalawang isip pa rin kung maniniwala sa kaniya.
"Duon kami nagsagawa ng observations eh, excited pa nga kami pero ng nakita namin ng isa kong kasama ang eksenang iyon ay nasaktan din ako. Saka baka hindi sinadya, o kung sinadya man, ay baka may rason." Wikang sagot na naman niya.
BINABASA MO ANG
Across the Crosswalk
RomanceCrosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa kalsada. Kadalasan may nakatayong poste ng mga traffic lights, at kapag nasa ilaw na nito kung seny...