🚸🚧🚥🚦🚏
False hope.
Iyan ang sa tingin ko ang ibinibigay sa akin ng epal na Gutierez na iyon sa akin dahil alam niyang may gusto ako sa kanya. Hindi ba't ang daya ng gawain na iyon? Dahil lang sa alam mong may gusto sayo ang tao ay mag take advantage kana sa kaniya at paglaruan siya.
Hindi sa pagiging asyumera pero, sa inaakto niya, para siyang concern dahil may gusto rin daw siya sa akin. Alam kong friendly siya dahil kita ko naman kung paano niya pahalagahan ang mga kaibigan niya.
Pero, hindi niya ba minsan naisip kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling ang ginagawa niya sa akin ngayon ay mangyari din sa kaibigan niya.
Ngunit wala akong magagawa eh, hintayin ko na lang hanggang sa magsawa siya sa ginagawa niya ngayon sa akin dahil magta tatlong buwan na simula nung ginawa niya ang mga weirdong gawain na yun.
Kaasar naman.
"Putang ina! Sino ba kasi nagsabi na magplay kayo ng Ama namin trap remix? Naka slowed pa? Kung gusto niyo magkaroon ng minus ligtas points, huwag kayong mandamay!"
Nagulat ako sa sigaw ng kung sino mang sumigaw dahil nandito ako ngayon sa palengke, tinutulungan ang Nanay. May raket kasi siya kanina at nagpadala si Ate pambayad sa miscellaneous fee ko for finals, dahil exam na namin.
Ang bilis lumipas ng panahon at ang mga weirdong galawan ni Jom ay medyo naudlot nitong mga nakaraang araw. Pero pagkatapos ng outing namin na iyon, nabigla na lang ako ng may isang may kalakihang paper bag na may tatak ng logo ng isang sikat na brand ng kape ang biglang naipatong sa may mesa kung saan kami nanatili.
At ng tignan ko kung sino ang taong may hawak nun, si Jom pala at wala man lang ni bakas ng ngiti ang mayroon sa labi niya at lalong dumilim ang mukha niya ng mapansin na katabi ko si Jazz.
Bigla man lang kaming iwan ksama nina Jeyzika sa table namin pagkatapos ibigay ang mga kape, pagod kami noon dahil katatapos lang ng defense namin sa thesis, at isang grasya ang dala niyang kape ngunit parang pabag sa kalooban naman niyang binigay ang kape na iyon.
"Anyare dun?" Tanong ni Jeyzika.
Nagkibit balikat kang ako dahil ako mismo ay hindi alam kung ano ang ibig sabihin nun. "Ewan ko, halika na nga at ng mainom itong ibinigay niya. Baka mas lalong sasakit loob nun kung hindi natin ito magalaw." Sagot ko at lumapit sa may meda kung nasaan ang ipinatong doon ni Jom.
Kadalasan kapag nagka kasalubong kami sa hallways at hindi ko alam kung bakit dahil medyo malayo layo ang building ng Chemical Engineering sa building namin ay nagtatagpo lang ang mga mata namin na animo'y naguusap.
At dahil naiilang ako at gustong gustong itago ang hiya, ay dali dalian akong naglalakad para iwanan siya.
His acts were completely confusing me, at isang malaking tulong ang hindi niya pagbibigay ng motibo at pangungulit sa akin sa maliit na panahon na iyon, ewan ko nga lang pero next next week, magsasama sama lahat ng Dean's lister para sa isang camp trip.
Kinakabahan nga ako at baka magtagpo ang landas namin doon, pero bahala na. Mayroon naman siguro ang mga tropa niya doon para ibaling ang kanyang atensyon.
"Ang ingay naman!" Reklamo ng isang Ale habang hinihintay ko si Nanay na matapos pumili ng mga bet niyang mga ukay ukay na damit.
"Ipalala ko lang sayo, palenge to ha!" Sagot din ng isang babae at dahil nga tuloy tuloy ang debatehan nila doon, nakapag desisyon ko na lumabas na lang muna dahil bukod sa maingay na dun ay mainit pa.
BINABASA MO ANG
Across the Crosswalk
RomantikCrosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa kalsada. Kadalasan may nakatayong poste ng mga traffic lights, at kapag nasa ilaw na nito kung seny...