CHAPTER 27

141 11 0
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

Summer break na namin at ang week na galing kami sa Field trip at ang Closing program na iyon ay ang huling linggo na namin ma pumasok pa sa campus, kaya ngayon, heto at pinagpapawisan dahil sa init ng panahon.

Napagdiskitahan ko na magkaroon ng general cleaning dito sa bahay dahil may mga agiw agiw na.

Abala ako sa paglinis ng marinig ko ang tunog ng notification ng messenger ko at base pa lang sa ringtone nito ay malalaman mong tawag iyon.

Mula sa pagtitingkayad at pilit na inaabot ang mga agiw sa kisame ay ibinaba ko ang hawak kong walis at bumaba mula sa pagkakatayo sa ibabaw ng mesa at tumungo sa saksakan ng charger at kinuha ang cellphone ko.

Nasalamin ko ang haggard kong mukha mula sa reflection ng cellphone ko at nakita na si Ate Dev ang tumatawag.

Gabi na siguro sa abroad kaya napatawag siya ngayon, sabagay linggo ngayon pero wala naman si Nanay na kasama ko na kakausap sa kanya.

Agad kong inaccept ang tawag niya sa pamamagitan ng pag pindot ng accept button at mula sa cellphone ko ay nakita ko ang mas matanda at mature bersyon ng mukha ko.

"Deltyhe ko, namiss kita." Bati niya at kitang kita ko ang kakaibang ligaya sa mga mata niya at alam kong iba ang dahilan nun at hindi ang dahil sa nakikita niya ang mukha ko.

Napatawa ako ng saglit bago nagsalita. "Miss na rin kita ate, miss ka na rin ni Nanay kaso wala siya dito sa bahay eh." Sagot ko at nakita ko ang bahagyang pag lungkot ng mga mata niya.

"Ganoon ba? Sayang naman at importante sana ang sasabihin ko sa inyo. Pero sa susunod ko na lang sasabihin kung mayroon na kayong dalawa. Mag usap na lang tayo sa susunod, tatawag ulit ako." Sabi niya at ngumiti ako sa kaniya na siyang ginawa niya rin.

"Sige ate Dev, mag ingat ka dyan palagi ha. Mahal na mahal kita." Sabi ko at ngumiti pa siya ng lalo.

"Oo kayo din, alagaan mo si Nanay. Mahal na mahal din kita at oo nga pala congrats sa pagiging dean's lister ulit. Road to Cum laude na ba?" Pabirong tanong niya at napatawa ako dahil doon.

"Salamat ate at, hmm... tignan natin." Sagot ko at nagpaalam na kami sa isa't isa bago ibinababa ang tawag at ipinagpatuloy ang shutang general cleaning na ito dahil alam kong sa mga susunod na araw ay baka magkaayayaan na naman ng madalas na gala para daw para makapag relax kami muli.

Hindi ko iyon matatawag na relax dahil pag aaksaya naman ng pera kaya minsan ay tinutulungan ko si Nanay sa trabaho niyang minsan ay pagtitinda ng gulay sa palengke o kaya ay magkaroon ng summer job sa mga grocery sa palengke.

Iyon ang plano ko at ang natitirang dalawang linggo ng buwan bago mag pasukan ay ang pag aadvance study dahil may binigay sa akin na mga reviewer at mga syllabus ang pinsan ni Einanne na major din sa English at hindi naman daw magagamit iyon ni Einanne at Ydann dahil iba ang major nila.

Pagkatapos ng tatlong oras at kalahati simula kaninang alas sais ng umaga kung saan ang oras na nagsimula akong maglinis ay sa walas, natapos na.

Pati sa taas ay nilinisan ko na rin at hindi muna pinakintab ang floor dahil kakailanganin ko muna ng bumot at floor wax at wala akong mahanap kanina kaya alikabok na lang ang mga nilinis ko.

Nasa daan na ako papunta sa banyo ng marinig ko na naman na magring ang cellphone ko and this time ay hindi na ringtone ng messenger kung hindi ringtone na ng cellphone ko na tanda na may tumatawag sa numero ko.

Agaran ko itong sinagot at hindi ko alam kung bakit obligado ako na para bang nasa life and death situation ang sasabihin ng caller na ito dahil unknown caller naman ang naroon sa label niya.

Across the CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon