CHAPTER 11

258 18 0
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

"Kung bakit ba kasi hindi na lang tayo nag baon? Tingnan niyo? Basura na naman itong mga pinagkainan natin. Kung nagbaon tayo, eh 'di sana, yung mga pinagkainan natin ay ang mga eco friendly na mga pinggan at utensils na pwede pang hugasan at gamitin ulit, na hindi nakakasira sa kalikasan." Sermon ni Ravi habang inaayos namin ang pinagkainan namin at ang mga pagkain na hindi pa nauubos habang nagpipicnic kami.

Siya kasi ay nagpumilit na magbaon na lang noong nagpaplano kami at syempre bilang kami, na tinatamad magluto at magdala ng pagkain, napagpasyahan naming magorder na lang.

"Mamaya mo na kasi problemahin yan Doc." Sagot ni Jeyzika habang nakatingin sa kanyang cellphone.

"Hayst... Oo nga, tama si Ravi dapat eco friendly, hindi ba? Kaya ka nafriendzone Ravi?" Pangaasar ni Trezz na agad namang binigyan siya agad ni Ravi ng isang nakakamatay na irap sa sobrang talim.

"Mukha ba akong nakikipag biruan?" Tanong ni Ravi at humalakhak naman kami.

"Chil... pre, ang hot na  naman ng ulo mo, parang ako." Mahanging sagot ni Trezz bago isunuot ang aviator sunglasses nito.

Jom left already after he acted like a weird and jealous man. And wait...

Ha? Hindi yun jealous baka wala lang talagang magawa sa buhay kaya may patanong tanong pa ng, "can you be mine?"

Taska, ano ako? Gamit? Na pwedeng angkinin? Hindi dapat ganun. Oo at nakakakilig ang linyahan na iyon pero ilugar mo ang tanong na iyon.

Ilugar mo na pakiligin ang isang tao kung alam mong hindi ka naman seryoso sa kaniya, na puro laro lamang sa iyo iyon dahil baka para sa kanya, ay iba na pala.

Saka mo na angkinin iyong tao at pakiligin ng malala kung sigurado ka na sa kaniya at hindi lang bugso ng damdamin dahil malay natin kung yung taong pinagsabihan mo ay hulog na hulog na pala sa iyo hindi ba?

Wala tayo sa Wattpad world o sa mga fictional stories kung saan nakakakilig ang linyahan na iyon.

Nasa reyalidad tayo na lahat ng sinasabi sayo ay may tsansang hindi lahat  iyon ay totoo at maaaring pinaglalaruan ka lang  din ng tao.

Kaya kailangan din ng pag iingat, hindi konting pag iingat kundi buong buo na pag iingat.

Umalis si Jom ng tinawag na siya ng magandang babae na may pangalan ng Leiva, hindi siya slim gaya ng mga ibang babae dahil  curvey siya na mas lalong nagasexy at  nagpahighlight sa kagandahan niya, ang ganda ng katawan, napaka elegante rin kung kumilos na mapapansin mo agad na siya ay mula sa  mayaman na pamilya.

At paano ko nalaman na Leiva ang pangalan niya? Simple, narinig ko kasing sumagot si Jom sa kanya ng, "yes Leiva. I heard you."

Wika niya at saka  inayos ang itim niyang polo shirt na pinarisan ng gray na tailored short at nasaksihan ko pa ang malalim niyang titig bago inihakbang ang mga paa niya na nakasuot ng kulay puting sneakers shoes saka binalik ang kulay itim niyang sunglasses  sa kanyang mga mata kaya mas lalo siyang nag mukhang gwapo.

May pahabol pa siyang sabi na, "see you later Joyce." Wika niya gamit ang malalim niyang boses saka walang lingon na umalis at pumunta sa babae niyang iyon.

At wala akong ideyav alam kung bakit ko pa rin iniisip iyon hanggang ngayon na nakabihis na si Jeyzika at handa ng sumabak at makipaglaro sa mga alon dito sa may dagat.

Sina Trezz at Jazzyne naman ay naka hubad baro ang pang itaas kaya ang mga babae sa paligid ay libreng pinagpapantasyahan ang mga maskulado nilang katawan na tamang tama lang sa edad nila.

Across the CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon