CHAPTER 28

165 10 0
                                    

🚸🚧🚥🚦🚏

Alas dos na ng hapon at ngayon, nandito kami sa Graciano's Compound. Hindi pa sana ako papayagan ni Jom na umalis kanina kasi halos magaapat na oras na kaming nandoon at sinabihan kong baka hinahanap na ako ni Nanay na sa katunayan ay itinext ko naman.

Maraming mga pagkain ang nakapwesto kanina sa playground at may dumating pang videoke kaya nagkantahan ang lahat kaya inokopa na namin ang malawak na playground.

May mga uminom pa ng wine at sa galing naming makipag socialize ay hindi na ako nabigla ng hindi kami ma out of place at nakasundo agad ang mga kaibigan ni Jom.

Si Jom naman ay hindi makalayo sa akin at kulang na lang ay subuan ako, kinuha niya pa ang cellphone ko at hinanap ang contacts isinave ang number niya doon. Ang inilagay niya pang pangalan niya ay, "My Engineer."

Tinanong ko kung bakit mayroong My at ang sagot niya ay, "you owned me already even you still did not gave me an assurance that I owned you."

Nabilaukan ako doon pero agad ring nakarecover ng marinig kong magkabonding na sina Einanne na kumakanta kasama si Vince na akala mo ay matagal ng magkaibigan dahil kantahan at sayawan ang ginagawa.

"Bye!" Sabi ko kay Jom ng nagsisi alisin na ang mga kaibigan niya, hindi ko napansin na ang daming mga sasakyan pala ang nakaparada sa mga sidewalk kanina, akala ko normal lang iyon dahil sa parteng ito ng lugar namin ay puro nasa Alta sociedad na ang mga nakatira.

"See you when I see you again." Sabi niya na bahagyang naka nguso at napapapikit ang aking mga mata ng halikan niya ako sa noo bago kami umalis.

Nagooffer pa siya ng ride pero ako agad ang unang tumanggi dahil bukod sa maiingay kami ay masyado pa kaming marami kahit na sinabing ipalabas kanina ang color black nilang Ford Transit.

Jusmiyo ang lapit lang pero bakit kailangan ng sumakay kami doon? Feeling ko hindi ko deserve sumakay doon, pero kay Jom? Eh...

Joke! Ano ba yan? Hahaha.

"Nanaginip lang ba ako?" Tanong ko sa kanila habang kami ay nakaupo dito sa may silong ng punong acacia at nakaupo dito sa set ng upuan at may isang pabilog na lamesa na kulay puti rin gaya ng mga inuupuan namin.

"Oo teh, kaya umalis ka na sa panaginip na ito dahil tumitilaok na ang paboritong anak ni Tito Berto." Sagot ni Einanne, wala na si Ydann dahil umuwi na ito, napilitan lang daw siyang sumama dahil sa kaingayan ni Einanne sa bahay nila kanina.

"Totohanan ng manliligaw siya ngayon sayo," sabi ni Ravi habang nakatingin din siya sa akin.

"Kung ako iyan ay hindi ko na papatagalin, oo Jom tayo na agad ang isasagot ko." Komento naman ni Jeyzika.

"Magugulat pa ba kami? Syempre malandi ka eh." Pambabara ni Einanne at nakatanggap siya ng sapok galing kay Jeyzika.

"Ano na ngayon ang plano mo?" Tanong ni Khate at sa tingin ko ay sila lang ngayon ni Ravi ang matinong kausap.

"Hihinga pa rin para mabuhay," sagot ko na parang wala lang kaya narinig ko silang nagsinghapan.

"What I mean is, anong plano mo sa inyo ni Jom? Sasagutin mo ba o hindi dahil sa takot ka sa commitment o dahil takot ka na pinaglalaruan ka niya o hindi dahil ayaw mo sa childhood crush mo na naging first puppy love mo o hindi dahil wala kang feelings sa kaniya?" Tanong ni Khate na parang nawawalan na ng pasensya.

Sasagot pa lang sana ako ng namataan ko sa likuran nila si Trezz na nakaporma.

Wala si Jazzyne kanina doon at hindi na nakakagulat dahil sino namang matinong tao ang gustong panoorin ang taong gusto mo na hinaharana ng iba? Iyan kanina ang sagot ni Trezz ng tanungin ni Jeyzika kung bakit hindi niya kasama si Jazzyne.

Across the CrosswalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon