🚸🚧🚥🚦🚏
"Pre kapag ba naging Teacher na si Jeyzika tapos cheater rin siya, tawag na ba dun sa kanya e, CheaTcher na ?" Biglang tanong ni Erwin habang magkatabi sila ni Paco.
Nandito na kami sa Sta. Teresita National High School para sa Practice teaching hours namin, dito rin pala sina Paco at Erwin. Akala ko ay kami lang nina Jeyzika,Ydann, at Einanne ang magkakasama pero hindi pala.
Hindi na kami nakasuot ng uniform na gaya sa pang araw araw naming type A or B o kahit na ang P.E. Uniform nami. At ngayon ay nakasuot na kami ng Practice teaching Uniform at ang style nito ay para lang din sa mga STC students at hindi katulad sa pangkaraniwang design na nakikita.
Parehas pa rin na color burgundy na slacks o skirt at color teal na blouse o polo. Ang kaibahan nga lang ay wala na itong necktie kundi I.D. na lang na pinagmukha kaming professional na, pero nagsusumigaw pa rin ang pagiging estudyante namin dahil sa style at designs nito.
"Gusto mong siraan at tulungan kitang mabagsak ka sa evaluation class mo kung sakali?" Masungit na tanong naman ni Jeyzika at nakaupo kami dito sa may hallway malapit sa Related Subject Office at hinihintay ang Headteacher ng Academics subject ng Junior High School at kunin ang schedules namin at cooperating teachers.
Binelatan lang ni Erwin si Jeyzika at kung wala siguro sila sa ibang lugar at nasa school lang ay nagsisiingayan na naman. Ewan ko at bakit si Erwin naman itong palaging kasagutan ni Jeyzika ngayong wala si Trezz.
Nagstart na rin lahat ng immersion ng buong graduating years sa lahat ng course ngayon. Sina Trezz at Jazz ay sumampa na sa barko para sa kanilang shipboard at hindi ko alam kung kailan matatapos.
Si Khate at ang mga kabatch niya ay naidistribute daw sa iba't ib ang Construction firm at ang sabi ay mapapadalas daw sila sa mga sites.
Ganun din si Ravi na nasa isang medical hospital na ngayon at hindi ko pa rin alam kung ano ang mayroon sila ni Sol.
Si Jom ay sa company lab na ang team nila magiimersion at malaking tulong iyon. And speaking of Gutierrez, naalala ko na naman ang nangyari sa araw na iyon na muntikan niyang paghawak sa perlas sa ilalim ng dagat.
"Oh laro tayo, hanapan ng piso oh dali!" Sigaw ni Einanne mula sa dalampasigan dahilan ng pagkagising ko sa reyalidad at pagkabalik ng aking katinuan.
Shuta nakakahiya!
"Shit," rinig kong mura ni Jom na nasa tabi ko na at nakayakap na ng mahigpit ang kanyang mga braso sa bewang ko.
Tumingin si Einanne sa amin na may gulat na na ekspresyon sa kanyang mukha. Dahhan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sa akin ni Jom mula sa likuran pero hindi niya ako hinayaan.
"Gusto niyo, by pair?" Suhestiyon ni Einanne at dahil kami lang naman yata ang magjowang naglalampungan ay kalahati sa kanila ay humindi at hindi nakisali.
Buti na lang dumating si Einanne, nako baka nilabasan na ako sa loob ng tubig ng wala sa oras. At saka Joyce, hindi mo naman asawa si Jaxx kaya bakit mo ipapahawak? Ang tanga mo din ano?
Hindi kami sumali dahil nanlalambing pa rin si Jom na nakayakap sa akin habang pinapanood ang mga kaibigan namin na naglalaro at sumisisid na hinahanap ang isang piso.
Syempre magpapatalo ba ang isang Graciano? Syempre hindi pero hindi rin magpapatalo si Ravi, hindi sa hanggang sa umangat na lang siya bigla dahil sa binuhat pala siya ni Sol at dinala sa pampang, at nagsimula na naman ang kanilang diskusyon.
"Sanaol sinisisid!" Sigaw ko dahilan ng pag angat ng tingin sa akin nina Jeyzika at Einanne na nakararami na ng puntos at mula sa kanilang itsura ay naistorbo ang kanilang ginagawa.
BINABASA MO ANG
Across the Crosswalk
Roman d'amourCrosswalk, sino nga bang hindi pa na experienced ang lumakad at tumawid dito? Palagi natin itong ginagawa o palagi nating dinadaanan kung tatawid sa kalsada. Kadalasan may nakatayong poste ng mga traffic lights, at kapag nasa ilaw na nito kung seny...