Chapter 2

4 2 0
                                    

DUMATING sila sa eskwelahan, sinalubong si Pruk ng mga kaibigan at naiwan na naman siyang mag-isa. Samantalang si Pruk ay nakaramdam ng panlulumo dahil hindi niya gustong iiwan ang kaibigan ngunit, kapag sasamahan niya ito ay maiinis naman sa kanya ang mga kaibigan. Ang alam kasi nila ay pinsan niya ito at hindi nila alam na malapit pala sila sa isa't-isa.

I'm sorry, Saint

Aalis sana siya ngunit hindi paman sila nakalayo, nakaisip siya ng palusot para balikan ang kawawang kaibigan.

"Uhh-may nakalinutan pala ako, saglit lang ah?" paalam niya sa mga ito.

"Sige" sagot ng lalaking mapayat ngunit bawing-bawi nama sa itsura. Siya si Gem Tin.

"Isama mo na rin yung pinsan mo bro, sayang naman at di namin siya makikilala" nakangising dagdag naman ni Third Cantaloupe, kilalang pinaka-maitsura sa kanilang lahat.

"Hahahaha gago! Pero totoo, tama lang na isama mo siya sa tropa natin nang magkaroon naman ako ng chance sa kanya" sabat ng lalaking pinakapandak ngunit kung titingnan mo ang kabuuan ay hindi mo mapigilang manghina dahil sa taglay niyang karisma. Siya si Team Solomon, ang kilalang babaero sa kanilang grupo.

Nagtawanan sila maliban lang kay Pruk na sobrang dilim ng mukha. Napansin ito ng tatlo kaya tumigil sila sa pagtawa at tinapik siya sa balikat.

"Siya, sige na, pero wag mong kalimutang isama ang pinsan mo ha?" si Gem.

"Oo nga bro! Wag mo namang ipagkait yun samin" sang-ayon ni Team.

Hindi pwedeng mapunta lang siya sa mga loko-lokong tulad niyo
Nasa isip niya habang nakatingin parin ng masama sa mga ito.

"Not funny bro, so don't you dare play her feelings!" inis niyang sabi saka naglakad pabalik sa kinaroroonan ni Saint.

Medyo natuwa siya sa kanyang mga kaibigan. Matagal narin niyang hinahangad na maisama sa tropa ang dalaga ngunit natatakot siya na baka popormahan ito ng mga lokong yun.

It's better than ignoring her forever in this place

For him, fame is a curse. Ito ang naglalayo sa kaniya sa taong pinagkakatiwalaan niya ng sobra—ang taong alam niyang hindi siya iiwan. Ang taong tanggap ang kanyang kahinaan. Saint is really a saint for him. Her name suits her perfectly. He liked everything about her—from her goddess-like face, her emotionless eyes, and her modesty.

Hindi siya katulad ng ibang babae na sobrang maporma at halos lantaran ang pananamit. Naglaho ang kanyang iniisip nang nakalapit na siya sa kaibigan.

SAINT was shocked when she saw him walking towards her. Hindi siya makapaniwalang iiwan nito ang mga kaibigan para balikan siya.

Sa wakas ay natauhan ka na rin

Anang isip niya habang hinihintay niya na makalapit sa kanya ang kaibigan. Muli na namang tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Para siyang aatakihin sa sobrang bilis. Nanghihina ang kanyang mga tuhod at parang babagsak siya sa kinatatayuan.

Heart, please don't do this to me!

Suway niya pero huli na ang lahat dahil nasa harap na niya si Pruk. Kinapos siya ng hininga.

"B-Bakit ka bumalik?" nauutal niyang tanong at umiwas ng tingin.

"Why? A-Ayaw mo ba akong kasama?" tanong nito pabalik.

Mas nagulat pa siya dahil sa pareho silang nauutal. Bigla siyang nailang sa di malamang kadahilanan.

He sighed.

"I don't want to make you feel alone here forever so...I came back" paliwanag ng binata. Parang may humaplos sa kanyang puso. Pakiramdam niya, sobrang napakaimportante niya sa buhay nito. Her heart shouted with soooooo much pleasure! Hindi niya mapigilan ang sarili na umasa.

Thank you...
Gusto niya itong sabihin ngunit parang paralisado ang bibig niya . Nanlaki ang kanyang mga mata nang hinawakan nito ang kanyang kamay at dinala siya papunta sa mga kaibigan ng binata.

Treat Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon