EVERYONE'S EYES widened when they saw the four hotties waiting outside the classroom. Pati ang teacher ay napahinto sa pagsasalita at napatingin sa labas. Bahagya itong nainis.
"What section are you?" tanong niya sa kanila."Hawking ma'am" magalang na sagot ni Pruk.
"I see, sinong hinihintay niyo?" usisa nito."Saint and her friends" si Pruk parin ang sumagot. Lahat kasi ng kaibigan niya ay nakaurong ang dila, magaling nga magpakilig ng babae, matakutin naman sa mga guro.
"Do you see that I'm discussing?"
"Yes ma'am, I see it clearly" sagot niya at...
"HHAHAHAHAHAHAHAH"
"HAHAHAHAH!"
"WHAHAHAHAHAHAH"
"I salute your confidence Pruk!"
"Go Pruk!"
"Nice one!"
Sigawan at tawanan ng mga kaklase ni Saint matapos sagutin ni Pruk ng pabalang ang guro.
Pruk, what are you doing?!
Gusto niyang lumabas at pagsabihan ang kaibigan ngunit hindi siya makagalaw. Sa tingin niya ay puputok na talaga ang mukha ng guro sa sobrang inis.
"SILEEEENCEEEEEEE!" sumigaw na ang guro at pulang-pula ang mukha nito. Everyone stopped cheering.
"Who is your adviser?!" galit na tanong niya kay Pruk.
"Miss Fedelin ma'am" Kalmadong sagot naman ng binata. "If you're bothered by our presence, we will just come again later ma'am" aniya at umalis na subalit hindi nito nabura ang inis ng guro. Tiningnan niya sila ng masama habang papaalis.
Saint sighed deeply. Talagang may ganoong side si Pruk minsan, ni siya nga ay hindi ito napipigilan. She waited for the discussion to end pero parang ang tagal umusog ng kamay sa orasan.
"Miss Sripongtong?" bumalik siyansa reyalidad nang narinig ang tinig ng guro.
"Ma'am?" tumayo siya.
"Kindly read the last paragraph" utos nito at sinunod niya naman. Pagkatapos niyang bumasa...
"Excellent reading performance" puri nito, walang gana namang pumalakpak ang kanyang mga kaklase. Umupo na siya at palihim naman siyang pinalakpakan ng kanyang mga kaibigan.
"Galing mo dun ah?"
"Tara na mag-emcee"
"hahahahah..." mahinang tawa nila.
"Listen everyone, tomorrow I will make you read in front. You must exceed Miss Sripontong's performance because as I observed, most students now lacks reading performance and comprehension. Failure to perform well deserves axe!" habilin nito at walang pasabing lumabas.
"Ughhhhhh! Nakakainis naman!"
"Axe niya muka niya!"
Bawat sulok ng classroom ay nabalot ng mura at reklamo. Bumaling siya sa kanyang mga kaibigan na ngayon ay abot tenga ang ngiti dahil sa sobrang tuwa sa kanya.
"Congrats Banal!" si Reign.
"Congrats! Napabilib mo si madam!" tinapik siya ni Aris sa balikat. Samantalang ang mga kaklase niya at ang bago nilang kaklase na si Phoom, yung girlfriend ni Team, ay masamang nakatitig sa kanya.
"Don't mind them...and that bitch" bulong ni Aris tapos sinenyasan siya na sumunod na sa kanila. Pero bago paman sila makalabas ay nakasalubong nila sila Pruk na kakabalik pa lang.
Her heart is racing again. Hindi niya napipigilan ang sarili kapag nandyan si Pruk! Please self, get a hold of me! Pakiusap niya sa kanyang damdamin.
"Well, well, well, ang galing niyong dalawa!" Reign exclaimed, their head snapped onto her.
"Pruk defeated madame PMS and our Saint here also! That's why you deserve a cheer!" dagdag pa nito at sinang-ayunan naman ng mga kaibigan ni Pruk."Cheers to these two heroes!" sigaw nilang lahat, napailing nalang ang dalawa.
"Hahahahahah!"
"HAHAHAHAHA!"
They're in the middle of laughter when someone interrupted.
"Excuse me?"
The newbie bitch came like a booming thunder. Bahagyang nainis si Saint ngunit hindi niya ito pinahalata.Kakaiba ang aura ng babaing to ah?
Naisip niya.Sa tingin palang ng babae ay hindi na nakakatuwa, lalo na ang tono ng kanyang pananalita—na sobrang nakakainsulto sa pandinig.
"May I borrow my 'boyfriend'?" may halong diin nitong sabi at saka tumingin sa kanya ng masama. Isang nakabibinging katahimikan ang namumutawi sa kanila, lahat sila maliban kay Team ay inaabangan ang bawat kilos ng dilag.
Ano bang problema niya?
Kahit nagtataka, nilabanan niya ang titig nito. Wala namang masama kung hindi siya magpapatalo.BASE SA TINGIN ng girlfriend ni Team kay Saint, alam ni Pruk na pinagseselosan ang kanyang kaibigan.
"You're jealous of her, right?" direktang tanong niya at namutla ang babae. Team smirked.
"You're jealous? Come on babe, don't you trust me?" sabi ng kanyang kaibigan sabay hawak sa baywang ng kasintahan. Hindi ito nakapagsalita kaya nagpatuloy siya.
"She's 'mine' so no need to get jealous"
What the hell am I saying?
Sigaw ng kanyang kalooban. Nais lang niya na protektahan ang kaibigan mula sa babaeng ito. Tumikhim si Team."I think I need to lunch only with my baby, sorry bro's" malungkot na sabi nito.
Ngumiti siya."It's okay bro, go ahead"
Pagkasabi niya ay umalis si Team habang nakahawak parin sa beywang ng kanyang kasintahan. Pagkaalis nila..."Are you okay?"
Pilit na ngumiti ang dalaga.
"Okay lang ako"
"Hindi ko alam na pagseselosan ka pala ng babaing yun" sabat ni Third.
"Okay lang yun" sagot nalang ni Saint sa kanya. Ramdam ni Pruk na tinatakpan lang nito ang kanyang inis kaya lumapit siya sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito.
Her friends stared at their hands with shock, maliban lang sa kaibigan ni Pruk na naniniwalang pinsan niya ang dalaga.
PAKIRAMDAM ni Saint ay umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ka-concern si Pruk sa kanya. Wag kang umasa please... Pakiusap niya sa sarili. Ayaw niyang masaktan dahil lang sa maling akala.
Sadyang friendly lang talaga si Pruk
Pangungumbinsi niya sa kanyang isip.Una, hindi niya makalimutan ang sinabi ng kaibigan niya dun sa babae. Paulit-ulit ito sa kanyang utak na parang sirang plaka.
She's 'mine so no need to get jealous
Sana nga ay pagmamay-ari nalang siya ni Pruk. Pero malabo, dahil hanggang panaginip nalang yun mangyayari. She don't deserve someone like him. He's almost perfect, while she's stunning with imperfection.
"Tayo na?"
Naglaho ang kanyang iniisip nang nagsalita si Pruk."Let's go"
And they enjoyed their lunch with their new group of friends. Nagkuwentuhan sila tungkol sa kanilang mga karanasan noon, samantalang si Saint ay nakikinig lang at nakikitawa rin sa kanila.
BINABASA MO ANG
Treat Me Right
Teen FictionWe always dream for a "crush back" while staying with the person we like. Saint admires Pruk for a long time, but for the sake of their friendship, she is willing to remain silent. Being friends with him is better than nothing. Pruk is always there...