IPINIKIT niya ang mga mata para makatulog subalit hindi siya dinalaw ng antok. Tumitig siya sa kisame na may konting palawa. Humarap na siya sa kaliwa't kanan, pero hindi siya makatulog! At si Pruk lang ang tanging dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Nilingon niya si Ae na himbing na himbing na sa pagkakatulog. Naalala niya ulit ang sinabi nung Felix nung nakaraang gabi.
Hindi ko alam na nag-iba na pala ang baklang Ae na nakilala ko...
She sighed. Pinagmasdan niyang mabuti ang maamong mukha ng pinsan at binibilang niya ang bawat paghinga nito.
"Bibiko...alam kong may itinatago ka mula sakin, hindi ko alam kung ano ang dahilan pero...tanggap kita kung ano man ang katotohanang malalaman ko tungkol sayo" hinawi niya ang nagulong buhok nito. Wala siyang pinagdududahang masama sa kanyang pinsan—ito ang nasa kanyang isip habang nakatitig dito.
Maya-maya, namalayan niyang unti-unti na siyang napapikit hanggang sa siya ay nakatulog.
NALUKOT ang kanyang mukha nang biglang pumasok si Chan. Kanina pa siya hindi makatulog, siguro dahil kay Saint, at ngayon dadagdag pa itong pinsan niya. Marahan nitong sinara ang pinto na hindi man lang lumikha ng ingay, marahil ay nakatulog na si Pelle. Nakangisi ang pinsan niya habang nakatingin sa kanya.Napabuntong-hininga siya. Mang-iinis na naman ito panigurado!
"Why are you here kuya?" mahinahon niyang tanong. Hinila nito ang maliit na upuan ng study table at itinapat sa kanya saka umupo dito.
"Sabi ko na nga ba hindi ka makatulog" sabi nito sa halip na sagutin siya.
"Please kuya, wag ka nang dumagdag pa" naiinis niyang pakiusap.
"Don't worry, I don't came here to bother but to give an advice"
Natigilan siya. Ano kaya ang sasabihin nito sa kanya?
"Go on" walang gana niyang tugon.
"I know you like her" panimula nito. "Pero wag mo sanang hayaan ang sarili mong damdamin na gumawa ng kalokohan" dagdag pa nito kaya bahagya siyang nainis.
Ano bang gusto niyang iparating? Na hindi ako responsable sa nararamdaman ko?
"Kuya, you know I'm responsible and I can handle myself" inis niyang sagot.
"Yes I know that Pruk, but I saw you almost kissing" hindi siya nakapagsalita. "I'm just concerned about you, naranasan ko na rin ang magkagusto noon pero muntik ko nang gawin ang isang bagay na hindi dapat at alam kong alam mo yun Pruk. Ayokong maranasan mo yun! You know how much my parents hated me after I did that thing. We're just humans, and there are times na sadyang hindi natin mapipigilan ang ating emosyon"
Mas lalong hindi siya makapagsalita! Naalala niya pa ang nangyari sa pinsan niya noon at kung paano ito kinamuhian ng kanyang mga magulang na hindi man lang pinakinggan ang kanyang panig. Pero iba naman ang sitwasyon niya, may nararamdaman siya kay Saint pero may respeto rin naman siya at mas lalong hindi niya gagawin ang bagay na yan lalo na't wala pa sa tamang panahon!
"Kuya, its just a misunderstanding, we're not almost kissing—masyado lang kaming malapit sa isa't-isa at isa pa..." napalunok siya nang naalala ang mukha ng dalaga kanina na para bang nang-aakit sa kanya na halikan ito.
"N-Nagkatinginan lang kami" napangisi ito nang nautal siya. Nakaramdam siya ng hiya.
"Let me tell you this... don't ever provoke the temptation or the temptation might provoke you. Pigilan mo ang sarili mo, wag kang masyadong lalapit na para bang wala nang bukas, I know that feeling kasi nagsimula kami sa ganyan. Simpleng tingin lang ay nakapang-aakit. I'm saying this not because I'm judging you but because I cared" he paused. "Inaantok na ako, wala na akong sasabihin pa, basta tandaan mo lang lahat ng advice ko sayo. Good night" then stood up and patted his shoulders.
Lumikha pa ng ingay ang pinto nang naisarado ito.
Napaisip siya dahil sa sinabi ng pinsan. Lahat ng iyon ay tama, walang anumang bahid ng panghuhusga kundi mga paalala. Siguro nga ay kailangan niyang magdahan-dahan sa kanyang nararamdaman kay Saint. Nilingon niya ang maliit na picture frame sa study table, tapos ngumiti. Napatitig siya sa inosenteng mukha ni Saint, nakasuot ito ng uniform at gulung-gulo ang buhok ngunit, maganda parin. Naalala niya pa yung araw na tinanong siya nito kung anong gusto niya sa isang babae.
"Gusto ko yung maganda, matalino, at mahinhin"
sabi niya pa noon. Napailing siya at napangiti, talagang wala siyang alam noon sa nga sinasabi niya. Nasa murang edad pa lamang siya noon at walang kaalam-alam sa tunay niyang gusto—isang simpleng babae, hindi matalino, pero disiplinado.Gusto niya itong tawagan at kausapin ngunit ayaw niyang gambalahin ba ang pagtulog nito. Kaya humiga nalang siya at hinintay ang sarili na makatulog.
KINABUKASAN, Sabado ng umaga, naalimpungatan si Saint nang binato siya ng tabo ng kanyang kapatid. Maliwanag na ang paligid, at ang sinag ng araw ay nakasisilaw. Wala na si Ae sa kanyang tabi. Kinusot niya ang kanyang mga mata tapos tinupi ang manipis na kumot. Nasa pintuan parin ang kanyang kapatid, nakapamewang at salubong ang kilay habang nakatingin sa kanya.
"Ano ba?!Namamaos na ang boses ko kakasigaw ate 'Saint Peter'! " singhal nito pero imbis na mainis, napangiti siya dahil tinawag siyang 'ate' nito. Binato niya ito ng unan.
"Sige na" natatawa siya. "Mauna ka nang maligo, susunod na ako"
"Tch!" padabog itong umalis.
Paglabas niya, nadatnan niya si Ae na nagluluto. Pumapasok sa ilong niya ang bango ng piniritong Tilapia. Nilingon siya nito.
"Good morning bibiko" bati nito sa kanya.
"Mmm, good morning! Nasan si mama?"
"Pumunta sa kapitbahay—" saglit itong huminto para ihain ang nalulutong isda. "Uutang raw ng pera para sa allowance ni Siri ngayong Lunes" dagdag nito dahilan para natigilan siya.
"Bakit? Saan siya pupunta?"
Kumuha ito ng kaunting bahagi sa isda at kumain. "May sinalihan kasi siyang contest, Regional yon kaya malayo ang venue"
Napailing siya. Ano ba itong pinasukan ng kapatid niya? Konti nga lang ang kita ng kanilang ina tapos eto at dumagdag pa siya sa gastusin.
"Ganun ba" walang gana niyang tugon. Parang hinati sa dalawa ang kanyang puso, naalala niya kasi kung paano siya noon tinatanggihan ng kanyang ina sa tuwing siya ay humihingi ng pera sa tuwing may sinasalihan rin siyang contest. Kailanman sa buong buhay niya ay hindi niya naranasan na itrato ng pantay sa iba.
Tumalikod siya at pinahid ang namuong luha sa gilid ng kanyang mata.
-------
A/N: Sorry kung slow ang update, busy lang hehe
BINABASA MO ANG
Treat Me Right
Teen FictionWe always dream for a "crush back" while staying with the person we like. Saint admires Pruk for a long time, but for the sake of their friendship, she is willing to remain silent. Being friends with him is better than nothing. Pruk is always there...