"SAINT PETER! Bumangon ka na nga!" maaga siyang ginising ng maingay niyang kapatid. Ramdam ng kanyang tenga ang talas ng boses nito kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumangon. Naiinis siya at nadagdagan pa ito dahil inaasar siya ng kapatid sa sarili niyang pangalan."Oo na! At pwede ba?! Pakihinaan mo nga yang boses mo?!" sigaw niya pabalik. Pinatay niya ang bentilador na siyang nagbibigay ng ginaw sa masikip niyang kwarto. Maliit lamang ang kanilang bahay at tanging kurtina lang ang nagsilbing harang sa pintuan ng kanyang silid. Sa labas ng kanyang kwarto ay nakaabang ang kanilang kusina—wala itong mesa at maraming upuan maliban sa isang plastic chair na nasa gilid ng refrigerator.
Impakta!
Sigaw ng kanyang utak habang siya ay masamang nakatingin sa kapatid. Mabilis naman itong umalis sa harap niya na may pasipol pa. Padabog niyang inayos ang higaan at pagkatapos ay lumabas na para maligo. Sa kasamaang palad, wala silang sariling tubig. Kailangan pa niyang pumunta sa Malaking bato—isang paliguan ng lahat ng mga nakatira sa baryo.
Mas lalo pa siyang nainis.
Kinuha niya ang tuwalya at isinabit sa kanyang balikat, dinala ang malaking balde na walang laman at sabonera. Pagdating niya doon, nakahinga siya ng maluwag. Konti lang ang mga naliligo na karamihan ay ang mga gwapo niyang kapitbahay. Ilan sa kanila ay naging kaklase niya pero ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng panahon na makausap sila.
Gwapo nga, feelingero naman!
Suway niya sa kaniyang sarili. Hindi niya pinansin ang mga naggwagwapuhang binata, itinuon niya ang atensyon sa pagliligo, hanggang sa natapos siya at umuwi.
Ang ngalan niya ay hindi Saint Peter, siya ay si Saint Sripongtong. Ang matangos niyang ilong at medyo singkit na mga mata ay nagpapahiwatig na siya ay may kalahating dugong banyaga. Maalon nga ang kanyang buhok ngunit buhaghag naman. Maganda nga ang kanyang mata pero halos hindi na napapansin ang kanyang pilik-mata. Ang mga tigyawat na nasa kanyang noo ay naging dahilan na hindi siya nagagandahan sa sarili. Makinis ang kanyang kutis ngunit hindi naman siya maputi.
Tanggap ko na, na isinusumpa talaga ako
Sabi ng isip niya habang siya ay nakatingin sa kanyang repleksyon. Gusto niyang basagin ang salamin dahil sa kaprangkahan nito ngunit wala naman siyang mapapala kung gagawin niya ito.
She sighed.
Inabot niya ang pulbo at bumuhos ng napakarami sa kanyang palad. Ipinahid niya ito lahat sa mukha hanggang sa siya'y nakuntento na . Hindi paman niya natapos sa pag-aayos ay tinawag siya ni Siri, ang kanyang kapatid.
"Ate! Nandito na ang jowa mo!"
Naiinis siya sa inaasta ng kapatid. Nakakahiya kay Pruk! Pero kahit ganun, ay medyo natutuwa narin siya na nagkaroon ng kaibigang lalaki—kaibigang matagal na niyang hinahangaan.
Ayaw niyang paghintayin pa ito ng matagal kaya hinila niya ang bag at dali-daling lumabas. Nadatnan niya ang kaibigan na nakaupo sa sahig at nakangiti habang nanonood ng---Looney Tunes. Ang cute lang!
Napansin siya nito kaya mabilis itong tumayo at ngumiti. Her heart beats so fast! Simple lang ang mga ngiting iyon ngunit parang kidlat na nakapanghihina.
"Uhh-tayo na?"
Pinigilan niya ang puso na mataranta at kalmadong sumagot.
"Sige"
Bago paman sila makaalis, sumigaw ng napakalakas ang kanyang kapatid dahilan para mas lalo siyang namula.
"Yieeee! Magkatuluyan na sana kayo!"
Sana nga...
Sagot ng kanyang isip, nais niyang kutusan ang sarili dahil dito. Pakiramdam niya ay parang pinagkaisahan niya ng kanyang puso at isip dahil nagkauunawaan ang mga ito.
"May problema ba?" tanong niya nang napansin ang nanunuksong tingin ni Pruk. Umiwas siya ng tingin.
Sana hindi niya ako nahahalata...
"Nothing" he naughtily smiled. "It's just like-something is bothering you"
Ang layo-layo niya sa standard ng binata. Nasabi na kasi nito sa kanya ang gusto nitong babae at sa kasamaang palad, wala siya sa nabanggit. Isa pa, sadyang matalino si Pruk kumpara sa kanya. Lapitin ng babae at bakla ang kanyang kaibigan dahil sa taglay nitong kagandahan ngunit masaya siya dahil malapit siya dito kahit malaki ang kanilang pinagkaiba. Kumbaga, lupa siya at langit naman ito. Ngunit, sadyang wala nga talagang taong perpekto dahil si Pruk ay may depekto sa paningin; kailangan muna nitong magsuot ng salamin bago makakita ng malinaw.
"Ahh, wala ito, dumadami na naman kasi ang mga pimples ko" palusot niya at napaniwala naman niya ang binata.
Isa pa tong mga pimples ko. Kaya nga mas lalong nawawala ang alindog ko dahil dito!
Protesta na naman ng isip niya. Umangkas na si Pruk sa kanyang bisikleta at sinenyasan siya na sumampa na. Sumunod siya saka kumapit sa metal na nasa likod.
BINABASA MO ANG
Treat Me Right
Novela JuvenilWe always dream for a "crush back" while staying with the person we like. Saint admires Pruk for a long time, but for the sake of their friendship, she is willing to remain silent. Being friends with him is better than nothing. Pruk is always there...