Chapter 15

1 0 0
                                    

BADUMMM! BADUMMM!

She was strucked by the lightning of surprise upon hearing his words. Napakasinsero ng pagkasabi ng binata at ang kislap ng mga mata nito ay nagpapatunay na hindi siya nagbibiro. Hindi niya alam kung dapat nga ba siyang matuwa o maawa sa binata dahil alam niya ang kahihinatnan nito. Parang may plaster na pumipigil sa kanyang bibig sa pagsasalita.

Magsalita ka bibig!

"Alam kong nabigla ka dahil masyadong mabilis ang pag-amin ko sayo. Ayoko nang itago tong nararamdaman ko Saint. Masyado akong umaasa na may nararamdaman karin para sa akin—

"I like you too Pruk" Hindi niya napigilan ang bibig na magsalita. Natigilan ang binata at nagkatitigan sila ng matagal.

BADUMMM! BADUMMM!
Sigaw ng kanyang puso.

Ugh! Bakit mo inamin?!
Protesta ng kanyang isip.

Bakit? Totoo naman talaga.
Tugon ng kanyang puso. Napapikit siya nang napagtanto ang isang malaking pagkakamali na nasabi niya!

"T-Totoo ba yung narinig ko?...Gusto mo rin ako?" nautal ito sa tuwa.

Dahil sa hiya, tinakpan niya kanyang mukha at umiling-iling. Hindi na siya makahinga sa sobrang kaba! Hindi niya magawang tumingin sa binata! Gusto niyang tumakbo papalayo pero nanginginig ang kanyang tuhod!

TUMAYO si Pruk kaya natumba ang bisikleta. Wala na siyang pakialam, ang gusto niya ay marinig muli ang masarap na sagot ng dalaga. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito.

"Saint...totoo ba yun?" tanong niya pero hindi siya sinagot. Nanatiling nakatakip ang kamay ng dalaga sa kanyang mukha.
Natawa siya.

"Okay, hindi kita pipilitin na ulitin pa yun at baka mahuli na tayo sa klase" pagkasabi niya ay inalis ni Saint ang kamay niya sa mukha. Pinatayo niya ang bisikleta at umangkas dito, hindi parin makatingin si Saint ng diretso sa kanyang mga mata.

"Tayo na" nakangiting sabi niya at sumunod naman ito. Umangkas ito pero hindi man lang kumapit sa kanyang bewang. Ngumisi siya.

"Kumapit ka dito" hinawakan niya ang kamay ni Saint at ipinatong ito sa bewang niya. Ramdam niya ang panginginig ng kamay nito. Lumingon siya para silipin ang mukha ng dalaga pero isinubsob nito ang mukha sa likod niya. Napangiti siya at pinatakbo na ang bisikleta.

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Sobrang bilis ang pagtibok ng kanyang puso habang nag-rereplay sa utak niya ang katagang bintiwan ng dalaga. Hindi niya halos nararamdaman ang takbo ng kanyang bisikleta. Ang init na nagmumula sa hininga ni Saint ay tumatagos sa kanyang damit papunta sa kanyang likod. Nabuhay na naman ang pagkalalaki niya.

"Thank you for having the same feeling towards me" sabi niya pero hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. "You don't know how happy I am"

She sighed.

"Aaminin kong natutuwa ako na may gusto ka sakin. Pero kahit pareho tayong may gusto sa isa't-isa, wala paring kasiguraduhan kung tayo ba talaga ang magkakatuluyan. I'm not the right person for you dahil marami tayong pagkakaiba. Maraming magagalit kung malalaman nilang may gusto tayo sa isa't-isa"

"It's not about the right person. It's not our fault na nagkagusto tayo sa isa't-isa. I know that like is very far from love, but can you give me a chance to fall for you deeper?" tanong niya na ikinatahimik nito.

"I can't say no Pruk. I'm willing to open my heart for you hanggang sa matuto tayong mahalin na ang isa't-isa. I will wait for that time na maisigaw ko na talaga ang salitang 'Mahal kita' "

Parang may humaplos sa kanyang puso. She's making him scream inside! Bumabaon sa kanyang damdamin ang matamis na salita ng dalaga.

"Saint..."

"Hihintayin ko ang tamang pagkakataon na magagawa na nating sabihin kay mama na mahal natin ang isa't-isa pero sa ngayon, kailangan muna nating pagtuunan ng pansin ang ating mga sarili"

"I understand, hindi muna kita liligawan sa ngayon. Let's enjoy our friendship hanggang sa dumating ang panahon na ready na tayo sa seryosong relasyon"

Napasinghap siya nang naramdaman ang mahigpit na yakap ng dalaga. Inalis niya ang kaliwang kamay sa manibela at hinaplos ang malambot nitong kamay.

"Pakiramdam ko ngayon pa lang, mas lumalalim ang nararamdaman ko para sayo"

"Nandito na tayo uy!" Natatawang sabi ng dalaga dahilan para natauhan siya.

"Sorry, I'm just overwhelmed"

PATULOY sa pagdi-discuss ang guro, nakatingin siya sa harap pero ang isip niya ay lumilipad sa kawalan. Their conversation replays in her mind. Nagitla siya nang may biglang sumiko sa kanya, it was Reign.

"Yung assignment mo girl" natatawang sabi nito.

"Ay! Oo nga pala" dali-dali niyang kinuha ang notebook at inabot ito sa kaibigan. Napailing si Aris.

"Anong itsura ng buwan?" sarkastiko nitong tanong. She sighed.

"Kanina ka pa tulala diyan, may problema ba?" tanong nito sa kanya. Tumayo muna si Reign at ipinasa ang kanilang asignatura.

Umiling siya. "Wala naman" tapos pilit na ngumiti.

"Tungkol ba yan kay Pruk?" nagulat siya ng bahagya dahil nahulaan nito ang iniisip niya. She can't lie to her, masyado siyang nahahalata nito kaya napilitan siyang umamin.

"O-Oo"

"Yieeeeee! Sabi ko na nga ba!"
Napapikit siya sa sakit nang sinundot nito ng malakas ang kanyang tagiliran. "So, umamin na ba siya?" bulong nito. She smiled and nodded.

"Ayieeeee! Tapos...?" interesado nitong dagdag.

"Mamaya ko na ikukwento sayo, baka may makarinig pa satin" suway niya at nanghihinayang naman itong napatango pero maya-maya ay bigla itong tumili kaya lahat ng kanilang kaklase ay napalingon sa kaniya.

"Ano ba yan... excited nako!" sigaw pa niya at palihim naman niyang kinurot ito. "Aray-ba't nananakit ka?" inis na bulong nito.

"Nakakahiya"

"Don't worry, kami lang ni Reign ang makakaalam ng sikreto mo" tugon nito. Napangiti siya.

----

A/N: Sanaol cri-nush back

Treat Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon