Chapter 16

2 0 0
                                    

TULAD ng nakagawian, pumunta sila Pruk sa classroom ni Saint. Tuwang-tuwa siya dahil alam na ng kanyang mga kaibigan ang pag-amin niya sa dalaga at ang mas nakakaganda pa, nagkasundo sila na isikreto lamang ito. Paglabas ng tatlo, abot tenga ang ngiti niya. Sinalubong niya si Saint ng kurot sa pisngi.

"Yieeeeeeee!" tukso ng kanilang mga kaibigan.

"By the way, alam niyo na bang walang klase bukas?" eksayted na tanong ni Reign.

"Yes naman! Sa dami-dami pa ng pwedeng mamiss na announcement yun pa?" tugon ni Third.

"So, are you gonna watch me tommorow?" taas-kilay na tanong naman ni Gem.

"I don't know, baka sa bahay lang ako" tugon ni Pruk kaya inismiran siya nito.

"Kung sabagay, palagi ka namang wala kapag may event sa school" inis nitong sabi at natawa ang lahat.

"Don't worry dude! We're here to support!" natatawang sabat ng dalawang kaibigan nila.

Maya-maya, lumabas na ang kasintahan ni Team. Nagtinginan ang dalawang kaibigan ni Saint samantalang ang mga lalaki naman ay natahimik. Nang lumingkis ang mga kamay nito sa braso ng binata ay lihim na napairap si Aris. Nakahalata si Gem kaya binasag nito ang katahimikan.

"Tayo na't kumain bago ko kayo kainin" biro niya at natawa na naman ang lahat dahil sa kanya.

HINDI na nakaramdam ng ilang si Saint. Siya na mismo ang yumakap sa bewang ng binata nang simulan nitong patakbuhin ang bisikleta. Nilingon siya nito nang may malapad na ngiti.

"Bye lovebirds!" narinig nilang sigaw ng kanilang mga kaibigan habang sila ay papalayo. She felt contentment, wala na siyang ibang hihilingin pa kundi ang mananatili sa piling ni Pruk. Pakiramdam niya ay nanalo siya sa lotto at masigla siya buong araw.

Bumaba na siya pagdating nila sa tapat ng kaniyang bahay. Nasa balkonahe ang kanyang pinsan, may kausap ito sa cellphone pero nang nakita sila ay agad nitong pinatay ang tawag.

"Salamat ah" nakangiting sabi niya kay Pruk. Matamis rin itong ngumiti.

"May event sa school bukas, kaya..." saglit itong napatigil at napakagat-labi. "Maari ba kitang imbitahan sa bahay namin?" natigilan siya sa tanong nito.

Nagsimula na namang tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Lihim siyang napangiti. Matagal na rin niyang gustong pumunta sa bahay ng binata kaya paanong hindi niya ito matatanggihan?

Tumango siya. "S-Sige"

Nakangiting yumuko ang kanyang kaibigan, hindi sa hiya kundi dahil sa tuwa. They are both wanting for it to happen.

"Ano namang gagawin natin don?" pinigilan niya ang sarili na mapangiti.

"Kahit ano" he smirked. "Pwede ring..." pabitin nitong sabi habang nakahawak sa baba niya. Tinitigan nito ang kanyang labi ng napakatagal saka ngumisi. Napagtanto niya ang ibig sabihin ng binata kaya pinalo niya ito sa braso.

"Puro ka kalokohan!"

"Hahahahaha!" Humagalpak ito ng tawa. She blushed.

"S-Sige na, papasok na ako" kunwari'y naiinis niyang sabi. Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya ng binata at hinawakan ang kanyang braso. Napatitig siya sa kumikislap na mata nito.

"You know what? I badly want to hug you right now, but your cousin's here so I'll just do it tomorrow" then he winked.

Ugh! Pruk!!!

Ipinatong niya ang kamay sa kamay ng binata saka hinaplos ito. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kanyang ugat, nanindig ang kanyang balahibo at uminit ang kanyang pisngi.

"Sige na, baka masanay ako" aniya at inalis ang kamay nito. "Bye"

"Bye"
Hindi na siya nagtagal pa dahil baka himatayin na siya sa sobrang tuwa. Inalis niya ang ngiti sa mukha nang pumasok siya, mahirap na baka mahahalata pa siya ng kanyang pinsan. Salubong ang kilay nito na para bang may galit habang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone. Maingat niyang inilagay sa upuan ng balkonahe ang kanyang bag at pumunta sa likod ng pinsan para tingnan kung sino ang kausap nito pero bigo siya dahil namalayan siya nito. Mabilis nitong pinatay ang cellphone at bumaling sa kanya.

Sinong katext niya? Bakit parang galit siya habang kausap ito?

Nakapagtataka ang kilos ng kanyang pinsan ngunit ayaw niya munang makialam.

"Yieeeee, may girlfriend ka na no?" kunwari'y tukso niya dito. Pilit itong ngumiti sa kanya at umiling.

"H-Hindi ah! Eh kayo ni Pruk? Boyfriend mo siya no?" tanong nito pabalik kaya natahimik siya pero agad rin siyang nakabawi.

"Pfft-Hindi rin, sadyang close lang kami" aniya.

"Weh?" hindi makapaniwalang sabi nito. "Eh kung makayakap ka sa kanya kanina, parang...may something talaga" nakangising dagdag pa nito. Napalunok siya.

Nakita niya yun?!

"Mag...bibihis muna ako" pag-iiba niya ng usapan nagmamadaling pumasok papunta sa kanyang kwarto. Napailing si Ae habang nakangisi parin. Alam niyang may something talaga sa kanyang pinsan at sa kaibigan nito dahil nakikita niya ang kislap sa mga mata nito.

KINAGABIHAN, habang nagluluto ang kanyang pinsan ng gulay sa kusina ay biglang nag-vibrate ang cellphone nito. Nasa ibabaw ito ng study table na nasa kwarto niya, nandun siya sa kwarto kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na tingnan kung sino ang tumatawag. Maingay sa labas dahil sa nakaandar na telebisyon, nanonood kasi ng palabas ang kanyang ina at kapatid.

Tiningnan niya ang screen at nagdadalawang-isip siya kung sagutin ba ito o hindi dahil sa hindi pamilyar ang pangalan nito. Felix? Takang tanong ng kanyang isip habang nakatitig parin sa screen nito. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman habang papalapit na ang kanyang daliri sa screen. Sa wakas ay sinagot na niya ang tawag. Dahan-dahan niya itong itinapat sa kanyang tenga at...

"H-Hello?"

Hinintay niya na sumagot ang kabilang linya.

"Hello?" pag-uulit niya pa.

Maya-maya...

"So, you are his girlfriend huh? Hindi ko alam na nag-iba na pala ang baklang Ae na nakilala ko" Muntik niya na itong mabitawan nang narinig ang nakakakilabot na boses mula sa kabilang linya.

Pinatay niya agad ang tawag. Nanginig ang mga kamay niya habang nakatingin parin sa 'call records'. Napahawak siya sa kanyang dibdib! Nagpaulit-ulit sa kanyang isip ang mga salitang ito...

Hindi ko alam na nag-iba na pala ang baklang Ae na nakilala ko

Hindi ko alam na nag-iba na pala ang baklang Ae na nakilala ko

Hindi ko alam na nag-iba na pala ang baklang Ae na nakilala ko

Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Naitapon niya sa mesa ang cellphone dahil sa takot! Kinikilabutan siya at hindi niya alam kung bakit!

Bibiko...anong ibig sabihin nito?

Treat Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon