Chapter 28

5 2 0
                                    

ATTENTION:

THIS CHAPTER CONTAINS VIOLENCE THAT MAY BE UPSETTING FOR THE READERS
----------------------

HANG in there...

Bumilang siya ng tatlo bago humakbang patungo sa kinaroonan ng tatlo. Tinitigan niya ang nakakainis na mukha nung lalaki. Nagulat sila nang nakita siya. His face was dark, but he didn't noticed. Ibinaba ng lalaki ang cellphone at salubong ang kilay na nilabanan ang titig niya.

"Who are you?" galit nitong tanong. "At bakit ka nakikialam dito?"

He smirked. This guy doesn't know anything about him pero kung makaasta ay parang astig na astig sa sarili niya. Kinuwelyuhan niya ito.

"Bakit mo ito ginagawa sa kanya?" matigas niyang tanong habang nakatitig parin sa mga mata nito. Nginisihan siya nito pabalik saka bumaling kay Ae, na halatang nagulat rin sa biglaan niyang pagsulpot.

"Ito ba ang bago mong aso?" sarkastiko ang tono ng boses nito dahilan para hindi niya napigilan ang sarili at sinuntok ito sa mukha.
What the hell!

"Pruk! Stop!" Ae screamed. Napalingon sa kanila ang mga taong dumadaan at ang iba ay tumigil para kumuha ng video sa halip na umawat.

Pinahid ng lalaki ang dumudugong labi at ngumisi. "Matapang ka..."

Inalerto niya ang sarili, baka sakaling umatake ito pabalik. Kailangang umuwi siya ng walang bangas sa mukha!

"K-Kuya! Huhuhu!" rinig niyang iyak ni Siri pero hindi niya ito nilingon. He'll teach this f*cking guy a lesson or else babalik at babalik pa ito para singilin si Ae.

"Felix! Wag!" sigaw ni Ae dahil susuntukin na siya ng lalaki pero nakailag siya. Mas lalo itong namula sa galit!

"Dodging is your style huh? Tingnan lang natin kung makakaiwas ka pa" akmang susuntukin na sana siya ulit nito, buti nalang at naunahan niya ito ng suntok. Natamaan ang panga nito, sinuntok niya ulit ito! Napaigtad ang lalaki at napahiga sa matigas at maruming semento.

Puro ka salita...

"Argggh!" napapikit ito habang dinaramdam ang sakit. Blood is running through his nose, that made everyone shout with fear. Nagvi-video parin ang nga mga tao sa paligid. Nilingon niya si Ae na sobrang putla na ng mukha at hindi  makatingin nang diretso sa kanyang mga mata. Nakayakap sa bewang nito ang kapatid ni Saint.

"Y-You bastard!" pilit na tumayo ang lalaki at dinuro siya. Tiningnan niya lang ito. Nakakaawa ang itsura ng lalaki dahil putok ang nguso nito at nagalusan pa ang mga braso. Napailing siya sabay ngisi. "Ginagalit mo ko!" ramdam niya ang mainit nitong hininga dahil lumapit ito sa kanya at sinigawan siya sa mukha. He pushed him away but he balanced himself and almost punched his jaw. Fortunately, nakailag na naman siya. Buti lang talaga at malakas ang kanyang pakiramdam.

"Die!" bigla nalang itong humugot ng maliit na kutsilyo sa kanyang tagiliran at...

PRRRTTTTTTTTTTTTT!

A loud whistle stopped the guy, nabitiwan nito ang kutsilyo at kumaripas ng takbo. Hinabol ito ng mga pulis. Napahinga siya ng malakas! He almost got stabbed. Naglakad siya papalayo habang nanginginig ang mga tuhod at nakahinga ng maluwag nang tuluyan na siyang nakasakay sa kanyang bisikleta.

Damn! What if nasaksak ka? Paano nalang ang mommy mo lalo na si Pelle!

He sighed. Nagawa lang naman niya iyon dahil hindi na niya matitiis pa na may makitang inaabuso. Pero sadyang hindi pa niya panahon para mamatay. At siguradong ang lalaking yun ay nahuli na ng mga pulis sa dami ng mga ito. Nanginig ang mga tuhod niya habang pinapadyakan ang pedal ng bisikleta.

-----
TUMIGIL siya saglit para magpahinga. Imagine, 20 meters ang layo ng plaza mula sa bahay nila at dahil wala siyang pamasahe pang traysikel, nilakad niya ito. Napalagitnaan na siya ng mga matatayog na puno—isang palatandaan na malapit na siya sa plaza. Pinahid niya ang pawis gamit ang likod ng kanyang kamay. Marami nang dumadaang sasakyan, pakaliwa't-pakanan. Sinapo niya ang kanyang noo at huminga ng malalim.

Mabuti narin to para makapag-exercise ka naman...
Napangiti siya nang sumagi ito sa isip niya. Maglalakad na sana siya nang may humintong traysikel sa tapat.

"Ate! Anong ginagawa mo rito?" Paglingon niya, nakita niya ang kanyang hinahanap.

"Hinahanap ka" tugon niya.
Nandun si Ae katabi si Siri sa harap, at nakangiti. Pero, pansin niyang parang may mali—parang...

Hindi niya maipaliwanag. Nakapagtataka lang na namumutla ang dalawa at nagdurugo ang pang-ibabang labi ng kanyang pinsan. Gusto niyang magtanong ngunit wala nang panahon kaya sumakay nalang siya sa likod nang walang pag-aatubili. Mabilis silang nakauwi, nauna siyang pumasok at sumunod ang dalawa. Katahimikan ang namumutawi sa pagitan nila kaya nakaramdam siya ng bahagyang pagkailang. Kinagat niya ang kanyang labi, hindi siya sanay! Dati kapag nagku-krus ang landas nilang tatlo ay halos hindi sila magkarinigan pero ngayon? Nakakapanibago. 

"San kayo galing at bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" sinalubong sila ng kanyang ina. As usual, salubong ang kilay nito.

"Ma..."

Iniwan na niya ang tatlo, gusto na niyang magpahinga at kausapin si Pruk. Hindi rin naman siya ang paulanan
ng tanong kundi ang kanyang kapatid. Pumasok siya sa kwarto at ibinagsak ang katawan sa makapal na kutson.

Treat Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon