Chapter 40

1 1 0
                                    

SHE started counting... ten days nalang, kaarawan niya na. Nilingon niya ang mga kaibigan na walang imik na kumakain tapos tumingin sa paligid. Naninibago siya sa kilos ng mga ito pero ayaw niyang magtanong. Nasa ganung posisyon sila nang biglang dumating si Pruk at ang mga kaibigan nito.

"Look who's here" sarkastikong sabi ni Aris nang tumabi sa kanya si Team. Napangisi si Gem.

Hinila ni Pruk ang upuan sa kabilang table at itinabi sa kanya. Ngumiti ito.

Sumipol si Gem. 

"Saint's birthday is coming!" masiglang sigaw ni Aris habang iwinagayway ang dalawang kamay sa ere.

"So, any surprise?" si Third.

Kinagat niya ang kanyang labi. Hindi siya handa sa sorpresa ng mga kaibigan. Nahihiya siya dahil sa ilang taon ng kanilang samahan ay wala man lang siyang nairegalo sa mga ito. Hindi rin siya dumadalo sa birthday ng kanyang mga kaibigan, palagi siyang umuuwi ng maaga.

"Naku, wag niyong gulatin yan, baka layasan kayo niyan" biro ni Reign.

"Really? You hate surprises?" takang tanong ni Gem sa kanya.

"Hindi naman sa ganun, hindi lang talaga ako mahilig dun" aniya at tumango naman ito. The truth is, since her dad left, she started to hate surprises. Naaalala niya lang ito kapag sinosorpresa siya tuwing kaarawan.

"Pero, okay lang ba sayo na sosorpresahin ka namin? Special kasi dapat ang debut" si Third. Tinawanan naman siya ni Reign.

"Wow, gandang surprise, pinaalam pa" sarkastikong sabi nito sa kanya. "Paano pa maso-surprise yan eh na-warningan mo na!" dagdag pa nito at natawa naman sila.

"Wala na, finish na. She knows it already" usal naman ni Aris. Pruk interrupted by clearing his throat. Their heads turned onto him.

"Cut it, Saint will love it even without surprises" paninigurado nito.

"Mmm, sapat na sakin na i-greet niyo ko" pagsang-ayon niya at ngumiti. Thanks for Pruk.

"Gifts will do" sabi ni Reign at tumango-tango naman ang iba.

She almost stopped breathing when she felt him holding her hand. Paglingon niya, nakatingin rin ito sa kanya. Her cheeks are burning.

UWIAN...

"Bye Saint!"

"Bye Saint!" sigaw nila Third. Si Team nama'y dumiretso  na kasama ang kasintahan nito. Well, as usual.

"Bye" she replied.

"Saint, hindi na kami sasabay sa inyo ah? May dadaanan pa kasi kami sa Minimart"

She nodded. "Sige"

"Bye Banal!" si Aris.

"Enjoy your date" panunukso  ni Reign at napailing naman siya. Nilingon niya si Third na nakangisi rin.

"Tsk, tigilan mo ko ah?"

"Tigilan saan?"

Umikot siya sa harap ng bisikleta at pinagkrus ang mga braso. "Wag mokong tuksuhin"

Sinadya ni Pruk na yanigin ang kanyang ulo dahilan para magsayawan ang pinong buhok nito. Sinuklay niya ito at muling tumingin kay Saint. She looked away. He's so attractive with his hair messed up.

"Ahhh...aalis na tayo?" sinikap niyang hindi mautal. Tumango ito at sumakay na sa bisikleta. Sumunod naman siya at umupo sa karugtong na metal sa likuran.

SA PRIBADONG opisina ni Harry, nakaupo si Chan. Kaharap niya ang isang mama na nakasuot ng kaswal na T-shirt at maong. Pasimple itong ngumiti.

"Kumusta po kayo, nakakatulog na po ba kayo ng maayos?"

Tumango ito.

"Oo, ayos na ako" tipid nitong sagot at humugot ng kung ano sa kanyang bulsa. Inabot nito sa kanya ang isang letrato. Tinanggap niya ito. Nandoon ang dalawang bata na mukhang malayo ang agwat, at ang mag-asawa. 

"Nahanap mo na ba talaga sila?" tanong nito patungkol sa kaniyang pamilya.

Kahit hindi sigurado ay tumango siya. "Nakatira sila sa dating lugar na tirahan ko"

"Ibig mong sabihin, nandon sila sa Santa Krusan?" naliliwanagan nitong tanong.

"Opo"

"Maayos ba ang lagay nila? Nag-aaral parin ba ang mga anak ko?"

"Opo, nasa maayos po silang kalagayan. Ang totoo po niyan, girlfriend ng pinsan ko ang anak niyo"

Natigilan ito.

"Ano kamo?" natawa siya sa reaksyon nito.

"Opo, at wag po kayong mag-alala, mabait po ang pinsan ko"

Napangiti ito at tinitigan ang letrato.
"Marahil dalagita narin ang isang anak ko. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila pagkatapos ko silang iwan..."

"Sir Caesar..."

"Sa tingin mo ba ay tatanggapin parin nila ako?" pumungay ang mga mata nito, nagbabadya ang luha.

"Matagal na panahon po kayong nawala, siguradong nasaktan sila pero hindi ibig sabihin nun na wala ka nang babalikan"

Suminghot ito. "Pero hindi nila alam ang dahilan, marahil ay kinamumuhian na nila ako"

He sighed.

"Tutulungan ko po kayo"

"Mahirap ang sitwasyon ko iho"

"Alam ko po" he paused. "Pero, may paraan. Lahat ng problema'y may solusyon"

Bumukas ang pinto, sabay silang napalingon sa gawi nito. Pumasok si Harry dala ang maleta na nilalaman ng gamit ng mama.

"Let's go, everything's ready" nakangiting nilingon nito ang mama. "Ready ba po ba kayo, Sir?"

Tumango ito at tipid na ngumiti.

"Bagong ahit yan" biro ni Chan at natawa naman sila.

Treat Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon