Chapter 39

1 1 0
                                    

WEEKS passed and their bond grew stronger. Knowing that their graduation is fast approaching, sinusulit nila ang pagkakataon na walang maayos na klase. Tapos narin ang nakakastress nilang paperworks kaya gala nalang sila ng gala.

"Malapit na pala ang birthday mo ate no?" masiglang tanong ni Siri at sumulyap pa kay Pruk na naghihintay sa kanya. Maaga kasing umalis si Aling Meli kaya nagkaroon ito ng tsansa na pumasok sa bakuran nila.

"Shhh, wag kang maingay"

Humalakhak ito.

"Come on ate, alam naman ni Pruk kung kailan. Malay mo, sosorpresahin ka niyan ng proposal. 18th birthday mo pa naman yon"

Tiningnan niya ito ng masama.

"Puro ka kalokohan"

"Ang sabihin mo, takot ka lang kay mama" inis niya itong nilingon kaya mas lalo itong tumawa. "Tingnan mo, tama ako no?"

Inambahan niya ito ng suntok. "Tumahimik ka"

"Saint Peter" pang-aasar nito sa pangalan niya at pamartsang umalis. Napailing nalang siya habang inaayos ang palda. Lumabas si Ae mula sa kwarto. Nakasuot ito ng pajama at magulo ang buhok.

"Good morning bibiko" natatawa niyang sabi. First time kasi nitong nalate ng gising.

"Good morning" humikab ito at sumulyap sa labas, tapos tumingin ulit sa kanya at nanunuksong ngumiti. "Ikaw ah?"

"Bakit?"

Muli nitong sinulyapan ang binata at ngumisi.

"Taray ng sundo mo"

She just smiled.

"Hanapin mo na kasi yung sayo"

"Nah, ayoko na baka mai-scam na naman ako" matabang niyang sabi. She chuckles.

"I have to go now, bye" she waved. He replied with a wave and smiled. Her lips curved as she walks towards Pruk. Inakbayan siya nito.

"Pruk naman," suway niya. "Baka makita tayo ng mga kapitbahay"

He just shrugged. "Who cares? Besides, we're just walking, there's nothing wrong with it"

"Baka...magsumbong sila kay mama"

His eyes widened and immediately pulled back his arm. Tinitigan siya nito sa mata.

"S-Sorry, nakalimutan ko"

Napailing si Saint sa katangahan nito. Palihim siyang napangiti, ang sarap sana kung boto ang mama niya na magkaroon siya ng boyfriend.

"By the way, about your father...can we talk about him?" nag-aalinlangang tanong nito. Her head snapped onto him, then she sighed.

"Hanggang ngayon wala parin kaming balita" biglang binalot ng lungkot ang kanyang puso. Nagbaba siya ng tingin. Biglang bumagal ang kanyang mga hakbang, sumabay naman si Pruk sa kanya.

"I'm sorry"

"It's okay, mukhang matagal ko na rin siyang di naisip" kumurap-kurap siya nang naramdaman ang pag-init ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung bakit biglang sumikip ang kanyang dibdib, siguro dahil nag-aaalala na siya para sa kanyang ama dahil matagal na panahon na itong hindi bumalik. She missed her father so bad.

"Shhh, don't cry here" biglang nataranta ang binata at huminto para buksan ang kanyang bag. He grabbed his cap and handed it. "Wear this"

Suminghot siya saka napangiti. Agad na kumawala ang kanyang mga luha nang naisuot niya iyon.

HE LOOKED AWAY, hindi niya matiis na tingnan lang ang dalaga sa ganoong sitwasyon. Inilibot niya ang mga tingin at nakita niya ang bench sa may kanto.

"Tara don"

She nodded.

"Buti nalang at pwede lang tayong magpalate ngayon" kunwaring tumawa si Saint kahit naiyak na.

Napailing nalang siya. She's really weird when she's emotional. Naaawa siya sa sinisinta, he didn't experienced being left by a father. Paniguradong mababago siya pag nangyari yon. But Saint, she's still softhearted as she is.

"Put your head on my shoulder" aniya nang naupo sila. Sumunod naman ito sa kanya at umiyak ng tahimik sa kanyang balikat. Tanging singhot lang at pagnginig ng balikat nito ang palatandaan ng matinding kalungkutan. Hinaplos niya ang likod ng dalaga habang napatingin sa kawalan. Nagsisi siya tuloy kung bakit tinanong niya pa iyon.

You're so dumb, Pruk.

Lingid sa kaalaman niya, malapit na ang bithday nito. Wala pa siyang naisip dahil hindi mahilig si Saint sa sorpresa. He always informs her when he has something for her.

Maya-maya ay tumigil ito sa pag-iyak, nag-angat ng tingin, at pinahid ang mga luha.

"Hehe, pasensya na. Nadala lang ako"

He smiled. "Masanay ka na sakin, I would always comfort you when you need it" he said it while looking onto her brown eyes. "You're birthday's coming, you shouldn't be sad. Here" aniya at niyakap ito. Hindi niya kita ang mukha nito pero sigurado siyang nagulat ito sa ginawa niya.

"This is my advance birthday gift and my wisg for you is..." kumalas siya.

"Your father's return"

Parang hinaplos ang kanyang puso nang nasilayan ulit ang mga ngiti ng dalaga.

"I hope he will" she replied.

Treat Me RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon